"BANDANG HULI"

0 0 0
                                    

Masaya ako dahil nakilala ko siya, masaya ako dahil nakita ko siya at masaya ako dahil binigyan ako ng pagkakataon na makasama siya para makilala ko pa siya ng sobra. At hindi lang yan sobrang saya ko kasi binigyan din ng pagkakataon ng mga pamilya ko na makasama siya at makilala din siya ng mga pamilya ko. kasi unang-una akala ko wala na may magmamahal sakin pero teenage pa kasi ako hindi naman tamang edad na magpapasok na ako sa isang relasyon kasi sabi ko mag aaral muna ako bago ganyan pero hindi naman natin mapipigilan yung feelings natin kaya last2 year meron akong naging ka relasyon na dumating sa point na akala ko siya na hanggang sa huli kasi sobrang seryuso ako nun at dumating din sa point na naospital siya kaya nanghingi siya ng tulong kahit konte na humiram siya ng pera na 5k sa aking papa, yung papa ko naman ay sobrang mabait pinahiram niya ng pera yung ex boyfriend ko para sa kanyang bill sa ospital kasi nagkaroon siya ng dengue, kaya dun akala ko siya na talaga para sakin kaya pala hindi, kasi na sense ko na baka meron siyang iba or meron siyang nilalandi na iba at yun tama nga ako sa aking sense, bakit nasabi ko na tama? kasi nahuli ko siyang may ka chat na babae na kaibigan din ng kanyang nilalandi, at ang nakita ko o nabasa ko ay nag chat yung babae na "okay lang yan hindi ko naman sasabihin or isasabi sa iba na nilalandi mo yung kaibigan ko" at yun nasabi ko na tama pala yung sense ko na meron pala siyang iba or hindi naging kuntento sa isa.

2nd- At! At! At! Buti na lang merong dumating sa aking buhay na loyal, mabait, gentlemen!! at yun ay nagpapasalamat ako kay God na nakilala ko siya hindi lang boyfriend also naging kapatid ko nadin siya kahit papano. Hindi ko talaga inakala na tatagal yung relasyon namin, kasi for me hindi magtatagal yung lalaki sa akin dahil sa ugali ko, kaya pala maling mali ako sa aking naramdaman. siya pala ang iintindi sa aking ugali kahit minsan sobrang attitude ko na sa kanya or marami na akong nasasabi sa kanya na hindi maganda o masakit. Sa totoo lang siya yung pinaka naiinisan ko noong bata pa kami kasi noon mahilig siyang mag bully sakin na sinasabi niya na "NENE DAKO BULI" at merong din times na sobrang sakit na sinasabi niya sakin. At ako rin binubully ko rin siya noon, hindi ko inakala na yung binubully ko or yung pinaka iinisan ko noon ay maging boyfriend ko ngayon. Pero aaminin ko naman na noon merong akong slight na nagustohan ko siya, hindi ko nga alam eh bakit meron akong feelings sa kanya para kasi sakin na fall ako sa kanyang mata kasi mahilig ako sa chinito at yun na nga ay naging kami na.

3rd- 1 year and 9 months na kami ngayon mabilis lang yung pangyayari kasi noon 7months or wala pa kami in 1 year pero ngayon more than 1 year na kami hindi ko inakala na magtatagal kami ng ganyang katagal. Worth it siya sakin at worth it din ako sa kanya, para sakin siya na talaga yung mamahalin ko habang buhay, aasawahin ko pang habang buhay, makasama ko habang buhay, at higit sa lahat magiging daddy ng mga anak ko. Hindi ako nagmamadali kung ano man itong relasyon namin basta't walang gagawang mag give up sa isa't isa. Kasi ako hindi ko magagawang mag give up sa kanya kasi mahal na mahal ko siya, hindi ko kakayanin kung mawala siya sa tabi ko o sa puso ko kaya ako takot na takot sa kahit anong gawin niya kunwari maglaro ng basket sa ibang lugar o maglipat sa malayo o busy siya, kasi sobrang sobrang sobrang mahal na mahal ko siya.

4th- kaya ngayon kahit anong mangyari nandito lang ako sa kanya na mamahalin ko siya, aalagaan ko siya. Huwag niya lang kakalimutan na nandito ako kahit anong mangyari hinding hindi magbabago yung pagmamahal ko sa kanya. Kaya kung nababasa mo lang ito masasabi ko na sobrang worth it ko na ikaw yung dumating sa aking buhay. Sobrang saya saya ko ngayon kasi thankful ako sa anong ganap ng relasyon natin. I love you i love you i love you!!
•JOSHUA ANDRIE RODRIGUEZ•

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bandang Huli Where stories live. Discover now