Maaga akong nagising dahil nga sa may usapan kami ni Mathius na magkikita dahil sa may importante daw siyang sasabaihin sa akin. I don’t know what it is, but the way he said it, I know it is really important. Madalang lang maging seryoso yun eh.
Naupo muna ako sa sala habang inaantay siya na dumating. Ang sabi kasi niya ay susunduin na lang daw niya ako. I switch the TV while waiting for him to arrive. Puro Cartoons ang palabas kaya nilipat lipat ko ito ng channel hanggang sa makuha ng isang balita ang atensyon ko.
Kadarating lang na balita. Gumuho umano ang branch na ipinapatayo ng Salvador Corporation sa Cebu City. Marami ang naging sugatan sa mga trabahador dahil sa naturang insidente at ang iba ay nasa kritikal ang kalagayan. Inaalam pa ng mga pulisya ang naging sanhi ng pagguho ng gusali. Patuloy din naming hinihingi ang panig ng May-ari na Si Mr. Mathius Salvador ngunit tumanggi itong maglabas ng anumang pahayag. Ayon sa kaniyang abogado ay magbabayad si Mr. Salavdor ng danyos sa mga naperwisyo. Hanggang dito na lamang. Antabayanan ang mga sususunod pang balita. Ako po si May Castañeda. Nagbabalita.
Blangko akong nakatitig lang sa kalalabas na balita. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Matyas pero hindi ito sumasagot. I’m so worried about him, baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Maybe he was so stressed out because of this happenings.
“Oh anyare, sayo? Di ka mapakali.” Puna ni mama ng makita akong palakad lakad sa harap ng TV.
“Kasi ‘ma, gumuho daw yong pinapatayong gusali ni Matyas sa Cebu. Nag-aalala lang ako kasi di niya sinasagot yong tawag ko.” Balisang sabi ko. Napabuntong-hininga si mama saka ako giniya paupo.
“Huwag ka ng mag-alala sa kanya. He already told me about what happened. Kaninang madaling araw pa siyang lumipad papuntang Cebu. Di ka na rin niya tinawagan kasi ayaw daw niyang istorbohin ang tulog mo.” Paliwanag ni mama. Napabuntong-hininga naman ako. Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni mama.
“Thank you, ma. Text ko na lang siya na tawagan ako kapag hindi siya busy.”
“Sige, anak. Basta huwag ka na lang masyadong mag-alala sa kanya. He’s strong. Malalampasan niya rin ito.” Napatango na lang ako.
***
“Oh, bes? Napadalaw ka. Wala ka bang trabaho ngayon?” bati ko kay Lila na bigla na lang napadalaw dito sa bahay.
“Ano ka ba bes, linggo kaya ngayon kaya walang pasok.” Natatawang sabi nito. Oo nga pala, linggo nga pala ngayon.
I sighed. “So, bakit ka nga pala napadalaw? Huwag mong sabihin na uuwi ka na sa inyo?” napatango naman ito.
“Yun nga ang pinunta ko dito, besh. Pinapabalik na ako ni daddy sa bahay. Ewan ko kung kaya ko na silang pakisamahan, pero susubukan ko. Baka sa pagkakataong ito ay napatawad na talaga nila ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa.” Niyakap ko siya. Ramdam ko pa rin ang tampo niya sa daddy niya ng itakwil siya ng nito sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Minsan nga naaawa na ako sa kanya kasi alam ko na kahit gaano pa siya nagtatampo sa mga magulang niya ay hindi pa rin maitatangging mahal na mahal niya ang mga ito. She may be look tough but her heart is so soft, especially for the one she loves.
“Kung ano man ang disisyon mo, I’m always here for you. Para saan pa at naging best friend kita. Basta lagi mo akong tatawagan ah? Huwag kang makakalimot. Dadalaw ako minsan sayo.” Madramang sabi ko na ikinatawa naman niya.
Binatukan niya ako. “Sira ka talaga! Hoy, sa Pangasinan lang po ang pupuntahan ko. Ilang biyahe lang yun dito no. You can really visit me there or even call me anytime.”
I sighed. Thenngive her a hug. “I will miss you, Lila.”
“Sus, Enough with this drama. Mabuti pa samahan mo na lang akong pumunta sa bar. Let’s party for the last time. You know, baka kasi di ko.na magawa to kapag nasa probindya na ako.” Napatango na lang ako at sinabihan siyang magbibihis muna.
BINABASA MO ANG
Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)
RomanceAgatha Serene hate Kiel Mathius since they were a child. They keep on pissing each other and call themselves as 'frenemy'. Things got change when they grew up. Instead of pissing each other, they fell in love together. Its almost a happily ever afte...