Five - Wishing Moon

106 6 0
                                    


Unti-unting lumapit sa mukha ko si Moon. Napaatras ako ng konti pero naramdaman kong pinigilan nya ako by touching my back.

Mas lumapit pa sya habang nakatingin lang sa mga mata ko. Did I mention na sobrang intense nyang tumitig? I did? Oh well, I'm gonna mention it again because Christ! Ang intense nya tumitig. At kahit medyo madilim sa parteng 'to, kitang kita ko kung gaano kaganda yung mga mata nya. It's a combination of green and brown.

Anong gagawin nya? Is she—is she going to kiss m—

Nagulat ako nang may kinuha sya sa ibaba ng mata ko at tiningnan ito.

"Wish."

Ang lapit ng mukha nya sa'kin at nagsalita pa sya. Hindi ko gets bakit kahit kumain na sya't lahat ay ang bango pa din ng hininga nya.

"H-ha?"

Lumayo sya konti habang naka-focus pa din yung tingin sa hawak ng dalawang fingers nya.

"Mag-wish ka."

"Why?"

"Because I'm a Genie who grants wishes. Come on just say a wish, and don't say it out loud."

At dahil mabait ako at masunurin, ginawa ko nalang ang sinabi nya. I closed my eyes and say what my heart wants.

As I open my eyes, I knew right there and then what my heart truly wants.

"Up or down?"

Alam ko kung anong ginagawa nya. There are so many childhood traditions or beliefs. One of it is when someone loses their eyelash, they have to make a wish. After wishing, you have to choose if it's gonna place on the upper or lower finger. And if you got the right answer, you have to blow it off so it will come true.

And I choose, "Up."

We both smiled when I got the right answer. Hindi ko inaasahan na parehas pa naming hihipan yung fallen eyelash ko.

I don't know about you, but I think this is one of the most intimate moments I've had with a person.

There is only one thing that I am certain right now and that is — I'm falling for you, Moon.

I wish you feel the same way, too.

DECEMBER 2009

Mabilis nagdaan ang araw. It's finally Christmas season, my favorite season. Kahit saan makakarinig ka ng Christmas songs.

Kaya habang papasok ako ng school, yun ang lagi kong pinapakinggan sa iPod nano ko.

These past few weeks has been good for me, especially kapag kasama ko sya. Kailangan ko na ding mag-isip ng magandang gift for Moon. I want it be super special.

Pagkarating namin sa parking lot ng school ay nakita ko na agad yung nagpapabuo ng araw ko.

She's just standing there being almighty. Napatingin ako kay Manong Alvin na ngingiti ngiti habang nakatingin din sa'kin sa rear view.

Hindi ko alam kung anong iniisip ni manong, pero ramdam ko naman na natutuwa sya. Wala din naman syang sinabi hanggang sa nagpaalam na akong lumabas ng kotse.

Pagkalabas ko ay napaayos din ng tayo si Moon at tiningnan ako. This has been our routine. Hihintayin nya ako sa parking lot, titingnan namin ang isa't isa ng ilang segundo, ngingiti sya bago nya isukbit ang bagpack at mauunang pumasok.

Maliit na bagay, pero yung puso ko parang lulundag na sa tuwa.

Naglakad na din ako papasok ng school grounds. Usually nadadaanan ko ang open gymnasium namin dahil nasa gitna ito ng school namin. Madaming nagkalat na mga estudyante. Ang ingay ingay nga eh, pero okay lang naman dahil maaga pa.

Moonset (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon