Masayang Alaala

1 0 0
                                    

Nung una kitang nakilala hindi ko lubos akalain na ikaw na pala ung lalaking mamahalin ko ng husto.

Hindi ko akalain sa mga magdadaan na araw ika'y aking magiging sandalan.

Hindi ko aakalaing masasabi ko na pinaka swerte ako kasi naging parte ka ng buhay ko hindi man tumagal ng taon pero masasabi ko ang pagmamahal ko sayo'y tila isang bituin na bigla kuminang ng dahil sa dumating ka.

Ikaw yung lalaking nagsabi saken na maging malakas sa lahat ng bagay.

Ikaw yung lalaking naging kakampi ko sa tuwing kinakalaban ako ng mundo ko.

Ikaw yung lalaking nagpabago ng buhay ko.

Hindi ka man ganon ka gwapo pero punong puno ka ng kagandahan ugali na hindi ko aakalain sasaya ako ng husto.

Ikaw din ung lalaking sobrang minahal ko ng higit pa sa sarili ko.

Gusto kong ipaglaban ka hangang sa huli dahil nangako akong ikaw na ang aking huling lalaking mamahalin.

Pero paano pa nga ba kita ipaglalaban pa kung ikaw mismo sumuko na?

Kung ikaw mismo napagod na? 

Kung ikaw mismo tumigil na?

Kung ikaw mismo pumutol na ng pangako?

Kung ikaw mismo iniwan na kong mag isa.

Binuo mo ung buhay kong sinira ng nakaraan pero ikaw din pala ang muling sisira neto.

Pero hindi ko aakalain hahatong din pala sa katapusan ang meron sating dalawa.

Pero imbis na lumalapit mas napapalayo sayo ang aking sarili dahil naging marupok na parang kahoy ang puso ko sayo.

Pero bakit biglang nawala ang lahat na parang bula.

Yung dating masayang pagsasama naging isang mapait na alala na lang.

Tiniis ko ang lahat ng pag subok para mapakita kong ikaw lang mahal ko pero para sayo baliwala lang lahat ng eto. 

Siguro nga naging isang makasarili akong tao dahil ung mundo ko sayo lang umikot.

Siguro nga naging madamot ako pag dating sa sarili ko kasi hindi ko man lang nakita yung halaga ko dahil puro ikaw ang lagi kong inaalala.

Siguro nga sobrang pagmamahal ko sayo nakalimutan kong babae din pala ako.

Ayokong sisihin ka dahil sa nangyare satin dalawa kasi kahit ako aminadong nagkamali rin ako pero hinding hindi ko pinagsisihan lahat ng nangyari sating dalawa dahil simula nung dumating ka sa buhay ko ang laki ng binago neto.

Sino ka nga uli sa buhay ko? mmmmm

Ikaw lang naman ung lalaking nagpabago neto't minahal ko ng husto.

"Pero sabi nila kapag mahal mo kahit ayaw na sayo ibibigay mo pa rin lahat para sa huli kahit alam mong talo ka atlis sumugal ka wala ka ng regrets dahil ginawa mo ung best mo at last hindi ikaw ang nagkulang."

Sobrang saya ko nung dumating ka sa buhay ko.

Hindi ko malilimutan yung araw na walang wala ako ni piso at trabaho.

Binuhay mo ung mundo kong nawalan ng kulay.

Lumayas ako sa bahay na ang dala ko lang tanging damit at requirements ko.

Sinundo mo ko sa kawalan kung saan hindi ko alam kung saan ako tutungo.

Ang sarap balikan ng bawat sandali bawat oras natin pinagsaluhan natin.

Tinangap mo ko at ng pamilya mo ng buo na walang pang huhusga. 

walang alinlangan mo kong tinulungan hangang sa magka trabaho ako.

sobrang saya ko , saya natin kasi finally may work na ko uli.

ilang araw ang nagdaan unti unti natin nabubuo ung mga bagay na gusto natin mangyari 

sobrang saya ko tuwing magkasama tayo alagang alaga mo ko kahit minsan hindi mo ko hinayaan tuwing alam mong malungkot ako anjan ka para makinig at i ccheer up ako.

tuwing hindi kami ok ng pamilya ko anjan ka para makinig at pagsabihan ako sa dapat gawin

pag stress ako sa trabaho anjan ka para hilutin ako.

lagi mo kong pinaglulutuan.

pag hindi ko alam gagawin ko anjan ka para turuan ako.

inilayo mo ko sa mga taong nagpapaka toxic sa mundo ko.

Ikaw yung pinili ko laban sa lahat dahil akala ko ikaw na

Ikaw na ung huling lalaking mamahalin ko.

Salamat at dumating ka sa buhay ko gusto ko pa man ituloy tong kwento na to 

pero sinarado mona ang huling pahina ng kwento natin dalawa.

ang sakit lang kasi sa mundo na to hindi mo alam kung sino at ano ang sigurado

may mga pagbabago na hindi na natin mababago.

at may kwento na ang laging katapusan ay hindi happy ending

masisi ba natin ang tadhana kung pinagtagpo lang talaga tayo para maging isang aral ang kwento.

Mahal kita Oo higit pa sa sobra pasensya ka na kung binigay ko na lahat pero kulang pa rin para maging masaya ka. 

Pasensya na kung ginawa ko lahat pero sa huli ako pa rin ang iiyak.

Pasensya kana kung naging masama man ang ugali ko minsan pero mas masama pa din ung pinaramdam mo sakin na hangang dito na lang talaga.

Pasensya na kung may ugali kang hindi ko maabot kaya humahantong tayo sa pagtatapos ng relasyon.

Mahal kita pero hindi na masayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon