Simula

14 0 0
                                    

Sa buhay may mga bagay na kailangan nating itago, secret kumbaga. Mga bagay na nananatiling nakakulong sa isang pintong nakasara at kahit kailan ay walang sinumang makakahanap sa susing hinagis sa gitna ng karagatan. May mga bagay rin na pilit nating itinatago kahit na hindi naman natin talaga kayang itago, kaya naman ilang beses na nating sinubukang isiwalat sa iba, ngunit sa panahong gusto na nating magsalita ay saka napapaos at walang makapang salita.

But why do we keep secrets? Dahil ba isang araw gumising tayo at natripan lang nating magsikreto or do we keep secrets to protect something?

Kailangan pa bang dumating ang panahon na may kakausap sayo at sasabihin ang mga katagang binitawan ni John Smith sa Pocahontas, "I'd rather die tomorrow than live a hundred years without knowing you".

Sa edad kong 17, marami na'kong naging sikreto, at ang ilan ay hindi ko na maalala siguro ay nakabaon na. I just keep moving forward, opening new doors, stay for a little while and make it a secret door, ipapadlock, at tsaka itatapon ang susi. Not realizing that I already made a whole subdivision, working like a professional engineer. It became a habit of mine and now I no longer know how to get along without doing it.

Of all my secrets there's only one that I've been trying to cage and hide for a long time. It's something I despise and loathe and therefore hide and avoid. But it is impossible for me to catch and run away without it. I don't know I guess it became a complete representation of what am I right now.

Nang-iwan siya. After I found out that there where many of us. Marami kaming naloko. Mga kasinungalingan ipinaramdam at ipinakita niya.

Iniwan ako ng isang taong hindi ko inaakalang kaya akong iwan. Huli na nang mapagtanto ko. Masakit. Para akong itinali ng napaka-higpit sa isang rocket papunta kung saan. Sa lugar kung saan ay hindi namin makakapiling ang isa't-isa, ni sulyap ay ipinagkakait. Walang magawa, sapagkat ang nakakataas na ang nagdesisyon. Ang sabi'y makakapiling lang namin ang isa't-isa sa isang paraan, paraan na napakahirap gawin dahil magkakasala ako.

"Shaniah, busy ka ba? May nangyari bang masama? May surprise ako sa'yo." masayang bungad sa akin ni Kuya nang sa wakas ay sagutin ko ang tawag niya matapos ang limang beses na subok.

Nakaupo sa aking kama at hindi alam ang gagawin. Hindi ko siya sinagot at tulala sa kalendaryo sa harap. Nakapalibot sa buwan at taon ang mga maliliit na bulaklak, habang nasa baba naman nito ang mga araw, maliliit lamang ang mga numero sapagkat naglaan ng espasyo para makapagsulat ng mga gawain. Ang mga pahinang tila gawa pa noong sinaunang panahon dahil sa kayumangging kulay nito ay bawas na sapagkat pinunit sa pagdaan ng ilang buwan.

Sa matagal na titig, napagtanto kong katulad ng pahina ng kalendaryo ang bawat araw ko sapagkat sa tuwing katapusan ay pinupunit. Nauubos at nabibilang kung ilan pa ang natitira.

"Bunso nakikinig ka ba?" tanong sa'kin ni Kuya sa kabilang linya nang matantong kanina pa'ko walang imik.

"Okay ka lang ba? Magsabi ka lang kay Kuya." may halong pag-aalala sa boses niya.

"Wala, Kuya. May naisip lang. "

"Huh? Eto naman si bunso akala ko kung napano ka na a t bakit hindi ka naimik. Ano ba yang iniisip mo at baka matulungan kita. Assignment mo ba yan sa physics?" kuryosong aniya.

"Hindi naman Kuya. Yung classmate ko kasi."

"Oh anong meron sa classmate mo? At parang mas mahalaga pa siya kaysa sa Kuya mong gwapo? Lalaki ba yan? Nililigawan ka?" sunod-sunod niyang tanong at tila handa nang sumugod at takutin ang classmate ko kung totoo mang nanliligaw ito sa'kin.

"Ano ka ba Kuya hindi uso ang panliligaw dito sa Hawaii." Kung alam niya lang puro babae ang gustong makipagrelasyon sa akin dito, ang ilan naman ay iwas sa akin dahil uso pa rin ang diskriminasyon sa balat at lahi.

"Ano?! Edi boyfriend mo na gano'n? Naku Shaniah sinasabi ko sa'yo lolokohin ka lang niyan." Makapagsalita siya parang hindi siya playboy. Kung sabagay sabi nga nila alam mo ang takbo ng isip ng mga kabaro mo.

"Ano ba, Kuya. Yung classmate ko kasi nagpakamatay. Hindi raw niya kinaya mga problema niya. Kaya ayun tumalon sa building kanina."

"Huh? Kawawa naman pala yang classmate mo. Siguro napakabigat ng problema niya at ang tanging solusyon sa isip niya ay magpakamatay."

"Oo nga, Kuya." wala sa sariling sang-ayon ko.

"Alam mo Shaniah hindi ko alam kung malulungkot ako kasi sumuko siya o sasaya dahil
isang anghel na naman ang nakabalik sa langit."

"I miss you, Kuya." malungkot kong ani.

"Oiii si bunso. Mami-miss mo pala ako akala ko hindi. 'Wag na sad ang bebe na yan kasi miss ka rin ni Kuya. Wait ka lang saglit magkikita rin tayo. Tsaka may surprise ako sa'yo, padating na. Hintay ka lang."

"I love you, Kuya." The only thing I said before I ended the call.

Tinignan ko ang kalendaryo. Friday. April 1. It was perfect. With the halfmoon surrounded by stars so bright, the sound of loud crickets and the warmth of the wind from the west, I've decided. A smile formed in my lips. It's peaceful. No one would really know what happened tonight cause tonight I let my shadow eat my whole system and bring me to the afterlife.

Nanginginig ang kamay, inabot ko ang kutsilyong nakapatong sa lamesa malapit sa'king kama, at walang pag-aatubiling sinaksak ko ang banda kung nasaan ang aking puso. Masakit. Pero ito ang sakit na gustong gusto ko. Tumalsik ang dugo ko sa buong kama, the new white sheets turned into red. The metallic smell of my blood stays on my nose. It's addictive.

I guess all my secrets will remain secrets forever. I guess no one will act like John Smith and say his lines to me cause I'll bury all my secrets six feet under the ground with me.

Patawad, Kuya. Hindi ko na matatanggap ang iyong supresa.

Sa huling pagkakataon ay hihiling ako, bago ako bumalik sa langit at maglingkod bilang anghel. Sana sa dalawang binanggit ni kuya ay pipiliin niya ang huli, sapagkat pinapangako, gagabayan ko siya bilang anghel niya at magpakabait ako saan man ang sinasabi nilang langit. At sana katulad ng sinisimbolo ng mga paruparo sa kalendaryo ay muli akong mabuhay at nang siya'y muling makapiling.

"See you soon," ang tanging naiusal ko bago pagharian ng dilim ang aking paningin.

...
09/11/21

Hiding the Darkest ShadowWhere stories live. Discover now