(11)

93 4 0
                                    

INTRAMURALS

Naiinis ako dahil anong oras na 'kong nagising. Sanay kasi akong nagigising ng alas dyes o alas onse dahil hapon naman ang gising ko.


Nagmadali akong naligo at sinuot ang P.E tshirt na kinuha namin kahapon lang. Tshirt at pants na 'to.



Napatingin ako sa orasan. 6:25am. Gagi! Sabing before 6:30 pero malelate yata ako!!!


Pagbaba ko ng kwarto ay pumunta ako ng kusina at wala pang niluto!


"Oh ang aga mo nagising ah? 6 pa lang, hindi pa ako nagluluto" sabi ni 'nay Sally.


Nakalimutan ko kasing sabihin kagabi na maaga ako ngayon kaya ang akala niya ay normal na klase lang.


Kumuha na lang ako ng tinapay at nagtimpla ng kape. Dali dali ko 'yung kinain at nilagok lagok ang kape kahit mainit pa.


"Bakit ba nagmamadali ka?" nagtatakang tanong ni 'nay Sally.


"Intramurals po namin ngayong araw sa Calixton, sabi ng principal namin e before 6:30, late na po ako" sabi ko.


"Ganu'n ba? Tara na ihahatid na kita, bibigyan na lang kita ng baon, marami namang pagkain do'n" sabi niya.


Tumango naman ako tsaka dali daling pumunta ng kotse para sumakay. Buti na lang at nakaayos na ang bag na dadalhin ko kagabi at nacharge ko ang phone kagabi.


Nang makarating kami sa Calixton ay dali dali akong bumaba. Naghahalo ang mga estudyante. May taga CIS at MIS pero kaonti lang ang pagala gala.


Inabutan ako ng pera ni 'nay Sally at basta ko na lang pinasok sa bag ko at dali daling naglakad.


Saan magtitipon tipon?


Napalingon ako sa paligid at naisipang magtanong sa kung sino.


"Hi? Saan ang ibang estudyante?" tanong ko sa isang lalaki na sa tingin ko ay 1st year high school pa lang. Taga CIS base sa suot.


"Sa announcement room po ate. Sa may second floor po doon sa may dulo" sabi niya na tinuro ang palapag.


Second floor sa dulo. Okay.


"Thank you" nakangiting sabi ko tsaka naglakad papalapit doon.


Kaonti lang ang mga estudyante ang narito sa labas, mangilan ngilan lang at kung sa tutuusin ay pwedeng mabilang ng daliri.

SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now