Ang kwento ko ay nagsimula noong nagbakasyon sa amin ang aking ate at ang aking pamangkin na si Mikay 4yrs old.
Nagdaan ang ilang araw ay ayos naman kami ngunit nabasag ang katahimikan ng isang gabing umiiyak si Mikay. Normal lang naman yung gabi gabing umiiyak sya at may parang tinatawag. Nene yung name pero lagi naman syang inaakyat ni ate sa taas sa may kwarto para patahanin sya. Una di ko yun pinapansin dahil ang akala ko normal lang yon pero.
Nang isang gabi 11:30pm, umiyak ulit si Mikay at nanonood ako ng t.v sa mga oras na yun at si Ate nasa c.r.
Ate! Umiiyak nanaman si Mikay!
sigaw ko kay ate.Matagal pa ako dito, akyatin mo muna pa inumin mo ng gatas, wag mo muna iwan hanggat di pa ako nakaakyat dun. sabi nya
Anu ba yan! padabog ko.
pag aakyat at nung papasok na ako sa kwarto ay parang may mabigat akong nararamdaman bawat hakbang ko, parang ang lungkot at pangungulila yung nararamdaman ko pero di ko na yun pinansin.
Mikay tito to, bkit ka umiiyak? gusto mu gatas teka lang be kuha lang tito bote mo pangcocomfort ko.
"Nene" sbi ni Mikay
Ihi ka? Sige be. sabi ko nung akala kong ihi ang sinabi nya. Nung aakma ko nang kargahin sya ay nagsalita ulit sya ng.
"Hindi wiwi, nene" habang nakaturo sa may kisame at mukhang seryoso si Mikay na nkatingin sa tinuro nya. Nagtataka nga ako kung bakit parang umayos na sya at hndi na umiiyak simula nung sinabe nya yung name na Nene.
Nene? Sino yun be? pagtataka ko, kasi wala naman kaming kasama dun sa kwarto kami lang ang nandun tas nagsalita ulit sya nang
Ayon o! Nene baba. This time naman nakaturo sya sa corner ng kisame pababa sa dingding. Biglang nkaramdan na ako ng lamig at kaba. Ang tanging nasabi ko lang sa pamangkin ko ay,
Sinong nene? away ka ba nun? Sige pagnakita yun ni tito papaluin nya, away away nya si Mikay ah! Love yan ni tito eh.
Sabay yakap kay Mikay
Nene gagalit sayo, punta daw sya sayo aaway mo daw sya tito eh. Sbi skin ni Mikay habang akap akap ko sya
Nung sinabi na nya yun, ay may biglang tumunog na parang kaluskos at dahil dun di ko na napigilang mapaluha sa takot. Lalaki ako pero di ko talaga kinaya lalo na nung sinabi ni Mikay ito
Tito.
Bakit? nanginginig kong tanung. Ang tagal ni mikay sumagot dahil parang may kabulungan sya sa likuran ko hbang yakap ko sya at tumatawa sya na parang may inaabot.
Tito, nene gapang paa mo hahaha at tumawa si Mikay hbang tumuturo sa sahig papalapit sakin
Kay, wag mo ako takot. Tulog ka na be. Yan nlang ang nasabi sa sobrang takot at napapaluha na ako dahil bwat sinasbi ni Mikay ay ramdam ko at biglang....
End of first episode.
BINABASA MO ANG
Nene
HorrorNaranasan mo na bang makakita ng di ordinaryong bagay na masasabi mong nakakapantayo balahibo? Eh ang makatabi, mabuhat o makalaro ang isang batang demonyo? Ako, oo. Itong kwentong ito ay base sa tunay na buhay na nakalap ko sa isang pahayagan, nais...