Chapter 5

41 9 2
                                    

KIA


PORMAL akong naglakad sa hallway papasok sa aming classroom habang hawak hawak ang aking bag. Mula rito rinig na rinig ko na kaagad ang ingay ng mga kaklase ko lalong lalo na ang boses nila Hera.




"Roy, nandito na pala mahal mo!"



Isa sa kanila ang humiyaw kaya agad akong napaangat ng tingin. Bigla silang nagkantyawan kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiti lamang ako ng tipid at dumiretso sa paglakad. Hindi ko muna siya pinansin at basta na lamang umupo sa aking upuan at inilagay ang bag.



Hindi ako sigurado kung tama ba ako pero ramdam ko ang titig niya sa akin. "Xin," Huminto muna ito sa pagkikipag-usap kay Rald at bumaling sa akin. "Oh, bakit?" Kumamot ako ng buhok. "Pahiram ng ballpen." Nginisihan niya ako at bumaling kay Roy.




"Bakit? Magsusulat ka ng love letter, 'no?" Bigla siyang humalakhak kaya kumunot ang noo ko at sinampal siya ng mahina.





"Siraulo, hindi."




Atomatiko siyang huminto. "H-hindi?" Umayos siya ng upo at tumikhim. "Diba may copy ka sa science? Pakopya naman, oh. Tapos pahiram na din ng ballpen, Hindi ako nakadala hindi din ako naka-kopya." Sabi ko habang nagmamakaawa. Huminto siya sandali bago tumango tango. "A-ah, iyon pala? Sandali." Tumalikod ito at hinalungkat ang kaniyang bag.





"Oh." Tumango ako noong kinuha ko ang notebook at ballpen niya pagkatapos ay agad nagsulat. Lumipas ang ilang minuto, nagsusulat parin ako. Nabasa ng pawis ang aking palad kaya winais wais ko iyon at napaawang nang bigla ko 'yong nabitawan. Agad akong tumalikod at sinundan iyon ng tingin. Gumulong iyon sa sahig papunta sa ilalim ng upuan ni Roy.






Napakamot ako sa batok at tumayo. Tumingin ako sa kaniya nang mag tama ang aming paningin, tipid akong ngumiti bago umupo sa sahig. "Excuse me." Mahina kong sabi. Wala ako sa oras ngayon para makipag kwentuhan sa kaniya. Yumuko ako at isinuksok ang kamay sa ilalim ng upuan niya kaya kitang kita ko ang mamahalin nitong sapatos. Hindi siya gumalaw hanggang sa nakuha ko 'yon. Napailing na lamang ako. Ang bango pa rin niya kahit nasa paanan niya ako.




Nang makuha ko ang pen ay agad akong bumalik sa kinauupuan ko at nagpatuloy. Biglang pumasok ang lecturer kaya atomatiko akong napatigil sa pagsulat at ibinalik iyon kay Xin. Mabuti na lamang dahil natapos ko kaagad.





"Good morning, class." Ibinaba niya ang gamit sa mesa at inilagay ang kamay sa dalawa nitong bulsa pagkatapos naglakad sa aming harapan.





"Be ready because I'll group you by pair. May ipapagawa ako sa inyo and that's your second project for this quarter." Tumalikod ito at may kinuha sa lamesa. Nagpatuloy siya sa pagasasalita habang sinasabi ang gagawin namin. Napakunot na lamang ako nang biglang napatingin sa akin ang lahat. "Bakit?" Hindi ko maiwasang hindi mag tanong.




"Ay gagi, akala namin sisigaw ka na naman ng "Sir, akin si Roy!" Himala, ah." Nagsintanguhan sila kaya napailing na lamang ako. "Pagod ako ngayon." Walang gana kong sabi. Tumingin muli ako sa harapan upang makinig na lamang. "Hera and Kivin. Lance and Era." Lihim akong napangiti nang bumusangot kaagad ang mukha ni Era. Parang ipinanganak ata siyang mag tanim ng sama ng loob kay Lance.



"Kia and Roy." Napatingin ako kay Sir. "Po?" Magalang kong sabi. Baka nagkamali ako ng dinig. "Kivin tabi ka muna kay Hera dahil si Xin ay pupunta kay Ms. Murcilla. Ikaw Kia sa tabi ni Mr. Laurente Roy." Diretso akong tumayo at pormal na naglakad papalapit sa kaniya.



Hindi ko ginawa ang dati kong gawain na guluhin siya kaya tahimik lamang akong umupo sa kaniyang tabi. "Hi," Bait ko dito at kaagad na umiwas ng tingin. Kahit naman kung mag kwento ako ngayon hindi naman siya makikinig, kaya mas pinili kong manahimik na lamang at huwag na siyang bulabugin. Baka makakatanggap ulit ako ng masasakit na salita.



Can You Be My King? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon