Nasa library ako ng pumasok si Monique. Twing nakikita ko ang babaeng ito sumasama talaga ang mood ko siguro dahil matagal ko na syang gustong suntukin ng paulit ulit.
"Have you decided?" Tanong ko sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa papeles na nasa harap ko.
"Yes!" Pagmamalaki pa nitong sagot sakin. Mukhang alam ko na ang isasagot nya. "I don't need your help dahil si mommy eunice na ang bahalang tumulong sakin and i also told her about what you did to my family company!"
"Okay!" Yun lang isinagot at minuwestra ko na sa kanya ang pinto para lumabas sya.
"Wala ka bang ibang sasabihin sakin?" Takang taka ang itsura nya habang nakatingin sakin.
"Wala! Besides that's what I'm expecting!" Walang emosyong sagot ko sa kanya. "Don't think na dahil dyan mapapahinto mo ako sa mga plano ko sa pamilya mo dahil kahit si mommy walang magagawa para pigilan ako."
Pero hindi pa rin ito umaalis sa harapan ko. Kaya naman lalo akong nairita.
"You may leave!" Minwestra ko ulit ang pinto sa kanya.
"Pupunta ang pamilya ko dito mamaya para mapagusapan na ang kasal natin." Ako naman ang natigilan sa pinagsasasabi nito. Pero hindi ko ipinahalata ang pagkagulat ko.
"Okay!" Walang emosyon pa rin ang ipinakita ko sa kanya. Seryoso ko syang tiningnan at halatang hindi sya makapaniwala sa reaksyon ko. "Hindi ako makakasama sa family meeting nyo dahil busy ako mamaya. May usapan kasi kami ni daddy at hindi ko na yun macacancel, besides kayo lang naman nila mommy ang may gusto nyan edi kayo nalang mag usapusap. Balitaan mo nalang ako!"
Nakita ko namang nabigla sya sa mga sinabi ko. Pero hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ko sa kanya. Kaya naman wala sa sariling lumabas sya ng pinto. Naiwan akong mag isa sa loob nang maisipan kong tawagan si daddy.
"Dad!, I think it's about time for us to talk." Sagot ko sa kabilang phone ng marinig kong sinagot nya ang tawag ko.
["Is this about your condition?"]
"Yes!.. hindi mo naman siguro balak na sirain ang usapan natin?"
[" No son, you know me!, Hindi pa ako nasira sa usapan!"]
["I'll be there in your office. Sunduin na lang kita para naman mahaba haba ang bonding time natin!" Tumawa lang ang nasa kabilang linya.
"SO?" Yun lang paguumpisa ni daddy sakin ng maupo kami sa loob ng isang restaurant. Magkaharap kaming dalawa at sinigurado kong hindi nya maisasama si mommy.
"I need your help!" Yun lang nasagot ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nito sakin.
"Tell me what it is, alam mo namang may family dinner tayo ngayun kasama ang pamilya ni Monique!" Pagpapaliwanag nito sakin.
"Its about that!" Lalong nagtaka ang daddy sa sinabi ko. "Can i start with a long story?" Tumango naman ito sa kanya. "It started seven years ago."
Ikinuwento ko sa kanya ang lahat. Kaya naman gulat na gulat ang daddy sa kin habang naririnig ako.
"Are you sure your mom did it?" Gulat pa rin ang daddy nya.
"I need my dad now please, dad. Ikaw lang ang pwedeng makasutil kay mommy. Wala akong balak na makasal kay Monique, I'm in love with eve!"
"Ang sabi ng mommy mo sakin you're in love with Monique that's why hindi ako tumutol." Halatang nag iisip isip ito ng sabihin yun. "What's your plan?"
"Kayo na ang bahala kay mommy, ayokong tulungan nyo ang pamilya ni Monique." Seryoso lang na nakikinig ang daddy sakin. "For now hindi ako makakilos dahil hindi ko alam baka kapag nagalit si mommy ituloy nya ang banta nya."
"Mukhang naspoiled na masyado ang mommy mo!" Seryoso talaga si daddy habang pinag aaralan ko ang reaksyon nya. "I think it's about time para. Maturuan ng leksyon ang mommy mo!"
"Thanks dad!" Nakahiga na ako ng maayus ng marinig ko yun mula sa daddy ko,.
"Ako ng bahala sa tauhan na hinire ng mommy mo, for now we will just go with the flow!" Paliwanag sakin ni daddy. "Let them know that im still interested in this wedding. May mas cute kasi akong naiisip para maturuan ng leksyon ang mga yan."
"Cute?" Natawa ako sa salitang yun ni daddy.
"Gagawa tayo ng hakbang na hindi pa rin masasaktan ang mommy mo. You know how much i love your mom. Gusto ko lang matuto sya pero malaki sigurado ang impact nito sa kanya kung sakali." Tumango lang ako sa kanya. "Ituloy mo ang pagpapabagsak sa kumpanya nila. Hindi rin kasi ako natutuwa na ginagamit nila ang mommy mo, ganti ko na rin yun sa kanila. Umattend ka sa dinner mamaya para hindi sila maka halata!"
Matagal pa kaming nagusap ni dad. Sinigurado nyang maaayus ang plano namin. Binanggit ko rin sa kanya ang paguwi ko sa pilipinas dahil sa wedding ni grey. Kaya naman naisipan nyang sa pilipinas na ganapin ang magiging wedding nila ni Monique. Mas madali kasing kumilos kapag nasa pilipinas kami.
GABI na rin ng makarating kami ng bahay ni daddy. Nasa sala na ang pamilya ni Monique ng dumating kami. Nag aya naman ang mommy na pumunta na ng dining room para dun makapagusap habang nag didinner.
Napakalapad ng ngiti ni Monique habang nasa tabi ko.
"Akala ko hindi ka makakaattend sa family dinner?" Malambing na tanong nya sakin. Na hindi ko naman tinitingnan.
"Pinilit ko lang yan. Paano ba naman ang daming gawain ngayun sa office." Sagot ni daddy. "Ayaw nga nyang umuwi at ang gusto tapusin yung trabaho."
"Do i have a choice?" Sagot ko lang na wala pa ring emosyon. Nandidiri kasi ako sa kakahawak sa kamay ko ng monique na to.
Matagal silang nag usap pero hindi ako nakielam. Wala akong interest sa mga pinaguusapan nila. It's our fuc***g wedding day and preparation. Bahala sila kung anong balak nila.
"Uuwi nga pala ako sa pilipinas tomorrow marami rin kasing dapat asikasuhin since dun naman pala ang wedding." Masayang sagot ni Monique. "Aren't you coming with me babe?"
Tanong nya sakin na hindi ko man lang pinansin. Ni hindi rin ako sumagot. Konting tiis nalang matatapos rin to, at sisiguraduhin kong mangyayari yun.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...