Chapter 39- Back Together or nah?

132 4 0
                                    

-Kim's POV-

Pagpasok namin sa eroplano, kanya-kanyang upo na kami doon. Walo lang kami, nagpaiwan si Louis dahil magbabakasyon muna daw sila ni Eleanor.

Ayon, medyo masaya si Belle kasi kasama nya si Harry. Sina Angelu naman at Niall ayon kumakain ng sandamukal na pizza. Si Liam at Joanne, naguusap. Kami ni Zayn? Eto. Hindi nagiimikan. Gaya dati. Walang balak magsalita, hindi ko alam kung nagkakailangan kami dahil sa yakapan namin kanina o nagkakahiyaan kami kase may nakaraan kami at iniwan nya ako at eto na naman sya.

"Hey kim" nagulat ako ng biglang may nagsakita sa likuran namin ni Zayn.

"Oh hey Zayn" tumingin ako sa likuran ko at nakita ko si Niall at Angelu na umaarte na parang ako at si Zayn. Mga sira talaga!

"I love you Za--" bago pa man tapusin ni Angelu ang sasabihin nya bilang ako, umentra nako!

"SIGE NA! GETS KO NA!" Sabi ko, more like sigaw ko.

"Gets na namin." Mahinahong sabi ni Zayn. Hinawakan nito ang kamay ko. Maghunos dili ka Salazar! Susmariaclara! Ang lambot padin talaga ng palad nya.

"Kakausapin ko na sya, kaya bumalik na kayo dun sa pwesto nyo." Sabi ni Zayn sabay tingin sakin at ngumiti.

Shit! Eto. Eto yung weakness ko eh. Yung ngitian nya ako. Yung nakakamatay nyang ngiti. Yung nakapagpapabaliw ng milyong milyong babae. Eto yun, at namiss ko to.

At ngayon, hindi na ako mapa-paranoid. Kase alam kong, ako na ulit ang dahilan ng mga ngiti nya.

"HAHAHA osige. Tara babes, kain na tayo ulit. Ice cream naman!" Aya ni Niall kay Angelu at saka sila umalis at iniwan kami.

Medyo napa-buntong hininga ako at tumingin sa kamay naming dalawa na magkahawak.

"Ehem. Hindi na po tayo." Sabi ko sakanya at binawi ang kamay ko ng nakangiti ng bahagya. Kung alam mo lang kung gaano kasakit para sakin na sabihin yan, zayn.

"Ay, sorry." Sorry? Lang? Sorry lang?

"Sorry? Sorry lang sasabihin mo para sa lahat ng pinagdaanan ko? Sorry lang sasabihin mo sa lahat sakit na pinadanas mo sakin? Sorry lang sasabihin mo pagkatapos kitang iyakan gabi gabi? Sorry lang sasabihin mo matapos moko iwan ng walang paalam? Sorry kase--" harujusmaria.

"Sorry kase hinawakan ko kamay mo." Ouch. Laslas na Salazar. Ang drama ko tapos yun lang pala ikina-sosorry nya?! Hudas!

"Ah. Okay" was all I can say.

Lumipas ang mga minuto na tahimik na naman kami. Hindi mo sya iniimik at lalong hindi ko sya iniimik. Ano sya? Chix?

Pagdating namin ng Pilipinas, dumiretso kami sa bahay ng IG na pinagawa naming apat gamit ang perang pinaghirapan namin makuha.

After what felt like forever, nakarating na kami sa bahay. Take note, kasama padin ang one direction.

Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay at pumunta sa kwarto ko. Hinagis ko nalang sa kung saan ang pouch ko tsaka humilata sa kama ko.

Tumingin ako sa kisame at pinakiramdaman ko ang kama ko.

"Ha? Anong sabi mo? Ikaw naman napakasweet. Namiss din kita baby! I love you!!!" Para akong tanga. Kase kinakausap ko yung kama ko. Baka nagsasalita ang kama

"I love you too." Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa pinto ko, napatingin ako rito at nakita ko syang hot na hot padin ang itsura kahit galing sa mahabang byahe. Si Zayn.

Napaupo ako sa kama ko,

"Hinahanap mo ba yung guest room? Sa third floor, nandun yung guest rooms. Lima yon, sakto sainyo. Kung may itatanong ka pa, pakitanong nalang si Joanne or si Belle or si Angelu or kahit sinong makita mo. Makakaalis ka na sa kwarto ko." Sabi ko at tumayo na ako para pagsarahan sya ng pinto.

Playboy goes Stick to oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon