41: Forgive

56 7 4
                                    

Jennie's POV

"Tangina, nakuha na ng mga tauhan ni Santiago sila Scarlet at Sandy!" Nabigla sila ng bigla akong bumalik dito, sinundan ko kanina si Scarlet. Pero nakita ko na isasara na nila ang pinto ng Van kaya naman hindi na ko nakahabol pa

"Ano!?" Gulat na tanong nila Rose at Moira

"Bakit nasama si Sandy!?" Tanong ni Jicel

"Hindi ko alam!" Sigaw ko, nakita kong kinuha ni Jansen at ni Yuan ang phone nila at may tinawagan

"Itatrack na nila, umalis ba si Sandy o Si Scarlet na may dalang phone?" Tanong ni Yuan at agad namang tumango si Jicel

"May hawak silang phone pareho," Tumingin si Jicel saakin "Hindi naman nila nalaglag yun. hindi ba?" Tanong nya at tumango ako

"Moira, itrack nyo yung GPS kung nasaan sila. Tulungan natin yung mga pulis." aligagang saad ni Raphael at agad namang tumango si Moira, pumunta sya sa laptop nya

"Di kaya may halong patibong na din to para makilala nila tayo?" Napatingin kami kay Prince ng sabihin nya yon

"May chance syang patayin tayong lahat pagdating natin don," Dagdag nya pa

"Wala akong pake, ang mahalaga maliligtas natin si Sandy!" Sigaw pa ni Rose, lumapit sakanya si Jerald para icomfort sya sa kakaiyak

"Tangina, kung pwede lang ako tumawag ng backup tatawag ako." Saad ko at napairap

"Tumawag ka." Napatingin ako kila Prince, Yuan, at kay Raphael. Sabay nilang sinabi iyon

"Sure kayo?" Tanong ko at sabay namang tumango ang tatlo

Agad kong tinawagan sii Tianna, alam kong sya lang ang matatawagan ko dahil sya ng boss ko. Sa ngayon. Wala pa kase si seventh.

"Hello? May balita na ba---"

"Kailangan ko ng backup, kung gusto mo sumama para makita sila, sumama ka. Pumunta kayo sa itetext kong adress." Agad kong pinatay ang telepono pagkasabi ko non sakanya, kung wala syang respeto sa'kin. Mas wala akong respeto sakanya.

"Nahanap ko na!!" Napatingin kami kay Moira dahil sa sinabi nito.

Sakto din na nakakasabi lang ng mga police kung saan maari nandoon sila Sandy, at tama nga. Mag kapareho ang impormasyon na nakuha nila Moira.

"Tara na!" 

"Teka papaano si Hara!?" Tanong ni Lira at napatingin naman kami sakanya

Tumingin ako sa may Pinto at nakita ko doon si Atty Cruz, kasama si Jessica at ang papa nya.

"Mr. Simson, pwede po ba kayong maiwan?" Tanong ni Harold dito at agad namang tumango si Atty Simson

"Oo, sge umalis na kayo." Agad akong tumakbo papunta sa kotse ni Prince, bakit? Dahil mag kakaroon pa kami ng brainstorming kapag mag kasama kami sa kotse. Kapag si Yuan kase kasama ko baka mas lalong hindi ako makamove on.

Itinext ko na kila Tianna kung saan pupunta at agad naman silang umuoo.

Huling alas mo na ata to, Henry Santiago.'

Scarlet's POV

Unti unti kong iminulat ang mata ko, nasa parang isang abandunadong pabrika kami. Hindi ko alam kung saang parte ng converse high ito.

"Looks who's awake! The sleeping, Scarlet." Agad akong napatingin doon sa may gitna at nakita ko si Hero, surprisngly. Sya lang ang nandyan

"Wow, so plano mo to? Gustong gusto mo talaga ako noh!?" Sarkastiko kong sigaw sakanya habang pilit na kumakawala sa pagtali ng kamay at ng paa ko

Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon