Chapter 6 [EDITED]

167 22 6
                                    

Shin's POV:

Tawang-tawa si Sandra nang dahil sa kanyang nakita. Sayang, hindi ko man lang siya napigilan kaagad. Edi sana, hindi niya nakita ang mga katawa-tawa kong litrato.

"Ikaw ha, ngayon ko lang nakita ang iyong mga graduation pictures. Hindi mo man lang ikinuwento na ganito pala ang nangyari!" sabi ni Sandra habang mangiyak-ngiyak na sa kakatawa.

Sumimangot ako. Kanya namang ginulo ang aking buhok.

"Uy! Ano ka ba? Hindi ka nga dapat sumimangot diyan! Ayos ka kaya dito!" Gan'yang-gan'yan din ang sinabi ng mga tao sa akin kanina. Halata namang nagpipigil siya ng tawa. "Sana pala, naka-attend man lang ako sa iyong graduation."

Biglang nagbago ang aking emosyon sa kanyang sinabi. Nagulat na lamang ako nang hawakan niya ang aking pisngi sabay pinisil ito.

"Sayang, hindi ko man lang nasilayan kung paano ka lumaki. Nagbago ka na talaga ngayon. Seryoso ka na. Matangkad ka na. Malagong na ang iyong boses. Hindi ka na yung Shin na iyakin." Tumawa siya nang marahan sa ika-huli niyang sinabi. Sumunod nun ay nagkatitigan kami sa isa't-isa.

Ang hirap ipaliwanag ng aking nararamdaman ngayon. Nagiging abnormal na naman ako. Halo-halong emosyon ang nangyayari sa aking sarili sa pamamagitan lamang ng pagtitig sa mga makikinang niyang mata. Parang kami lang dalawa ang tao dito sa mundo ngayon.

"O ayan! Nakangiti na siya!" Saka ako bumalik sa realidad. Nakangiti daw ako?

Kinapa ko ang aking mukha kaagad. Tama nga si Sandra. Nakangiti ako ngayon nang hindi kalakihan. Umiwas ako ng tingin sa kanya sabay nag-ayang bumalik na sa classroom.

Nadatnan ko ang mga taong nagtatawanan at nakatingin sa akin sa pagkapasok ko. Hindi ko nalang sila pinansin para hindi ako maasar. Tahimik akong umupo sa aking upuan habang hinihintay ang prof namin.

Nang bumukas ang pinto ng aming classroom, napangiti ako nang abot tenga. Pumasok na ang aming prof at mabuti nalang, may tagapag-tanggol na ako kapag pinagtawanan ako ng iba.

"Good morning class!" bati ng aming prof. Tumayo kami at bumati din sa kanya.

Umupo na kaming lahat. Uupo na din sana si Prof nang mapatingin siya sa teacher's table. Mukhang may tinitingnan siya. Hindi ko maipinta ang kanyang mukha ngayon. Bigla nalang siyang tumawa nang malakas.

"Class! Sino ba itong nasa picture? Nakakaloko ang mukha niya!" Kinuha niya ang papel at ipinakita ito sa klase.

Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Pakiramdam ko, umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan. Kaasar! Yun pala yung aking mga litrato.

Hinilamos ko ang aking mukha gamit ang aking kaliwang palad. Tumago ako sa likod ng taong nasa aking unahan para hindi ako makita. Sa kasamaang palad, tumingin at tumuro ang lahat sa akin. Pati ang nasa unahan ko, nagbigay daan para makita ako ni Prof.

Damn.

"O Mr.Gomez, ikaw pala ito!" Sumimangot ako.

Sinabi pa niya! Eh, hindi ko ba kamukha 'yung nasa larawan?

"Class, tingnan niyo nang mabuti!" Inilapit pa ni Prof ang papel sa aking mga kaklase para mas makita nila. Lahat sila ay tumatawa dahil sa akin.

Nakakainis lang. Ano bang klaseng guro siya? Pati ba naman estudyante niya, ipinapahiya?

Inis akong tumayo mula sa aking upuan. Dumiretso ako papalabas ng classroom at mukhang napansin pa ako ng aking mga kaklase. Sumigaw sila bago ako umalis.

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon