Chapter 22: Goodbye Chairman Lee

10 0 0
                                    


Aenon's POV

Naayos na lahat ni Butler Seo at Maurice ang lahat nandito ngayon sa garden nakaburol ang Chairman Lee wala pa gaanong dumadating na bisita,binulungan ako ni Austin na andito raw ang pamilya namin at pauwi daw ngayon si Astatine tito Silver.

Una kong nakita si Mama kasama si lola Enzo at si George tumakbo sakin si Enzo at yumakap.

"Kuya kuya ko!kuya nasa po sila ate?

"Nasa kwarto pa si ate laide kasama si ate aerith gusto mo ba sila puntahan?

"Opo kuyaaaa gusto ko maglalaro po kami eh."

"Maurice" Tawag ko

"Yes sir?

"Paki utusan ang isa sa mga katulong na ihatid si Enzo sa kwarto ni laide."

"Sige po sir."

"Salamat."

"Anak? Nag aalangang bati ni mama sakin nginitian ko lang sya,saka nagmano ako kay lola.

"Maupo nalang ho kayo papadalhan ko kayo ng makakain."

"Salamat apo."

"Aalis ho muna ako sasalubungin ko si tita."

Hindi ko napansin na sumunod pala sa akin si mama.Pagbaba ni tita Astatine sa kotse agad ko syang sinalubong hindi muna bumaba si tito Silver ipapark nya muna daw ang kotse nagtaka ako sa tingin ni tita.

"Tita kam-."

"Anong ginagawa mo dito Selenium?! Ang kapal din naman ng mukha mo na tumapak pa sa bahay na ito anong akala mo porket patay na ang papa may maiaambon na kayamanan sayo? At sa pamilya mo umaasa ka lang sa wala kaya tumigil kana."

"Hindi ako nagpunta dito para makipag sagutan sayo o sa kayamanan na sinasabi mo nagpunta ako dito dahil lolo sya ng mga anak ko."

"Ah talaga may anak kapa pala dito? Aenon ayos naba ang lahat?

"Okay na po lahat tita."

"Nasan si Adelaide?

"Nasa kwarto nya po tita."

"Gusto ko sya puntahan may pag uusapan kami."

"Gusto nyo samahan ko kayo?

"Hindi na asikasuhin mona yang nanay mo at ang pamilya nya hindi ko alam sayo bakit mo pa hinayaan tumapak yang mga yan dito matagal na syang tinakwil ng kapatid mo at ni papa."

Saka umalis si tita Astatine naglakad papasok sa loob ng mansyon,tumingin naman sakin si mama habang nangungusap ang mata pero iniwasan ko iyon.

Hanggang ngayon may galit parin ako sa kanya dahil matapos lang mamatay ang aming ama ipinagpalit nya na agad ito sa lalakeng nakilala nya lang sa national bookstore kahit si laide hindi gusto iyon lalo na't sya ang pinaka close sa aming lahat kay papa.

Lumakad nako papasok din ng mansyon ng di nililingon si mama. Inutusan ko ang mga katulong na maghanda ng mga pagkain para sa mga darating pang bisita agad naman akong sumunod kay tita Astatine sa loob ng kwarto ni Laide naabutan namin sya na umiiyak padin dinala muna ni aerith si Enzo sa kusina para makapag usap kami kasama si Maurice,Aizen,ako,Laide at si Tita Astatine.

"I know na ito ang pinaka mabigat na nangyari sa pamilya natin pero hayaan nyo akong humingi ng tawad sa nagawa ng anak ko,pakiusap Laide patawarin mo si Marvin nadala lamang siya ng Sidhi ng damdamin,Patawad sa lahat ng nasabi ko noon Aenon sa iyo." Sambit ni tita na halos lumuhod na sa harapan ni Laide hindi nya inalintana na madumihan ang Saint Laurent nyang itim na bistida,samantalang wala paring kibo si Laide na nakatingin sa labas ng bintana.

The Lost Princess and the Secret Mafia Boss [OnGoingSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon