11:11 Time
Nelson Mandela once said, “We must use time wisely and forever realize that the time is always ripe to do right.”
"Achuchuchu chuuuu!!!" pagpapatawa ni Zy at El sa mga bata.
"Okay tama na yan. Meryenda muna." pakantang wika ni Rachel sa amin.
Masaya kaming nagmeryenda habang pinapanood ang mga bata na nilalaro nung dalawa.
"Hatid namin kayo kina Nathan mamaya tapos aalis na kami."
Mamaya kase ay magrereport na sila sa medschool. Tapos sina Rachel at Sam kukunin yung mga reviewer nila sa boards.
"Yeah. Good luck." I responded to Steffi.
"This babies will be freaking rich soon. A moms that are lawyer, teacher and doctors and a dads that are doctor and engineer. Big time lawyer daddy also and an airforce engineer." tinuro ni Von ang dalawang bata.
"I'll spoil them."mayabang na wika ko.
Tinampal ni Rachel and bibig ko. Masakit din yon.
"No one will spoil this kids. Teach them to be contented." maawtoridad na sabi nito sa amin.
Para kaming mga tuta na tumango sa kaniya. Sabay kami nagkatinginan ni El at ngumuso sa isa't isa.
"Pero magkaka-anak din tayo soon---"
"Edi may kapatid sila! Anak nating lahat ang dalawang to okay?" putol ko kay Sam.
Nagpatuloy kami sa pagkain at pinaliguan namin ang dalawang anghel.
I put the formula of their milk on a backpack. Hinatid kami ng mga kaibigan ko sa bahay ni Nathan.
Deretso na akong pumasok dahil ito naman ang bilin niya. Tinawag ko siya pero hindi ito sumasagot.
Nakapagtataka dahil sobrang tahimik ng buong bahay. Kinuha ko sa stroller ang mga bata at binuhat patungo sa taas.
Napansin kong nakasiwang ang pintuan ng isa sa mga silid dito. There's a leak of light coming out from there. Lumapit ako dito at dahan dahang tinulak ito.
"Surprise!!!"
Muntik ko nang mabitawan si Jace dahil sa gulat. Nang medyo mahimasmasan ako ay nilibot ko ang paningin ko sa buong silid.
Inabot ko kay Nathan ang mga anak namin at nilibot ang silid. He painted the whole room pink and sky blue. May mga cribs din doon at ang half ng sahig ay foam. He really made an effort.
"What do you think, hon?" tanong niya sa akin.
"This is wonderful! Thank you..." maluha-luhang sagot ko.
"Small thing. Now we put Anesthesia here---oh I mean Anesthea and Jace here."
Binaba niya ang dalawang babies sa mga crib. Natatawa itong lumingon sa akin.
"I also bought some onesies here. Ito ang pinagkaabalahan ko kahapon." pinakita niya sa akin ang mga ito.
"Hindi ka nagreview?" tanong ko.
"Nope. Bukas, I already got my reviewers and handa na naman ako." sagot niya.
"Yabang, tol. Ikaw muna bahala diyan sa mga bata at magluluto ako." bilin ko sa kaniya.
"Oh yes, please. Go. Leave us alone here." masayang wika niya.
Pinagtutulak pa ako nito sa pintuan. I looked at him sharply. Why the hell---Ngayon nagseselos na ako sa mga bata.

BINABASA MO ANG
A wish: 11:11
Chick-Lit11:11 is an angel's number. They say you should wish something when the clock strikes at exactly 11:11 in the evening.