LEE'S POV
Lunes ngayon, nadito ako sa may kusina. Nagluluto ng agahan namin, ewan ko ba kung anong nakain ni Kris at pinag dayoff niya yung mga maids ng 5 months.
"Uy Lee! Ano ba, kaya ko nga pinagday-off yung mga maids ko kasi gusto kong maexperience magprepare ng breakfast, lunch, dinner, midnig-" hindi ko na tinuloy yung sasabihin niya at inabot ko nalang sa kanya yung Spatula.
"Hehehe, ligo ka na. May pasok pa diba?"
"Eto na nga eh." sabi ko tsaka nag-lakad paalis ng kusina.
"LEEEE!" napatakbo ulit ako pabalik sa kusina nung tinawag ako ni Kris.
"B-bakit?"
"Diba buntis ka? Bat pumapasok ka pa? Di ba makakasama sa baby mo yan? Alam mo yun, diba pag buntis prone sa disgrasya?"
"Ano ka ba, wala pang 5 months tong pinagbubuntis ko. Hindi yan." sabi ko tsaka tumakbo papuntang banyo.
Disgrasya? Hahaha. Ako? Asa naman.
--
Lahat kami naka-upo na sa lamesa. Naghihintay ng pagkain, seriously? 2 hours nang nagluluto si Kris!
"Ang tagal naman." reklamo ni Oliver.
"Nagugutom nakoooo!" sigaw naman ni Kevin.
"Tangna wala na bang itatagal to?" sabi ni Ren.
"Kris ano ba?!" sigaw ni Ryu.
"Lee may assignment ka na sa Geometry?" tanong sakin ni Jerome kaya hinanap ko sa bag ko yung Geometry book at tsaka binigay sa kanya.
"Yun oh! Thanks Lee!"
"Chencheneeeen!" tuwang tuwang sigaw ni Kris dala dala yung isang plato ng sunog na hotdog.
"Sorry natagalan." sabi niya tsaka nagpout.
Kyaaaaah! Pwede ba siya nalang kainin ko? *u*
"Ano ba yan sunog!" sigaw ni Kevin.
"Wag ka ngang mag-inarte! Yung hotdog mo nga hilaw e!" sabi naman ni Jamica tsaka kinain yung hotdog.
Napatingin ako kay Ren na kasalukuyang nakangiti habang naka-tingin sa hotgod.
Halaaa! Pati ba naman hotdog pinagnanasaan niya.
"Jagiyaaaa~ Kain na naa." sabi sakin ni Dominique habang kinukurot yung pisngi ko.
"Jagi mo mukha mo!" sigaw ko tsaka kumuha ng dalawang hotdog.
Pagtapos naming kumain, sabay sabay kaming nag-toothbrush. Buti nalang talaga yung banyo nila Kris malawak tapos may mahabang salamin kaya nagkasya kami.
"Hello unnie Loisa? Yeah... Im on my way na... Oh so nandyan ka na? Kekeke... Wait for me! Okay bye unnie, Take care... Iloveyoumore!" so close na close na talaga si Maica tapos si Loisa? Nice nice.
"Magkikita kayo ni Eloisa?" tanong ni Ren kaya napatingin kami lahat sa kanya.
"Ha? Oo." sagot ni Jamica.
"Oh i see." sabi niya tsaka tumango.
"Tara na? Okay na yung van." aya samin ni Ryu.
BINABASA MO ANG
Daddy na ko?!
HumorAko si Lee Hyun, babaeng nabuntis at tinakbuhan ng nakabuntis sakin. at sa kasagsagan ng pagluluksa ko, nakilala ko siya. Si Dominique Vargas ang lalaking umako ng responsibilidad sa anak ko at ang lalaking.. nagpatibok ulit ng puso ko.