[JAI'S POV.]
Masakit ang katawan ko habang paupo sa sofa nang tuloyang makapasok sa condo. Marahan kong tinapik-tapik ang balikat ko saka ininda ang kirot sa iba't-ibang parte ng katawan.
"Ay palakang bukid!! Sino ka??"
Napabalikwas ako mula sa pagkaka-upo nang marinig ko ang sigaw na iyon mula sa kusina. Nang aninagin ko ang mukha nito ay hindi ko to makilala bagaman pamilyar ang boses n'ya maging ag tindig. Kinakabahan akong napa atras nang itutok nito sa akin ang kawaling hawak nito.
"Umalis ka dito! kundi tatawag ako ng pulis!!" muli n'yang sigaw.
Ilang segundo pa ay nakilala ko rin s'ya. Ang mukha n'ya ay nababalot ng kulay puting papel habang nakasuot ng mahaba at makapal na roba. Nakilala ko rin sa wakas ang boses n'ya, napangiti ako nang mapagtantong may makakasama na ako sa bahay na ito at hindi na mangangapa kung paano gumalaw sa ganitong klase ng lugar.
"Ate Pau?" mahinahon kong tanong.
"Bakit mo ako kilala!???— Jai?"
Maya-maya pa ay napalitan ng malakas na hiyaw ang gulat na gulat n'yang mukha. Humihiyaw s'yang tumakbo palapit sa akin saka yumakap. Natutuwa rin akong yumakap pabalik, nagulat ako nang tumalon-talon s'ya. Marahil ay dulot ng saya, kaya nakitalon narin ako.
"Ikaw pala ang sinasabi ni Sir na room mate mo daw." natutuwa n'yang sambit, "Buti naman at ikaw ang room mate ko."
"Natutuwa ako ate Pau." talagang natutuwa kong sabi, "Ikaw ang makakasama ko dito, hindi talaga kase ako marunong sa mga gamit dito."
"Nako, maging ako." natawa s'ya, "Pero, aaralin natin ng sabay 'yan."
"Ang hirap po dito sa Maynila." napapakamot kong sambit.
Inaya n'ya akong maupo sa sofa saka ako muling sumandal.
"Where you came from ba?" tanong ni Ate Paula.
Nailang ako ng konti sa tanong n'ya dahil pinaghalong ingles at tagalog iyon, kakaina sa pandinig ko.
"Sa probinsya ng Cebu." makangiti kong sagot.
"Ha? Eh probinsya na ang Cebu." magtataka n'yang tanong.
"May syudad ang Cebu, at mayroon ring probinsya." nakangiti kong sagot.
"Ganoon ba?" namamangha n'yang tanong sa akin, "Bakit ka napadpad dito?"
Tahimik akong napangiti at yumuko, saka s'ya muling tiningnan. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Mahirap lang kase kami—"
"What!?"
Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat, grabe ang reaksyon n'yang 'yon. Mainam kong ikinalma ang kumakalampag kong dibdib, nerbyosa ako kaya ganito na lamang ang kaba ko sa kaunting sigaw.
Kinakalma ang sarili, bago ako nagtanong, "B- Bakit po?"
"Ang ganda mo kase, akala ko ay anak mayaman ka." nagugulat parin n'yang tugon.
"Nako, hindi naman po." nahihiya kong sagot.
"Ang akala ko nga ay girlfriend ka ni Sir noong una kitang makita sa kompanya." nagulat ako nang irapan n'ya ako, "Seselos na sana ako sayo, ultimate crush ko pa naman si Sir Kenth." saka s'ya natawa, "De joke lang."
Natatawa rin akong napailing saka sumandal sa sofa. Narinig ko pa s'yangmatawa ulit saka tumahimik. Nahimigan ko pa ang pagbuntong hininga n'ya, kaya agad ko s'yang nilingon. Nakangiti s'ya habang nakatingin sa malaking bintana ng unit namin.
BINABASA MO ANG
THE MOMENT WE FALL: (Tiktok Story - 'Ninong')
Novela JuvenilSinuong ni Jai ang hirap sa lungsod ng Maynila para lamang matustosan ang pangangailangan ng pamilya maging ang pagpapagamot ng kan'yang Ama. Ngunit sa hindi inaasahang kamalasan ay napadpad s'ya sa isang kumpanya kung saan mas papahirapin ang sitwa...