Mabigat sa kalooban ko na umalis ng pilipinas. Mamimiss ko ang baby ko. Lalo na ngayun nagkaayus na kami. Damn!.. namimiss ko na sya agad. Pero kailangan ko syang iwan para makausap na rin ang daddy ko.
Tinawagan ako nito para umuwi ng california. Ilang araw na lang din kasi birthday na ni daddy. At nagbabalak ito na surpresahin ang mommy nya at sya kinuntsaba. Mahal na mahal ni daddy si mommy at lahat ng gusto nito ay binibigay at sinusunod lang nya. Kaya naman kahit ang pagpapakasal ko kay monique ay di tinutulan ng daddy.
Naalala ko pa seven years ago when my mommy threaten me of killing eve kung hindi ako sasama sa kanila papuntang California.
"She is not good for you!" Pagpipilit ni mommy sakin. Kagagaling ko lang sa bahay nila eve nun. "And stop telling me that she's not lesbian. Nababaliw ka na anak sa babaeng tomboy na yan kaya naman nabubulagan kana sa katotohanan."
"Stop calling her a lesbian!" Galit na pinagtatanggol ko ang baby ko. Sya lang meron ako. "I love her mom!"
"No!.. aalis tayo ngayung gabi at lilipad pauwi sa California or else ipapapatay ko yang tomboy na yan!" Mga salitang binitawan ng mommy ko na ikinatakot ko ng malaki.
"How dare you!" Yun ang naisagot ko sa mommy ko matapos nyang pagbantaan ang buhay ng baby ko.
"Sasama ka sakin sa California o ngayun pa lang tatawagan ko na ang tao ko para ipapatay yang tomboy na yan?" Hindi ko akalaing maririnig ko ang mga salitang yun sa kanya. "Just one call sweetheart and your lesbian girlfriend will ba dead!"
Wala akong nagawa kundi ang sumama sa mommy ko. Hindi pa kasi ako ganun kalakas para tapatan ang mommy ko. Hindi pa masyadong matatag ang business ko para tapatan ang kakayahan ng mommy. Ni hindi ko nagawang tawagan man lang ang baby ko. Dahil pati ang phone ko kinuha ni mommy. Ang hindi ko pa matanggap ay kasama pa naming umalis si monique.
Pagdating na pagdating namin California sinalubong agad ako ni Nana. Ang yaya ko na parang mas naging tunay ko pang ina. Masayang masaya ito ng makit ako pero ako hindi ko man lang sya nangitian man lang. Yumakap lamang ako sakanya at dire diretso sa kwarto ko.
"Eric" si Monique yun. Fuck this girl! Gusto ko patayin dahil sa pinaggagagawa nyang kwento tungkol sa baby ko. "Sabi ni mommy lumabas ka na daw at sabay na tayong kumain."
"Fuck you Monique!" Hindi ko pinigilan ang sarili kong sigawan sya ng buksan ang pinto at harapin sya. "You think i didn't know what you just told to my mom about eve?"
"Eric im telling the truth!" Natigilan pa ito ng hawakan ko ito sa leeg at itulak sa pader.
"I hate you!" Galit na galit ako sa babaeng to. I wanted punch her to death but I can't, kaya naman ang suntok na para sa kanya ay pader ko itinuon sa tabi ng ulo nya baka magalit ang mommy at lalong pagdiskitahan si eve. "Leave me alone!"
Tinitigan ko pa sya ng masama bago ko sya bitawan. Dumiretso lang ako sa kwarto at hindi na ako lumabas pa. Binagsak ko ang katawan sa kama sa sama ng loob. Napatingin ako sa kisame ng kwarto ko na para bang makikita ko ang baby ko dun. Ilang oras din ako sa ganung pwesto ng may kumatok sa pinto. Hindi ako sumagot pero napatayo ako ng marinig ko ang pagtawag ni Nana.
Malambing na nginitian ako ng matandang yaya ko ng buksan ko ang pinto at papasukin ko sya.
"Narinig ko ang usapan nila lady eunice at ma'am Monique!" Pagsisimula ni Nana. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakaupo sa sahig sa tabi ng kama na nakasandal dun. Tumabi naman ang matandang babae sakin. "Totoo ba yung sinasabi nila na in love ka sa babaeng tomboy na si eve?"
"Don't say that Nana, eve is not a lesbian!" Lalo akong nagagalit dahil pati si Nana tomboy ang tingin kay eve. "My baby is not a lesbian, Nana." Hindi ko na natago ang sakit na nararamdaman ko kaya naman hinayaan kong makita ng Nana ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi ako nahihiyang ipakita ang nararamdaman ko sa kanya dahil para sakin sya ang ina na hindi ko naranasan sa mommy ko.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...