Note: The words and articles in this chapter has a proper credits to The Philippine Law. I'm still practicing law, so don't be exaggerated about the content of the articles of Philippine Law.
Warning: Rape case and Sexual Assault. Please be guided that it is just a mere imagination of the author. I don't intend someone to be offended by my words.
Laxxus POV
ITO na ang huling araw ng trial sa korte. Kakapasok pa lang namin sa loob ay bumungad na sa akin si Manager Felix. Naglakad kami sa kabilang bench, sinalubong kami nito.
"Oh, huling trial na, Laxxus. Siguro naman kapag napatunayan na walang ginawa ang boss ko sa iyo, matatahimik ka na," nangunguyam na sambit nito.
Naikuyom ko ang aking mga kamao. "Kung mapatunayan man na walang katotohanan ang kababuyan ng amo mong demonyo, huwag kang pakampante..." putol ko, "nasa paligid lang ang karma niyong pareho," dugtong ko at nagkibit-balikat bago tumuloy ng lakad. Narinig ko pang nagsalita si Attorney Mishel na siyang ikinangisi ko.
"Tsaka ka ngumisi kapag nagwagi na kayo, Mister."
Huminga ako nang malalim sa tabi ni Attorney. Hinawakan nito muli ang aking kamay at hinaplos iyon.
"Kalma, huli na ito, Laxxus. Makakamit natin ang hustisya." pagpapakalmang muli sa akin ni Attorney.
Ngumiti ako, "Sana makamit ko rin ang matamis mong oo... pero mukhang malabo na rin," sambit ko ngunit bulong na lamang ang dulo. Wala siyang naging imik kaya hinayaan ko na lamang.
Lumipas ang ilang oras ay nagsimula na ang trial. Nasa witness stand ngayon si Manager Felix na kasalukuyang tinatadtad ng katanungan ni Attorney Mishel.
"Hindi ba't nabanggit mo sa amin kanina na may CCTV sa loob ng silid na iyon, Mr. witness?" tanong ni Attorney Mishel.
Pinagmasdan ko siya kung paano siya humarap sa taong tinatanong niya. Seryoso lamang ito sa harap. Tumingin rin ako sa reaksyon ni Manager Felix na ngayon ay nanginginig na ang kaniyang labi.
"Y-Yes," nauutal na sagot niya.
Napangisi si Attorney Mishel. "Then where is the footage?" muli niyang tanong at hindi na ito nakasagot pa.
"Objection Your Honor, the relevance of the ca-" pinutol ni Attorney Mishel ang pagtutol ng abogado ni Versoza. Nagulat ako nang hinampas niya ang lamesa na siyang nagpapitlag kay Manager Felix.
"Okay, let me change the question. How do you know your boss?" muling tanong niya.
Hindi ito agad nakapagsalita. Tumingin pa siya sa Judge na kasalukuyang nakatingin rin sa kaniya. Ibubuka na niya sana ang kaniyang bibig ngunit nagsalitang muli si Attorney Mishel.
"Your Honor, I think the witness doesn't really know his boss in the first place. He doesn't have enough proof to prove his innocence," nakangiting sambit ni Attorney Mishel. "Your Honor, may we ask this Honorable Court to make the accused stand?" paghingi ng permiso nito.
Tumango ang Judge. Tumayo naman si Versoza at nagtungo sa witness stand. Naupo siya roon na parang siga lamang sa kalye't iskinita. Matalim ang mata niya, kita ko ang pamumula nito na siyang ibig sabihin ay gumagamit siya nang droga maging sa loob ng kulungan na walang Pulis ang sumisita sa kaniya.
Lumingon si Attorney Mishel sa akin at ngumiti. May inilabas siyang mga papeles na nagpapatunay na ako ay ginahasa ng hayop na Zach Versoza. May footage rin dahil na rin sa ibinigay ni Kuya Mikel ang access niyon bago ang huling hearing.
BINABASA MO ANG
Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)
Teen FictionPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING) Defiant Youth Series #12 (A COLLABORATION SERIES) COMPLETED Years ago, there's a guy named-Laxxus Harris who was being addicted to alcohol and cigarettes. He's just a high school student back then when his friend...