Aya [ONE SHOT]

57 5 4
                                    

"Magiging maayos din siya." Lahat ng tao rito ay 'yan ang sinasabi. Naiiyak ako dahil sa mga nangyari. Si Helen, ang kaibigan ko, ay nasa coma. Naaksidente kaming dalawa pero siya ang napuruhan. Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito.


"Tita.." Tawag ko sa Mama ni Helen pero hindi niya ako pinapansin. Galit kaya siya? Malamang. Galit siya dahil sa nangyari sa kanyang unica hija. Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Napaiyak na lang ako sa isang sulok nitong hospital ng magdatingan ang iba pa naming mga kaibigan.


"A-Aya..?" Tumingala ako at tiningnan kung sino ang tumawag sa akin. Si Daf. Dali-dali akong tumayo at yumakap sa kaniya. Hindi ako makapagsalita dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng aking mga luha. Si Helen. Kasalanan ko kung bakit siya coma. Sana kasi, hindi ko na lang siya isinama sa club. Sana hindi na lang ako nag drive ng lasing. Edi sana, hindi kami naaksidente at hindi napuruhan si Helen. O kaya naman, sana ako na lang. Ako na lang sana ang napuruhan at na-coma.


---
"Aya?" Tawag sa akin ni Daf. Tumingala ako at nginitian siya. Umupo siya sa tabi ni Ches at tiningnan nila ako na para bang may kakaiba.


"Ayos ka lang ba?" Tanong nilang dalawa. Ngumiti ako at muling tumungo. Tinitigan ko ang puting sahig nitong hospital. Bakit? Bakit si Helen lang ang napuruhan? Bakit ako wala man lang kagalos-galos?


"Daf. Ches. Tara na. Umuwi na tayo. Nagpaalam na kami kina Tita." Tumingala ako at tiningnan ang nagsalita. Si Lara. Kasama niya ang pinsan ni Helen na si Hannah. Napaiwas na lang ako ng tingin. Galit din ba sila sa akin kaya hindi nila ako pinapansin? Ngunit bakit? Bakit pati sila? Ang sakit. Akala ko pa naman ay dadamayan nila ako sa laban na'to. Akala ko lang pala. Mga patak ng luha ang dumaloy sa aking mukha. Hindi ko mapigilan. Hindi man nila sabihin, alam kong ako ang kanilang sinisisi.


"Aya?" Pukaw ni Daf sa atensyon ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at tiningnan siya ng diretso.


"Tara. Uwi muna tayo." Aniya. Ngumiti ako at tumango. Masakit man, at least, mayroon pa rin pala akong karamay kahit papaano.


----
"Lara." Tawag ko kay Lara pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretso siyang pumasok sa kwarto niya.


"Hannah." Si Hannah naman ang tinawag ko pero tulad ni Lara, hindi rin niya ako pinansin. Ang sakit. Sobrang sakit na hindi nila ako pansinin. Lumapit sa akin si Daf.


"Ako na ang bahala. Kakausapin ko sila." Ani Daf. Ngumiti ako atsaka tumango.

"Salamat." Usal ko. Sinundan na ni Daf sina Lara at Hannah. Naupo ako sa couch nitong boarding house. Tumabi sa akin si Ches.


"Magiging maayos din ang lahat, Aya." Aniya. Sana nga. Sana maging maayos pa ang lahat. Sana maging maayos na si Helen. Sana...


-----
Isang linggo na ang nakakalipas pero in coma pa rin si Helen. Gusto ko siyang dalawin pero nahihiya ako sa Mama niya. Hiyang hiya ako dahil sa mga nangyari. Wala na akong mukhang maihaharap pa kahit kanino. Ang sama na ng imahe ko.


"Daf! Ches! Hannah! Bilisan niyo!" Nagising ako sa malakas na pagsigaw ni Lara. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tiningnan sina Daf na nagkakagulo sa paggayak.

Aya [ONE SHOT]Where stories live. Discover now