Papasok na ako sa bago kong school. Hay, nagdasal muna talaga ako bago ako pumasok ng school. Anong pinagdasal ko? Syempre, sana maging invisible ako sa paningin nila. Habang naglalakad ako, napansin kong may dumi yung salamin ko. Ah, oo nga pala. Naka'salamin ako kapag napasok ako, medyo malabo kasi ang mata ko at sinusuot ko lang yun kapag napasok ako.
Habang naglalakad ako, ah oo naglalakad ako. Trip kong maglakad eh. Actually, medyo malapit lang naman ang school na yun sa bahay namin kaya napili kong maglakad. Pagtinatamad lang ako mag papa'drive kay Mang Micky. Ayun nga, habang naglalakad ako biglang may umakbay sakin.
"Dada! Oh, kamusta ka naman?" bungad nito sakin at ginulo ang buhok ko.
"Aish~ Wag mo ngang guluhin ang buhok ko." at umalis ako sa pagkaka'akbay nya.
Tumawa sya ng makita nya akong naka'pout dahil sa ginawa nya sakin. "Ang cute mo talaga."
Napatigil ako sa ginagawa ko nung marinig ko ang line na yun. Same line. Ano nga bang pangalan nya? Ryashtop Paddish? Eh, ewan! Basta si Top sya. Napansin yata ni Poopoo ang inasta ko.
"Dada, may problema ka ba? May nangyari ba nung wala ako sa bahay mo?" sunod'sunod nyang tanong.
"H'huh? W'wala! Ba't mo naman natanong yun?" pagsisinungaling ko. Lord, sorry po nagsinungaling po ulit ako. At nagpatuloy na kaming maglakad.
"Sure ka? Wala naman, parang may nag'bothered sayo eh." sabi nya at tinignan ko sya. Naglaakad lang sya at nakatingin ng straight habang nasa loob ng bulsa nya yung dalawa nyang kamay. W'wait. Y'yung uniform nya. Napatigil ako nung na'realize ko na katulad ng uniform ni Poopoo yung mga lalaking bumugbog sa lalaking tinulungan ko last week.
"Oh, Dada. May problema ba talaga?" pag'aalalang tanong nito.
Hindi ko magalaw ang mga paa ko. Pero impossible naman na maging close nya yung mga lalaking ganun. I know Jynch, he's not like them. "H'huh? W'wala naman, may nakalimutan lang ata akong dalhin." pagsisinungaling ko ulit. Sorry po talaga, Lord.
"Ah, ganun ba? Gusto mo balikan muna natin yung nalimutan mo?" suggest nya.
"Ah, hindi na. Okay lang naman ata na hindi ko muna yun dala eh. Di naman masyadong mahalaga eh." pagpapatuloy ko ng aking pagsisinungaling.
"Ah, ganun ba? Okay." at patuloy pa rin kami sa paglalakad namin.
"Hmmm... yeah. Ikaw, ba't di ka nagparamdam sakin nun?" pag'iiba ko ng topic.
"Ah, eh..." napakamot sya ng ulo nya. "Marami kasing ginagawa eh. Inasikaso ko yung mga kailangan sa school ko."
"Ah, ganun ba? Wow! Nawala lang ako parang naging masipag ka na ha." sabay tinawanan ko sya ng malakas.
"Ikaw na nga nang'iwan. Ikaw pa yung mang'aasar lagi." nagda'drama nyang sagot.
"Hihihi. Osya, sorry po." ginaya ko pa si Chichay ng Got To Believe. Dahil sa ginaya ko nga sya sa pag'bow nya, nauuna si Poopoo sakin sa paglalakad nun at napahinto sya para makita ang ginawa ko nakita ko namang may ngiti na namuo sa mukha nya. Hihihi. Nakabawi na ako sa kanya nun kapag napangiti ko na sya. At agad nama akong tumakbo papunta sa kanya para yakapin sya. "Hihihi. Mianhae~" sinabi ko habang nakayakap pa rin ako sa kanya
Habang yakap'yakap ko sya at makatigil kami, hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng university na papasukan ko, napansin ko ang mga babaeng nagtinginan sa amin na naging dahilan para bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Your Name Is... What?
Random"I don't even know why I loved you back. You taught me how to fight and I will fight for us until the end. You showed me how much I love you when I almost forgot you. I'll always love you even after death."- Angelica Moore. By SnowScarlette