Dumaan pa ang ilang mga buwan, nalalapit na naman ang pasko at bagong taon. Araw ng taglamig at taglagas, ang mga tao'y nag-iipon na ng pera para sa selebrasyon ngayong buwan ng disyembre. Kay rami na palang mga decorasyon ang nagkalat sa lansangan. Hay naku! Iba na talaga ang simoy ng hangin tuwing sasapit ang buwan ng disyembre. Naalala ko tuloy ang papa kong nasa malayo. Totoong hindi kami nagkakasundo subalit ano't-ano pa man ang magyari di pa rin maipagkakaila ang katotohanang ama ko sya at anak niya ako. Napasinghot ako ng malalim habang hawak ko ang aking helmet.
"Ahhhh" simoy ng hangin sa unang araw ng disyembre!
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng paligid. Kay rami na rin pa lang mga nagtitinda ng kung ano-ano sa kalye. Napansin ko sa di kalayuan ang isang batang babaeng nagpapabili ng laruan sa kaniyang ina. Napangiti ako. Bakit nga ba? Siguro dahil ganong-ganon rin ako noong bata pa ako sa mama ko. Hay naku! I really missed my mom! How i wish na sana nandito pa sya, di na sana maiisipan ni papa ang mangibang bayan. Nagpatuloy ako sa pagmamasid sa mga tao at bagay sa aking paligid. Dumidilim na pala, nagsisimula nang magsindi ng mga ilaw ang bawat tindahan sa kanto. Isang tindahan sa di kalayuan sa kaliwang bahagi ng aking balintataw ang umagaw ng aking atensyon. Paano naman kasi ang pangalan ng tindahang yon ay:
"Welcome to Shop 99" napalakas kong sabi. May isang taong agad na pumasok sa isip ko. Napangiti ako ng bahagya.
"Kumusta na kaya sya?" Mahinang tanong ko sa sarili. Isang beses lang kaming nagkita, pero una at huling beses na rin yata. Ano na kaya ang ginagawa nya?. Lagi ko pa ring binibisita ang lugar kung saan kami'y unang nagkita, subalit sa tuwing pupunta ako roon ay palagi syang wala. Totoo kayang sa puno na yun sya nakatira? Totoo kayang engkato o multo o aswang sya? Ano kaya ang itsura nya? At ang malupit pa ron ay kung totoo kayang Lone Wolf sya?
. Its has been 6 months already nong huli kaming magkita. Pero parang unfair naman yata yon? Siya ang first kiss ko subalit pagkatapos ng gabing yon ay hindi ko na sya nakita. As in clueless kung sino talaga ang mistersyosong lalaking yon!.
"Haaay" napabuntong hininga na naman ako, sabay suot uli sa helmet ko. Pinabuhay ko ang makina ng aking motor at---
"Hey" isang pamilyar na boses ang agad rumihistro sa aking sistema. Napalingon ako at napangiti ng pagkalapad-lapad.
Lumakas uli ang pintig ng puso ko!
Lagi na lamang bang ganito?
Dugdug.....dugdug....
.................................
Sino na naman kaya ang makakasama ni Shin sa Chapter na ito?
Abangan.............
Please like this page on facebook :
Richainmae99 & Minrasuga
#thanks
BINABASA MO ANG
" You Got Me, My Cute Little Baozi" (Exo Xiumin Fanpic)
DiversosAng pag-ibig ! minsan patas, minsan rin madaya. Minsan ang kahulugan nito'y nababago dependi sa sitwasyon at interpretasyon ng isang tao. Minsan kapag tayo'y nagsimula nang magmahal hindi natin maiiwasan ang lumuha' t masaktan dahil ika nga, " kapag...