(MPA : Yherinah)"Nawalan na ako ng gana kumain. Kaya bahala ka na diyan." wika niya at umalis.
Anong problema ng lalaking 'yon? Dinaig pa niya ako pag red day ko. Hindi ko man makuha kung anong totoong nangyari sa kaniya pero sobrang amoy ko eh. Siguro sa akin niya binuntong ang galit niya sa family niya? Bakit hindi na lang siya maging understandable person.
"Sir... kain na." tawag ko kay Calix.
Simula nung nagsungit siya sa akin ay hindi niya ako pinapansin. Sana naman pansinin na niya ako para hindi nya sabihin o isipin na nagpapansin lang ako sa kaniya. Tsk. Mas gugustuhin ko pa nga na wala kaming pansinan. Less stress...
"Wow... ang sarap naman niyan, Josh." pang-asar ni kuya.
"'Di ako si Josh!"
"Patikem."
"Hoy! mauuna ka pa talaga sa hari e'no?"
"Nagugutom na ako eh!"
"Maghintay ka kaya e'no!"
"Tol, kumain na tayo, mamaya ka na mag work. Bahala ka walang papasok niyan sa utak mo kapag gutom ka. Sayang lang ang oras at mahihirapan ka pa."
"Pwede ba, we're not close para tawagin mo akong 'TOL' and nakalimutan mo na ba I'm your boss!" masungit na wika niya.
"Hige!" sabay sapok ko kay kuya. "Nasample-lan ka tuloy niya."
"Aray naman! kuya mo'ko!"
"Kumain ka na nga diyan."
Pumunta ako sa sofa para tingnan si Calix. Ano bang ginagawa niya? "Ehem! Kumain ka na!" wika ko.
Hindi siya sumagot at patuloy lang siya sa ginagawa niya. Tss... ngayon lang 'to nangyari and who's care?
Bakit ko pagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw ako pansinin. It's just a simple mistake, bakit ang big deal naman sa kaniya non. Is there any reason why he's being like this? Hindi ko siya makuha!
May inabot siya sa akin na sticky note. Kinuha ko naman at tiningnan kung anong nakasulat don.
"(May meeting tayo, 10:00 AM! Be ready!)" basa ko sa isipan ko.
"Okay!" maikling wika ko. May inabot uli siya.
"(You can eat now)"
"Ikaw? hindi ka ba kakain?"
Bakit pa siya naghihirap sa pagsusulat kung pwede naman niya gamitin ang bibig niya?! Mahirap ba ang magsalita. Kapag kay kuya sumasagot siya. Ano bang problema niya sa akin? pero ang cute niya magsungit ah!
"(Later...I have to finish this first.)"
"Okay, I'm going to eat na." Tumayo na ako. Umupo ulit ako dahil naguguluhan na talaga ako!
"Bakit hindi mo ako pinapansin? Galit ka pa rin ba sa nangyari kahapon?" wika ko.
"(No? Maybe? I don't know...please don't bother me right now.)"
"Okay!..." tss, bahala nga siya!
Matapos ang meeting namin. Hindi niya pa rin ako pinapansin. Hays. Wala na akong pake kung bakit siya ganon. Mas mabuti na nga talaga 'yon.
"Ma'am..." wika ng staff.
"Bakit? ano po 'yun?"
"May humahanap po sa inyo. Gusto niya raw po kayong makausap." wika nito.
"Sige, papasukin mo."
Pumasok si Kale...bakit siya nandito? Agad akong lumapit sa kaniya. Sinarado ko agad ang pintuan.
BINABASA MO ANG
My Personal Assistant
RomansaWould you believe in destiny? That the person you've been waiting for in so many years is already by your side? What if the person you really hated, is your first love? A story of Calix Vergara and Yherinah Mae Chaves. Their first meeting did not go...