"Tignan mo tong babaeng toh, tulala nanaman. Hoy, Reeve!"
Bumalik ako sa katinuan nang bigla akong tapikin si Rae sa balikat. Nagtataka naman silang nakatingin sa akin. Iniisip ko kasi ang mangyayari mamaya. Sinabi kasi ni Scott sa akin kanina na pupunta kami sa condo niya at doon magdi-dinner. It's my first time going to his condo so I'm kind of nervous.
"W-What?"
"Ano nanamang iniisip mo? Para kang baliw jan na ngingiti-ngiti. Luh." ani Rae habang pinipigilan naman ni Arya ang tawa niya.
"I was just thinking about something," I said. Mapang-asar naman akong tinignan ni Rae at tinulak-tulak.
"Ano? Anong iniisip mo? Ikaw ah! May hindi ka ata sinasabi sa amin!"
"What? Wala lang yun." napaiwas ako sa kanila ng tingin at kunyaring may ginagawa sa phone.
"Ito naman si Reeve, parang hindi kaibigan." Pangungulit niya.
"It was nothing. Scott and I are just going to have dinner in his condo."
Nakita ko namang sabay silang nanlaki ang mata at tumingin sa isa't-isa. Sabay din silang bumaling sa akin habang gulat na gulat pa rin ang mukha.
"Ano?! Sa condo niya?!/What?! In his condo?!" Sabay nilang itinanong nang pasigaw sa akin.
"Yes. Why?" nagtataka kong tanong sa kanila.
"Jusko mahabagin! Nawa'y wag mo munang ibigay ang pinaka-iingatan mo Reeve!" Rae said and my brows furrowed.
"What do you mean?"
"Are you sure, you two are just going to eat?" Tanong naman ni Arya.
"Yes. That's what he said." Sabi ko nang may halong pagtataka pa din.
What the hell is wrong with these two?
"Arya, baka si Reeve ang kainin niya." May binulong si Rae kay Arya pero hindi ko ito narinig. Nakita ko namang siniko siya ni Arya na may pandidiri sa mukha.
Maya-maya ay nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta ako sa CR. Tumango naman silang dalawa at tuloy na nag-usap.
Habang naglalakad ay nakita ko si Harley na mag-isang nakaupo sa may damohan. Nakahawak siya sa kaniyang phone at mukhang may tinitignan doon. Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Arya sa akin nung nakaraan ay agad namana akong lumapit sa kaniya.
Nang maramdaman niyang may papalapit sa kaniya ay nag-angat siya ng tingin. Tumaas naman ang isang kilay niya nang makita ako. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"I want to talk to you. Are you busy?" I asked at mas lalong tumaas ang kilay niya.
YOU ARE READING
Badly Hurt (Tyrant Series #1)
RomanceReeve Trinity, a young woman who leaves her peaceful life in London to study in the Philippines. Her quiet world takes a dramatic turn when she meets Matthew Scott, the charismatic and enigmatic leader of the Tyrant Four-her brother's best friend. A...