Five: Rydetop Parrish

44 4 0
                                    


May bumunggo sakin. Okay, may imamalas pa ba ako ngayong araw na ito? Napaupo ako sa sobrang lakas ng pagkaka'bunggo nya sakin.

"Oh, s'sorry. I didn't mean to hurt you." agad nitong sabi. Wow! Buti naman nag'sorry sya. Tinulungan nya akong tumayo.

"Ah, a'ayos lang ako. S'salamat." sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya at pinapagpag ko ang damit ko.

"S'sorry talaga. Hindi ko sinasadya." sabi ulit nito.

"Hindi, ayos lang talaga ako." but this time tumingin na ako sa kanya. Shemay~ Ang gwapo nya. Okay, hindi ako minamalas ngayon. Binawi lahat nitong lalaking nasa unahan ko ang kamalasan ko sa lalaking nakasama ko kanina.

"Sure ka?" at biglang lumapit ang mukha nya sa mukha ko. Feeling ko tuloy namumula ako dahil sa ginawa nya. Pinunasan nya yung mukha ko, may dumi ata. "Bagong lipat ka lang ba sa village na to?"

"H'huh?" medyo hindi kasi nag'process saglit sakin yung sinabi nya. At maya maya'y nag process na. "Ah! Actually, dito ako lumaki but my mom and dad sent me in London kaya ngayon na lang ulit ako nakabalik dito after several years."

"Ah, kaya pala medyo bago ang mukha mo sa paningin ko." saad nito.

"Bakit taga dito ka rin ba?" tanong ko sa kanya habang sya ay nagsimula ng maglakad.

"Ah, hindi naman dito sa village na to. Dun pa ako sa kabilang village pero napunta rin ako dito paminsan'minsan." sagot nya at sumabay na ako sa paglalakad nya.

"Ah." ang tanging salita na lumabas sa bibig ko.

"Teka, di ba medyo matagal ka na rin di na kakabalik dito sa Pilipinas?" pag'iiba nya ng topic.

"Hmmm... oo. Bakit?" I retorted.

"Eh di konti pa lang kilala mo." he retorted

"Ah, hin..."

"Tara!" pagputol nya sa sasabihin ko at hinigit na nya ako.

"T'teka, s'san tayo pupunta?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Basta!" patuloy pa rin sya sa pagkaladkad nya sakin at ng makarating kami sa isang kotse tumigil sya. "Trust me." duktong nya.

Hindi ko alam kung bakit pero tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Teka, pagnanasaan nya ba ako? Ipinasok nya ako sa loob ng kotse na tinigilan namin kanina. Teka, kidnapping ba ito?! Waaaaaaah~ Akala ko tapos na ang kamalasan ko dito sa mundo. Ayan na naman si akala. Nakakailan ka na sakin ha?!

"A'anong gagawin mo s'sakin ha?!" nauutal kong tanong sa kanya.

"H'huh?" nagtataka nyang tanong at nakakunot noo pa sya habang nagd'drive.

"Anong kailangan mo sakin?! Gusto ko pang mabuhay, okay?! Ibaba mo na ako rito! Kunin mo na ang lahat sa akin..."

"Wag lang ang aking mahal~~~ *Invisible microphone*" pagpuputol nya sa sasabihin ko. Ano bang problema nito at laging pinuputol ang mga sasabihin ko?

"Pabaain mo na ako! Please!" sigaw ko sa kanya at hinahataw ko sya.

"E'easy. -Aray! W'wala akong -Aray! gagawing -Aray! masama, okay?" sabi nito.

"Eh, san mo ako dadalhin?!" tanong ko sa kanya at tumigil na sa paghahampas ko sa kanya.

"Sa madilim na lugar." he aforesaid and he planted an evil smirk on his face.

Your Name Is... What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon