OBAMB 032

1K 45 26
                                    

---> "Hmm..." nag kamalay si Erza nang may kung anong malambot na bagay siyang hinihigaan. Iminulat niya ang mata at agad na sumalubong sa kanyang paningin ang among nasa tabi, naka harap sa laptop nito at seryosong nag tatrabaho. "Sir?" bumangon siya na kinukusot ang mga mata.

Si Levi naman ay agad na sinara ang laptop at tinignan siya. Nag aalala siya pero kinontrol niya ang imosyon. His heart even skipped a bit because he's admitting it, she looks good waking up with those tired eyes and messy hair. "Kamusta? Ano nararamdaman mo?"

Nag iinat, mahinang natawa si Erza habang sabay sabay na pumasok sa isipan niya ang nga nangyari kanina. "Pasensya na po. Nawalan po ako ng malay." nahihiyang mahinang tawa niya.

Natitig siya sa mukha ni Erza. Wala siyang mababakas na takot sa mga mata nito o imahe ng natromang tao. "May masakit ba sayo?"

Napalitan ng pag aalala ang mga mata ni Erza bago tuluyang tinignan ang amo. "Ayus lang po ako. Kayo po? Kayo pong lahat? May nasaktan po ba?"

Umiling si Levi at komportableng sumandal sa headboard. Nagawa niyang makahinga ng malalim. 'Ha.. I see. She's fine.' hindi niya mapigilang mapangisi sa... Pagkaproud. "Wala." pinatong niya ang laptop sa lapag ng kama at bumalik sa pag ka sandal sa headboard and he crossed his arms infront of his chest then looked at her. "How was earlier?"

"Po?" Erza sighed looking around. "Yung mga kalaban ho ba natin? Natalo po ba natin sila? Wala naman pong nangyari nung nawalan ako ng malay, hindi ba?" looking around, this is a whole wide room. Just like the room from their previous house, the same white and gray theme yet different style.

"As soon as you passed out, everything went well. We won earlier but we are not done yet." napangisi si Levi, nag hahalo ang pag babanta at pag kaproud aa mukha nito. "This is war."

Natigilan si Erza. "War po? Gera? Kayo po ng lola mo?"

"Oo." Levi sighed as he eyed on her lips. "Your lips. Aren't they hurt? Masyado mo silang nakakagat kanina at nag sugat ng tuluyan."

Hindi mapigilan maapektuhan ni Erza sa away mag lola nila Levi. Naiintindihan niya na iba iba ang pamilya pero knowing na ito ang reyalidad? Nakakadismaya at nakakalungkot para sa kanya.

Lumaki siyang ama lamang ang kasama kaya hindi niya naramdaman ang totoong pamilya lalo na at hindi naging mabuting ama sa kanya ang tatay niya pero alam niya may mga pamilya na masaya at susuportahan. Nakakalungkot na hindi naging ganoon ang mga pamilya nila.

Nang maalala niya ang ama, kumirot ang puso niya. Kahit ayaw niya na itong makasama, nakaramdam siya ng pag aalala para dito. 'Kamusta na kaya siya?' Erza licked her lower lip and felt the pain making her flinched. "Aww..." mahinang daing niya.

Levi knows theres something inside her head. Her eyes suddenly looked sad. "Masakit ba masyado?"

Umiling si Erza. "Kaya naman po, nagulat lang ako." mahinang tawa niya at nangiti. 'Sana nasa maayos na lagay ang tatay ko... Lord kayo na pong bahala sa kanya.'

Levi mildly tilted his head and looked at her with those questioning eyes. "You're not okay.." naibulong ni Levi habang nakatingin mabuti sa kanya na para bang pati kaluluwa niya ay tinititigan nito in a tender way. "What are you thinking?" with a low voice, he asked, concern. "You look really sad. Natakot ka ba ng sobra?"

Nanlaki mga mata ni Erza at agad na umiling para dipensahan ang sarili. "Naku po hindi po. May naalala lang po ako. Wala naman po akong problema sa mga nangyari kanina. S-sorry po.." papahina niyang sabi.

"I see..." napalunok si Levi. "Ahm..." lumingon siya sa kisame at napakagat ng pang ibabang labi, pinapanatili ang mga braso sa kanyang dibdib habang ineestretch niya ang naka indian sit niyang paa bago muling tuluyang tinignan si Erza. "Ahm.." lumunok siyang muli. "You can tell me."

Owned By The Mafia Boss - On Going.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon