"O'osige." sabay bukas ng gate. "Itayo mo ang pagkalalaki natin. Ipakita mong responsable tayong mga lalaki." pagchi'cheer ni Manong at tuluyan na kaming nakalabas ng school."Oy, anong sinasabi mong buntis dyan?" ang bungad kong isinigaw sa kanya.
"Joke lang yun, syempre. Para makalabas tayo." paliwanag nito at ipinasok na ak sa kotse nya. Pumasok na rin sya sa loob ng kotse.
"Pero, soon. Magkakatotoo yun, satin." at sinimulan ng paandarin ang sasakyan nya.
"Top!" sigaw ko sa kanya dahil sa sinabi nya. "Itigil mo to, baba ako." sabi ko sa kanya.
"Oh? Bababa ka dahil sa sinabi ko?" tanong nito.
"Hindi." matipid kong sagot.
"Eh, ano?" nagtataka nitong tanong sakin.
"Eh, kasi basa ako." paliwanag ko.
"So? Yun na yun?" sabi nya.
"Oo. Eh, kasi mababasa yung sasakyan mo."
"Hayaan mo sya. Hindi naman yan magrereklamo eh." sabi nito.
"Eh, basa nga ako!"
"Eh, kaya nga kita hinigit eh." ika nito.
"Hindi mo kaya ako hinigit. Kinaladkad mo kaya ako." I argued.
"Hindi kaya." pagmamatigas nito.
"Oo kaya." syempre papatalo ba ako. XD
"Hindi kaya."
"Oo kaya."
"Osya, oo na. Hindi naman ako mananalo sayo eh. Cute ka kasi eh." ika nito.
"Ha-ha-ha! Oh, tumawa ako ha. Mga tatlo." sabi ko sa kanya.
"Ang corny mo talaga kahit kailan parang yung ka'cute'an mo, kahit kailan din." banat nito.
"Hindi ako nag'iisa. Corny ka rin naman eh." sabi ko sa kanya.
"Tch! Tara na." bumaba na sya ng sasakyan. Bubuksan ko na sana yung pinto kaso inunahan nya ako.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng sasakyan nya, nakita ko ang isang malaking bahay na nasa tapat namin ngayon.
"Nasan tayo?" tanong ko sa kanya habang namamangha sa bahay na nasa harap namin.
"Sa amin. Tara, pasok na tayo. Baka magka'colds ka pa nyan." sabi nya.
"Real talk? Sa inyo yan?" tanong ko sa kanya.
"Oo nga. Ang kulit mo talaga bagay sa ka'cute'an mo. Ang cute'lit cute'lit mo." ika nya sabay pisil sa pisngi ko at kinaladkad nya ulit ako.
Nang nasa loob na kami ng bahay nila mas namangha ako. Grabe yung mga appliances nila. Ang gaganda rin.
"Ya!" sigaw ni Top.
"Bakit po, Sir. Top." ika nung yaya ata nila.
"Nasan po yung binigay ko sayo kanina? Pakikiha tapos po padala na lang po sa kwarto ko." sabi nito.
"Ah, okay po Sir. Top." sagot naman nung yaya nya.
Walang salitang hinatak ako ni Top papunta sa kwarto nya? Teka, bakit sa kwarto nya?
"Teka! Lalaki ka, babae ako." sabi ko sa kanya.
"Kaya nga bagay tayo eh." sagot nya. Tch! Ang corny nya talaga. -.-
At maya maya'y may kumatok sa pintuan nya. Pinagbuksan nya ito.
"Sir. Top. Eto na po yung iniutos nyo." bungad nito sa kanya.
"Ah, salamat po." kinuha naman nya ang iniabot sa kany nung yaya nila.
Sinarado na nya ulit yung pinto. Naglakad sya papunta sakin at inabot ang kinuha nya sa yaya nila.
"Oh." tanging salitang binitawan nya at inbot nya sakin yung hawak nya.
"What's this?" agad kong tanong sa kanya.
"Magpalit ka." sagot nito.
Oo, ang lapit ng sagot nya sa tanong ko eh. -.- Pumunta na ako ng cr nya sa kwarto nya at nagpalit. Paglabas ko ay nakita ko syang nakahiga. Pagod? Tch! Wala nga syang ginawa sa school kundi dumaldal nang dumaldal eh. Nung napansin nyang tapos na akong magbihis napatingin sya sakin. Feeling ko namumula na yung mukha ko.
"Ah, kailangan ba ganito kaikli yung suot ko?" bungad ko sa kanya.
Nakatitig lang sya sakin. "E'ewan ko rin eh. S'si Lala ang pumili nyan eh." sabi nya sabay kamot sa ulo nya.
"Lala?" tanging salitang natanong ko.
"Ah, kapa..." naputol ang sasabihin nya dahil biglang bumukas ang pintuan ng kwarto nya.
"Hi Kuya Top!" bungad nito at tumakbo sya papunta sakin? "Hi Ate Angelica!" sabay yakap sakin. Kilala nya ako? I hugged her back. Umalis na sya sa pagkakayakap namin.
"Ate Angelica, kailan po ba kayo magpapakasal ni Kuya Top?" nanlaki ang mata ko sa tanong nitong batang babaeng nasa harap ko.
"Lala!" suway ni Top sa kanya.
"Ah, eh. Baby, hindi naman kami nung Kuya mo eh. Masyado kasi syang madaldal kaya kung ano'anong nasasabi sayo." paliwanag ko sa kanya.
"Huh?" malungkot nyang tanong.
"Lala, dun ka na sa kwarto mo. Mag'uusap muna kami ha?" sabi ni Top sa kanya.
"Okay po, Kuya." walang gana nyang sagot.
"Ah, baby." huminto naman sya sa paglalakad palabas ng kwarto at tumingin sya sakin. Lumapit ako sa kanya at yumuko. "Wag ka ng malungkot ha?" duktong ko at nginitian ko sya.
"Opo, Ate Angelica." sagot nito at ngumiti sya sakin at tuluyan na syang umalis ng kwarto.
Humarap na ulit ako sa kanya at nakita ko syang... nakita ko syang... nakita ko syang naghuhubad? Waaaaaah~ May balak ba tong lalaking to?
"Waaaaaaah!" napasigaw ako dahil naghuhubad sya ng shirt nya. Agad akong nagtakip ng mata ko. "A'ano bang ginagawa mo?"
"Nagpapalit lang ng damit. Wag overreacting, okay?" sagot naman nito.
Tinanggal ko na ang pagkakatakip ko ng kamay ko sa mukha ko. "Tch! Akala ko naman kung anong ginagawa mo."
Tumawa sya ng malakas. "Pagkatapos pa ng kasal natin yun gagawin, okay?" sabi nya sabay wink sakin.
"T'top!"suway ko sa kanya.
Tumawa ulit sya ng malakas. "Joke yun, sa ngayon." banat ulit nito.
Napayuko ako. Ang corny nya talaga. "Top, thank you." mahina kong sabi sa kanya.
"Sorry." ang agad nyang sinagot sakin.
Napataas yung ulo ko sa sinabi nya. "Huh?"
"Sorry kung wala ako kanina. Eh, di sana hindi nangyari yun." paliwanag nito.
"Huh? Hindi kita maintindihan." nakakunot noo kong tanong sa kanya.
"I know you can't but let me show you." he retorted. He take my hand and brought me into his car.
Nung nasa sasakyan na kami, dun ko lang na'realize na parehas pala kami ng damit. T'teka, san kami pupunta?

BINABASA MO ANG
Your Name Is... What?
Random"I don't even know why I loved you back. You taught me how to fight and I will fight for us until the end. You showed me how much I love you when I almost forgot you. I'll always love you even after death."- Angelica Moore. By SnowScarlette