Chapter 27

85.4K 3.4K 2.3K
                                    

The question. It was a question Tadhana never expected to hear from anyone. It was the word she feared the most and the words she never thought she would personally experience.

Nanlaki ang mga mata ni Tadhana at nilingon si Keanu.

Deretso na itong nakatingin sa camera, nakangiti, at sinasabihan si Sarki na mag-smile din para sa picture. Napaka-chill nitong nakikipagharutan sa anak nila na para bang hindi nagtanong ng nakatatakot.

Tadhana was speechless. She couldn't even smile!

Madali lang naman ang tanong, pero pakiramdam ni Tadhana, mayroong nakabara sa lalamunan niya. Para siyang sinakal na naging dahilan para hindi siya makapagsalita.

All Tadhana did was stare at Keanu's smiling face.

"Tara na!" narinig ni Tadhana na sigaw ng mommy niya. "Tumawag na ang restaurant na ipina-reserve ko. Ready na raw lahat."

Magkakaroon sila ng family lunch after ng graduation. Aware naman si Tadhana roon, pero parang hindi pa niya napoproseso ang lahat hanggang sa maramdaman niya ang pagkakahawak ni Keanu sa kamay niya.

Hinayaan lang niyang hawakan siya ni Keanu habang buhat pa rin nito si Sarki na humahalakhak. Wala na rin itong sinabi na para bang walang itinanong.

Sa kotse ni Keanu, kasama nila sina Fidel at Zeke na nakikipaglaro kay Sarki kaya hindi makapag-open ng topic. Kaya naman, umaktong normal si Tadhana sa harapan ng mga kaibigan nila kahit mahirap.

Paminsan-minsang tinitingnan ni Tadhana si Keanu na nakikipagtawanan sa kanilang lahat. Kung maaari lang sanang hindi na pumunta sa lunch dahil gusto niyang humingi ng sorry sa hindi pagsagot, pero nakaayos na ang lahat.

Sa restaurant, nanatiling jolly si Tadhana para hindi magtaka ang kahit na sino kung bakit tahimik siya. Bukod sa lunch, alam niyang nag-prepare din ang parents niya ng isa pang kainan para naman sa ibang family and friends na imbitado.

"After this, we'll rest," bulong ni Keanu dahil magkatabi sila. "Para mamayang dinner, hindi tayo masyadong pagod."

Tadhana nodded and smiled. Hinintay niyang magtanong ulit si Keanu o magbukas ng topic, pero wala. Nahihiya siyang mag-open dahil baka mamaya, mali siya ng dinig o hindi naman kaya ay assuming lang pala siya.

Alam ni Tadhana sa sarili na hindi ganoon ang ugali niya, pero pagdating kay Keanu, palagi siyang takot. She used to be fearless and unbothered, but there was fear when it came to the man she loved.

Dumating pa sa puntong tinanong na niya ang mommy niya kung normal ba iyon. As per her mom, siguro normal, hindi rin ito sigurado dahil nakadepende naman talaga sa tao. Maybe Tadhana was afraid of losing Keanu so much that she had to restrain herself.

Nang makarating sila sa bahay, ni hindi na nakapagpalit ng damit sina Keanu at Sarki. Pareho nang bagsak sa kama at naghihilik. Nakaibabaw pa si Saki sa ama nito na ikinangiti ni Tadhana.

Never in her life na maiisip niyang magkakaroon siya ng isang Keanu.

Their first meeting was just some random and friendly experience. What happened to them was just a holiday and vacation thingy. It wasn't ideal for a lifetime because it was unexpected.

But maybe, the unexpected was always the best.

Gustong magpahinga ni Tadhana para sa dinner, pero hindi niya magawa. Gusto man niyang matulog, maraming tumatakbo sa isip niya kaya naman nagpunta siya sa bahay ng mga magulang para tumulong.

"Ayos ka lang?" tanong ng daddy niya na naupo sa sofa katabi niya. "Kanina ko pa napapansin na tahimik ka, e. Ano'ng nangyari?"

Tadhana shook her head. "Wala naman, Daddy. Ikaw, kumusta ka?"

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon