Shin's POV:
Nanlalaki ang aking mga mata habang nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking dibdib. Sobra-sobra ang tama sa'kin ng kaba. Nakita ko kasi si Sandra sa aking tabi. Akala ko, kung sinong nasa horror movie na multo. Bakit kaya siya napapunta dito? Nasa loob siya kanina, tapos ngayon nandito na?
Naramdaman ko ang hiya nang maalala ko kung gaano kalapit ang aming mga mukha sa isa't-isa kanina. Hindi ako sanay na malapit sa kanya.
Naalarma ako bigla nang kumibo at nagmulat na si Sandra. Tiningnan niya ako. Yung ekspresyon niya, parang nagtataka.
Kinabahan ako sa kanyang tingin sa akin. Baka nagtataka siya ngayon kung bakit nandito na siya at baka akalain din niyang may ginawa akong masama sa kanya.
"Shi--" Bago pa niya ako masabihan ng kung ano-ano, inunahan ko na siya.
"Sandra, magpapaliwanag ako. Ganito kasi 'yun..."
"Huh? Ano bang meron?" tanong niya. Nakita kong nagkasalubong ang kanyang mga kilay.
"W-wala akong ginawang masama kagabi. Natulog lang ako." sagot ko.
"Ano bang sinasabi mo?" natatawang sabi ni Sandra. "Wala ka namang masamang ginawa."
Nakahinga ako nang malalim dahil dun. Siguro, masyado lang akong nag-iisip ng kung ano-ano.
"B-buti naman. Pero bakit ka nga pala nandito? Akala ko sa loob ka?" tanong ko.
"Wala lang. Natatakot kasi ako." sagot niya. "Eh bakit naman ikaw tumalon kanina?"
Pinagtawanan niya ako dahil sa aking pagtalon. Todo naman ako sa tanggi. Sinabi ko nalang sa kanya na nag-uunat lang ako ng katawan.
"Sus! Sinungaling ka! Natakot ka di'ba? Akala mo multo ako, ano?"
Sumimangot ako.
"Anong multo? Hindi 'yun totoo."
"Pati pala bespren ko, naniniwala sa multo!" Tumayo na siya sabay ginulo ang aking buhok. Nagkatinginan kami sa mga mata ng isa't-isa nang matagal. Parang bumagal at tumigil ang lahat ng nasa paligid namin.
Para kaming nasa sine.
"Teka, sino nga pala ang crush mo? Hindi mo pa siya ikinukwento sa'kin ah!"
Ah? Bakit kaya niya naitanong 'yun?
"Hoy! Sino kasi?" ulit niya habang hinihigit ang aking polo. Nagkibit-balikat naman ako.
"Ewan...?"
Tiningnan niya ako nang masama.
"Si Aira yun, di'ba? Di'ba? Di'ba?" panloloko niya habang naka-ngisi. Kung saan man ako nakatingin ay sinusundan niya ito, para makita ang aking mukha.
"Kulit mo." Ginulo ko ang kanyang buhok. Siya naman ay humalukipkip.
"Sige. Pag di mo sinabi sa'kin, hindi na kita kakausapin." Tinalikuran niya ako sabay lumakad papalayo.
"Ikaw...?" Tanong ang dapat ang paraan ng pagkakasabi ko, pero ang lumabas ay parang sinagot ko yung kanyang tanong.
Natigil siya sa paglalakad. Nilingon niya kung saan ako naka-pwesto at binigyan ako ng kakaibang tingin. Sa palagay ko'y iba ang naintindihan niya sa ibig ko talagang sabihin.
"I-ikaw muna." Pakiramdam ko, para akong sinusunog nang buhay. Dapat binuo ko na ang salita ko kanina, para hindi ako napahiya.
"Ako, wala. Ikaw, sino?"
BINABASA MO ANG
(FZLF) Friend Zone lang, Forever?
Novela JuvenilMinahal ko siya nang higit sa kaibigan. Minahal niya ako bilang kaibigan lamang. Ito ang istorya namin. Friend zone lang, forever. Note: COMPLETED. Credits to: the owner of the used photos from google. :) PS: Don't judge the book by its cover. (FZL...