Chapter 1

344 7 0
                                    

Master

"Dito sa teritoryo ko, walang sino man ang pwedeng sumuway! naintindihan niyo?!Kung ayaw ninyong dumaan sa isang mabigat na parusa,dapat ninyong sundin lahat ng mga patakarang iniuutos ko! At siguraduhin niyo na walang sinuman ang nakapasok na estranghero dito maliwanag?!"

"Opo master!Opo pinuno!"

"Nasan na ang traydor? napagtagumpayan niyo bang hulihin siya?"

"Opo master,,Masyado pong mailap ang isang yon,buti nalang at mas malakas kami kumpara sa kanya...masyadong malakas ang loob master,hindi papayag na mahuli hangga't di nasasaktan!"

"Master heto siya!"

"Bitawan niyo ko! ano pa bang kailangan niyo sakin? Binigay ko na ang kailangan niyo,,pakawalan niyo na ako! mabuti nga at binigay ko pa yon eh,,,masyado na kasi kayong desperad----Ahhhhh"

"Tama lang yan sayo! Huwag na huwag mong pagsasalitaan ng ganiyan si master lalo na at nandito ka sa teritoryo ng mga Valmonte!Umayos ka ng pananalita mo kung gusto mo pang mabuhay!"

"Tama na---ahhh!"

"Siguraduhin niyo lang na humihinga pa yan,,walang sinuman ang pwedeng pumatay diyan ng walang pahintulot ko,,At huwag ninyong tangkain na sumuway dahil alam niyo na ang mangyayari sa inyo!"

"Bilang pinuno niyo, ako lamang ang may karapatan na magpatupad ng batas, kung sino man ang lumihis nang landas kahit sino sa inyo, kahit gaano pa kayo katagal na naglilingkod dito sa teritoryo ko,,walang makakaligtas sa nakaabang na parusa,,naintindihan niyo?!"

"Opo master!makakaasa po kayo!"

rinig kong sigaw ng mga taong  animo'y parang isang hari ang sinasamba...hindi ko man makita kung sino ang kanilang binabanggit na master,,nakatitiyak akong isa itong makapangyarihan! sino kaya yung taong binihag nila? halos mamatay na siya sa sakit na naramdaman niya tsaka ano kayang nagawa nitong kasalanan?

Hindi ko alam kung anong lugar ito,,dahil kanina ay sinusundan ko lamang ang isang di karaniwang uri ng hayop na nasalubong ko habang ako'y naglalakad sa parke galing sa paaralan nang mapansin ko nalang na dinala ako nito sa isang madilim at nakakatakot na gubat...

Puro huni lamang ng ibon ang naririnig ko sa gubat na ito ngunit kalaunan ay nakarinig ako ng isang malakas na sigawan ng mga tao sa di kalayuan,,nang sundan ko ang tunog na ito,nabigla na lamang ako sa napakaraming tao!halos lahat sila ay nababalot ng kulay itim na kasuotan,hindi makita ang kanilang mukha dahil natatakpan ito ng kanilang suot at lahat sila ay may iisang salita na isinisigaw ngunit hindi ko maintindihan dahil kakaibang lengguwahe ito na sinasamba ang kanilang master sa isang nakamamangha ngunit binabalot ng kadiliman na palasyo...

naku kailangan kong magtago ng maigi dahil nagsisimula na silang magsialisan,,baka may makakita pa sakin dito!pero ano kaya ang lugar na ito? paano ako makakaalis dito kung hindi ko alam ang daan pauwi?!kakainis kasing aso yan na mukhang unggoy eh,,kung hindi dahil sa kanya,,wala ako dito ngayon!

Vampire's TearsWhere stories live. Discover now