KABANATA I

5 0 0
                                    



KABANATA I

"Huling Sandali"


"AYOS lang ba talaga itong suot ko?" Medyo nahihiya pa'ng sabi ni Asia sa kasintahan na si Thaddeus.

He sweetly smiled at her. "You are perfect."

Napasimangut siya sa sinabi nito. Gusto niyang maniwala dito pero nakasuot lang siya ng isang plain baby blue dress. Ni wala siyang make up o anumang suot na alahas sa katawan niya. She should be more presentable in front of his family. Ang kaso ay wala siyang ibang masuot. Ang baby blue dress lang na iyon ang pinaka-maayos na nasa closet niya. Hindi naman niya kayang tanggapin ang anumang regalo na binibigay ni Thad sa kanya.

"Maganda ka na para sa akin, Asia. Hindi mo kailangang mag-ayos ng sobra. Nandoon pa naman ang mga predators na mga pinsan ko." Anito saka inakbayan siya at sunod na hinalikan ang kanyang noo.

"Thanks, Thad."

"Let's go?" Anito saka siya inalalayang makababa sa sasakyan.

Nasa Aurora sila ngayon ni Thad. May family reunion ito na gaganapin sa mansion ng mga Castillon. At ayaw sanang sumama ni Asia sa okasyong iyon na para lang sa pamilya ni Thad pero buong linggo siya nito'ng sinuyo na sumama siya sa Baler.

Kinakabahan man ay pilit na tinatago ni Asia sa loob iyon. Ayaw niyang mapahiya kay Thad at sa pamilya nito. Medyo nai-insecure lang siya sa ayos niya ngayon dahil napaka-plain ng get up niya. Baka kasi siya lang ang naiiba sa mga taong naroroon.

"I am excited to meet your Lola, Thad." Aniya.

Ang Lola Lucija kasi nito ang nagmamay-ari ng mansyon kung saan ginaganap ang family reunion ng mga Castillon. Isa pa, halos araw-araw na lang nito'ng bukam-bibig ang Lola Lucija nito sa tuwing magkikita sila. At nararamdaman niyang mahal na mahal nito ang Lola Lucija nito.

"Sa kanya kita unang ipapakilala." Tila excited rin na sabi ni Thad sa kanya. "She's been meaning to finally meet you, Asia. Lagi kitang kinukwento sa kanya."

Mas lalo siyang nakaramdam ng kaba sa sinabi nito. Baka kasi hindi siya pumasa sa standards ng Lola nito.

The moment he opened the door going to the garden, Asia felt more butterflies in her stomach. Hindi niya alam kung ikakasaya niya ang pakiramdam na iyon. Marami nang tao ang naroroon. Pero natuon agad ang presenya niya sa isang aura na natatabunan ng mga kaanak ni Thad.

Slowly, people are moving and her gaze pinned to someone who owns the unfamiliar aura.

"There, nandun si Lola." Turo ni Thad sa taong nagmamay-ari ng kakaibang presensya na iyon.

Napalitan ng kakaibang takot ang excitement na nararamdaman ni Asia kanina. She does not know anything about Lola Lucija apart from being a good grandmother to Thad and to his cousins. Hindi niya lubos akalain na makakaramdam siya ng ganoong takot mula sa taong mahalaga kay Thad.

Later did she know, nasa harapan na sila ni Lola Lucija. Masyado yatang natuon ang atensyon niya sa takot na biglang bumalot sa kanya.

"Lola, this is Asia. Girlfriend ko." Pagpapakilala ni Thad sa kanya sa Lola nito.

"Hello, hija. We finally meet." Wika ni Lola Lucija sa kanya saka ito nakibag-beso sa kanya.

"H-Hello po, Ma'am." Pilit niyang tinatago ang kaba sa boses niya.

Ngumiti ito sa kanya. "Lola Lucija will do, hija. 'Wag na ang Ma'am. Maupo ka dito."

"P-Po? Ah, eh..." Nag-aalangan na sabi niya. Hindi pa rin mawala ang takot niya mula sa presensya nito.

The Seekers #3: Kismet's KissWhere stories live. Discover now