Nine - Knowing Moon Deeply

66 5 0
                                    


''Moon, a word?"

Lahat naman bumaling ang tingin sa bestfriend ko na nakatayo na ngayon.

Napahawak ako sa kamay ni Lovi. "Sheb?"

Hindi nya ako tinitingnan, nakafocus lang ang tingin nya kay Moon, bago ito tumalikod at naglakad palayo sa'min.

Tumaas ang kamay ni Moon hanggang gitna ng likod ko at lumapit sa'kin saka bumulong. "I'll be back."

Hindi na ako nakapag-react dahil sinundan na nya si Lovi.

"Wow, that was..." Si Jack ang unang nakabawi.

"...intense?" Natatawa namang pagpapatuloy ni Cia.

"I knew it!" Nakangisi namang sabi sa'kin ni Jack. Tinaas baba nya pa yung dalawang kilay nya. "I just didn't expect na kayo na agad."

"Duhh, Moon's been head over heels for Calli since forever. Hindi mo pa talaga ineexpect yan?" Parang wala lang na tanong ni Cia.

Ano daw?

Nagkibit balikat lang parehas yung magkaibigan.

"Congrats, girl!"

That was Nikka. Nginitian ko naman sya kasi hindi ko naman alam kung anong dapat kong isasagot.

Napansin ko nalang na tumayo si Lorielyn. Nakatingin lang sya sa baba. "I need to go."

Hindi na kami nakapag-react dahil umalis na din sya agad na sinundan naman ni Bea.

"Lorie, wait up!"

Naiwan nalang kaming lima.

"I already warned her that Moon's not interested, ayaw kasing papigil eh." Narinig kong sabi ni Karen kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian nya lang din ako. "I want to apologize to you for my friend. I guess it took you a lot of control na hindi magreact habang harap-harapang nilalandi na yung girlfriend mo kanina."

Bumalik naman sa isip ko yung nangyari kanina. She was right. Hindi ko alam kung paano ko nagawang controlin yung nararamdaman ko habang harap-harapan ng nilalandi si Moon, but I did.

Ang iniisip ko nalang ay ang dalawang taong importante sa buhay ko na nag-uusap ngayon. I guess sa lahat, si Lovi ang pinaka-nashock.

Maya-maya ay nakita na naming pabalik si Moon at Lovi. Magkaakbay sila habang tumatawa.

Thank God okay lang sila. I mean, I know Lovi can be very overprotective of me kasi magbestfriends kami since grade school, but alam ko din na susuportahan nya ako katulad ng pagsuporta ko sa kanya.

"Moon, sure ka ba talaga dito sa bestfriend ko? Ang boring nyan kaya."

Napasimangot naman ako nang yun agad ang binungad sa'kin ni Lovi. Bwisit sya, siniraan pa ako.

Natatawa lang naman ang girlfriend ko. Umupo na sya at tumabi sa'kin. Hinawakan nya ang kamay ko sabay halik dito. "I've never been so sure of something until now."

God, she's just full of surprises. Laglag na naman ang puso ko sa ginawa nya.

"Corny mo, buwan!" Pang-aalaska ng mga kaibigan namin sa kanya.

NATAPOS ang dinner, at lahat kami andito na sa loob ng bahay nila Moon. Uuwi lang din pala si Karen at Nikka dahil hindi sila pinayagan na mag-sleepover kaya kaming lima nalang ang natitira.

Actually yung apat tulog na dito sa kwarto ni Moon.

Sobrang simple lang din ng kwarto nya, katulad lang din sa sala yung theme nito. Ang bango at linis. Nakakatuwa yung pagiging malinis ni Moon.

"Gusto mong lumabas?" Nakaupo lang kami dito sa sahig. Paano ba naman kasi, occupied na ng tatlo yung buong bed. Hindi na nahiya sa may-ari ng bahay.

"Okay." Sagot ko naman. Ang dilim kasi dito eh dahil pinatay ni Lovi ung ilaw.

Hinawakan naman nya agad ang kamay ko at inalalayang makatayo.

Pagkalabas namin sa bahay ay ramdam ko yung lamig ng simoy ng hangin kaya napayakap ako sa agad sa sarili ko. Naka longsleeves pajama top na ako, pero ang lamig pa din.

Umupo ako sa upuan na gawa sa kahoy at napatingin sa treehouse nya.

"Moon?"

"Hmm?"

Napangiti ulit ako. A warm smile crept in to her face as she took a seat near me.

Ewan ko ba, ang sarap pakinggan ng hum nya.

"Sino may gawa ng treehouse mo?"

Naghintay ako ng sagot mula sa kanya, pero wala akong narinig. Instead, naramdaman ko yung dalawang kamay nya na nakapulupot sa katawan ko.

"I—I badly want to hug you, Calliope. Okay lang ba?"

Ang cute nya. Ginawa nya muna bago sya nagtanong na okay lang ba sa'kin. Syempre oo. Everytime may changes sa ginagawa ni Moon sa'kin katulad ng paghawak sa kamay ko, sa bewang ko, at labi ko, lagi iyon nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa katawan ko.

I won't deny the fact that I'm liking all these changes. Feeling ko naglelevel up yung relationship namin, in a very good way.

"Yes, Moon."

Hindi na sya ulit nagsalita. Parehas lang kaming nakatingin sa harap.

"It was my dad."

"Ha?" Medyo nagulat lang ako ng bigla syang nagsalita. Medyo lang naman, sobrang lapit lang naman kasi ng mukha nya sa mukha ko eh.

"It was my dad who built the treehouse."

Ahh okay. Yun pala yun. Muntikan ko ng makalimutan na tintanong ko pala sya eh.

"He's gone."

Wala akong marinig na lungkot or what sa boses ni Moon. Parang nagkkwento lang sya ng ordinaryong kwento.

"Not gone gone. But he's... he's with his true family."

Ohhh...

"A-anak ako sa labas, Calliope. My mom didn't know at first na may pamilya na pala si dad. Ang alam ko nakipaghiwalay sya agad nung nalaman nya. I was just nine years old when he left. Dad didn't fight for us."

I really don't know what to say. Feeling ko ang dami na nyang pinagdaanan. No wonder she seemed aloof towards other people.

Tumawa naman sya bahagya pero hindi ito umabot sa mga mata nya. "I thought I can be enough for mom. I thought she have learned her lesson from her past mistakes. But I guess she's making the same mistake again..."

She looked at me with tears in her eyes and said, "No one ever fought for me before, Calliope. Not even my dad. My mom is always away. I feel like I'm not enough because I'm always being left behind. So would you still want to stay with me eventhough I'm a daughter of a mistress?"

My heart broke into a million pieces. My poor, poor Moon Heather. She doesn't deserve this. She deserves more.

Kumawala ako sa yakap nya na ipinagtaka nya. Nakita ko kung paano nawala na parang bula ang alinlangan at pagkakunot ng noo nya ng halikan ko ito doon.

"Moon..." I touched both of her cheeks and continued. "I've said this once, and I'll say it again... Nothing and no one could ever make me change my mind about you."

Moonset (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon