"Damn, Precious. Are you fucking pregnant?!"
Pulang pula ang mga mata niya,napapalunok din at halatang pinipigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha ngunit nabigo siya.
"Yes... Hear me out, please!" I beg,tumayo ako para lapitan siya ngunit napako ang tingin niya sa pwesto ko kanina. Napasinghap ako ng makitang naglakad siya patungo saakin,ang akala ko ay saakin siya lalapit ngunit nabigo ako ng lumapit siya sa librong binabasa ko kanina saka niya ito nanghihinang hinawakan bago ilapag muli.
Tinignan niya ako sa mata ngunit umiwas lang ako ng tingin dahil hindi ko matagalang makita ang mata niyang puno ng sakit at galit.
"Fvck, Precious! Damn,I n-never t-thought you...sh*t!" Halos hindi siya makapagsalita ng maayos dahil sa kanyang emosyon. Nanginginig din ang kamay niyang hinilamos sa kanyang mukha,napahagulgol na ako ng makita ko ang pagtaas baba ng kanyang nga balikat dahil sa pag iyak. Ngayon ko lang siya nakitang ganito at ako pa ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon,damn.
"C-clifford, p-please makinig ka sakin..." sabi ko habang umiiyak at sinusubukan siyang hawakan sa kanyang braso gamit ang nanginginig kong kamay.
Pagkahawak ko sa braso niya ay siya namang pagtanggal niya ng kanyang kamay sa mukha. Halos manigas ako ng makita ko ang malamig niyang expression kahit pa may ilang butil padin ng luha ang pumapatak sa kanyang mata. Napasinghap ako ng iniwaksi niya ang kamay ko.
Tinignan ko siya ng may pagmamakaawa ngunit tinignan niya lang ako gamit ang malamig niyang mga mata.
"Did you cheated on me?!" malamig niyang tanong na siyang nagpatulo nang sunod-sunod sa aking mga luha. Napakagat ako ng labi para mapigilan ito ngunit parang gripong naglandas ang aking mga luha.
"N-no, Clifford! P-please listen to m-" utal kong sabi na agad ding naputol dahil sa sigaw niyang nagpaguho ng mundo ko.
"Fvck! Dammit, Precious! Don't you ever try fucking lie to me!" narinig ko ang pagkabasag ng boses niya habang sinasabi iyon saka siya mabilis na lumabas sa kwarto. Halos mabingi ako sa lakas ng pagkasara niya ng pinto.
Sandali akong napaupo sa aking kinakatayuan dahil sa panghihina ng aking mga binti,napatakip ako ng bibig upang pigilan ang mapahagulgol ngunit nabigo lang ako.
Kahit nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa halo-halong emosyong ay pinilit ko pading tumayo at lumabas para mapunthan si Clifford at para na din makapag paliwanag bago mahuli ang lahat.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan para maiwasang madulas,pagkababa ko ay hinanap ko agad si Clifford. Hindi ko siya makita kaya nagpunta ako sa garage dahil nagbabakasakali akong nandon lang siya.
"Clifford, please!" sigaw ko upang maagaw ang pansin niya ng makita ko siyang pasakay sa kanyang kotse ngunit nagtuloytuloy lang siya na parang walang naririnig saka walang pasabing pinaharurot ang sasakayan paalis.
Tumakbo ako para mahabol siya ngunit masyadong mabilis ang pagpapatakbo niya. Napaupo ako sa kalsada dahil sa kawalan ng pag asa,napatingin din ako sa makulimlim na langit na para bang nag aamba ng pagulan. Hindi nga ako nagkamali dahil paglipas ng ilang segundo ay mabilis na pumatak ang malalaking butil ng ulan kasabay ng pagkulog at kidlat.
Humahalo ang mainit kong luha sa malamig na patak ng ulan na para bang dinadamayan ako. Nanghihina akong naglakad kahit pa malakas ang ulan. Hindi ko alam kung saan ako patungo basta naglakad na lang ako. Gusto kong tumawag sa parents namin para humingi ng tulong ngunit naiwan ko sa bahay ang cellphone ko.
Nanginginig na ako sa lamig ngunit hindi ko ito ininda. Para akong zombie na naglalakad at walang pakialam sa paligid. Hindi ko na din maramdaman ang katawan ko dahil sa pamamanhid nito.
Habang naglalakad sa ilalim ng ulan ay naiisip ko yung mga masasayang alaala namin ni Clifford,kung gano niya ako inalagaan at pinaramdam na mahal niya ako kahit pa wala siyang maalaala tungkol sakin. Para na siguro akong baliw dahil nangingiti pa ako habang iniisip ang mga yon kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.
Hindi ko malimutan ang mukha ni Clifford kanina,hindi ko maalis sa isip ko yung sakit na nasasalamin sa kanyang mata at ang mga luhang pumapatak dito dahil sa sakit.
Hindi ko namalayang nakalabas na ako ng village dahil sa lalim ng iniisip ko,patuloy padin ang pagpatak ng malakas na ulan. Patuloy lang ako sa paglalakad sa kabila ng mga busina ng sasakyan.
Hindi ko akalaing hahantong kami sa ganto. Hindi ko lubos maisip na hindi man lang niya ako nagawang pakinggan,hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Alam kong nasasaktan siya ngunit bakit hindi niya ako magawang paniwalaan? Ganon lang ba kababaw ang pagmamahal niya sakin? Pero siguro nga ay masyado lang siyang nasaktan kaya naging sarado ang isip niya,hindi siya masasaktan ng ganon kung hindi niya ako mahal,tama.
Pakiramdam ko ay pinipilit ko na lang kumbinsihin ang sarili ko para maibsan man lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Napalingon ako ng makita ang maliwanag na ilaw ng sasakyan kasabay ng malakas nitong pag busina.
Hindi ko pala namalayang naglalakad na ako sa gitna ng kalsada dahil sa malalim na pag iisip.
Parang nanigas ang katawan ko at hindi ko man lang magawang makaiwas. Napatingin ako sa paligid ko,may mga taong sumisigaw saakin ngunit para akong nabingi dahil tila wala akong naririnig. Nakikita ko lang ang pagsigaw nila kasabay ng pagsenyas saaking tumabi ngunit wala akong marinig,bakas din sa reaction nila ang pag aalala at pagkabahala sa pwedeng mangyari saakin.
Tama nga sila,mas may pakielam pa sayo ang mga taong hindi mo kilala kesa sa taong kakilala mo. Napahimas ako sa tiyan kong may konting umbok na kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng mainit na luha saaking mata.
'Baby,patawarin mo si Mommy. Mahal na mahal kita.'
Muli akong napatingin sa sasakyan ilang metro na lang ang layo saakin. Mapait akong ngumiti dito kasabay ng pagpikit ko ng mariin.
Kahit gustohin ko mang umiwas ay hindi ko magawa dahil para akong napako saaking kinakatayuan at hindi makagalaw.
May mga kwentong nagtatapos sa masaya at meron ding mga kwentong nagwawakas sa sakit at hinagpis.
' I'm sorry, Hubby.'
YOU ARE READING
Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
RomansPrecious Miracle-Sullivan, she married a man named Clifford Sullivan whom he doesn't even remember. He thought it was a fix marriage but the truth is that he proposed to her before he lost his memory. He became a jerk, he hurt her emotionally to pun...