Calliya's P.O.V
"Congrats Miss Calliya",naka ngiting sabi sakin nung prof sa academy..
Kasama ka sa mga scholars dito sa Floral Descendants Academy, pagbutihin mo pa ang pag aaral mo.
Salamat po Sir Chris sige po mauna na ako, pagkatapos kong makipag usap sa prof ko dumeretsyo na ako sa bahay para ibalita kay Kuya Matt.
Ang saya sa pakiramdam na konti nalang yung gagastusin ko this school year, pero kahit ganun hahanap parin ako ng part time job para may extra allowance ako.
*ʜᴏᴜsᴇ
"Kuya nakakuha na ako ng scholarship sa Floral Descendants Academy!,sigaw ko habang papasok sa bahay..
Buti naman!,dapat kasi di kana nag aaral tumulong ka nalang sana sakin mag trabaho! Para naman walang pabigat dito sa bahay palamunin ka na nga pabigat pa!,bulyaw nya sakin.
Tumungo nalang ako at dumeretsyo sa kwarto.
Sanay na naman ako na kada uwi ko sa bahay na ganun parin ugali sakin ni kuya
Wala na kasi kaming magulang namatay sila sa car accident kasama ako nung mga panahon na yun kaso ako yung kinuha ng rescue dahil katabi ko lang yung pinto ng sasakyan si mama at papa kasi naipit yung binti nila kaya di agad na iligtas,galit na galit nun sakin si kuya dahil di sila mama yung nauna.
Yung ate ko naman nasa lola namin di kami ganun ka close pero nag uusap naman kami ng maayos.
Napakinggan ko yung ingay sa baba ng bahay kaya dali dali akong bumaba para silipin..
Nakita ko yung dugo sa sahig.
Kuya anong nangyari bakit ka may dugo?
Dali dali kong kinuha yung first aid kit at dinala sa kanya.
Akin na gagamutin ko, hahawakan ko sana yung braso nya kaso bigla nya akong tinulak..
Kaya ko sarili ko wag kang makialam!
Napauntog ako sa kabinet dahil ang lakas ng pag kakatulak nya sakin.
Dapat kasi ikaw nalang yung namatay! Bat pa kasi ikaw yung kinuha dapat ikaw nakang yung iniwan sa sasakyan!,parang may nilulubog na kutsilyo sa dibdib ko habang sinasabi nya yun sakin.
Dahan dahan pumatak yung luha ko,wala naman akong magawa kaya nanatili lang akong naka tayo habang sinisisi nya ako sa nangyari..