Chapter 2

5 1 0
                                    

"I hope you find someone who knows how to love you when you are sad" - anonymous

_________
______
___
Nakapag enroll na ako sa KIS (Krystal Integrated School), sabay kami ni Ynnod na nag enroll, he's incoming g11 while I'm incoming G10, he's older than me.

Kasabay niya si Riss tapos si Juwaw at Jelo naman ay kasabay ko. Gurang na yung  dalawang yung eh.

Malaki naman yung school pero mas malaki parin ang school sa manila pero okay na rin ang mahalaga makatapos kahit tamad.

Ang dami kong nakitang mga babae na magaganda pero mukhang may attitude, at kung merong gwapong lalaki? Wala, wala akong nakita kasi hindi naman ako naghanap.

"Gala daw muna tayo sa ulango sabi ni Jelo, catch up daw" ani ni Ynnod habang nakatutok sa kanyang cellphone

"G lang! Then samahan niyo narin ako bumili ng gamit" bukas na kasi ang start ng class namin, late enroll talaga ako tapos itong si Ynnod hindi ko alam kung bakit nagpalate enroll din.

"Okay, bibili din ako ng libro" sagot niya habang nakatutok parin sa cellphone
"Kausap mo sila Riss?" Tanong ko, masyado kasi siyang focus

"Ha? Hindi" tumingin muna siya saglit sa akin at binalik ulit sa cellphone ang paningin

"May babae ka na nu?" aasarin ko sana siya pero bakit tunog nag seselos ata pagkakabigkas ko

"Ha? Wala HAHAHAHA ano ka ba ikaw lang ang babae ko, wag ka na magselos babes" this time tinago na niya  ng phone nya at umakbay sa akin

"Siraulo ka, wag mo nga ako mababes babes dyan! Baka isipin ng mga nakatingin na jowa kita, alis nga" tinabig ko ang kamay nya sa balikat ko pero ang gago tinawanan lang ako

"Hoy! Bilisan niyo naman" nakarinig kami ng sigaw mula sa parking, boses palang alam ko ng si Jelo

"Wala tol sinosolo mo si Belle ha!" sapaw ni Juwaw

"Siraulo kayo" tanging sagot ko at tumakbo na sa gawi nila, ang mga siraulo nagkanya kanyang bukas ng mga braso

Niyakap ko sila isa isa kasi sobrang namiss ko talaga sila, nakakamiss din pala maging prinsesa. Noong nasa Manila kasi ako puro sama ng loob nalang nakukuha ko, lagi kong binabantayan mga pinsan kong babae lalo na si Crissa, daming lalaki ng babaeng yun at ako ang binibwesit kapag hindi nila mahagilap ang pinsan ko tapos si Ash naman ayun laging niloloko kaya kahit hating gabi na sya kung tumawag para maglabas ng sama ng loob G! Padin ako, otw agad. Si Khao naman ang pinaka maayos sa kanilang lahat pero tamad nga lang mag aral as in sobrang tamad, buti nalang ang mabait siya at friendly kaya ang daming nauutong kaklase para mangopya sa kanila. Ako naman yung nagiging nanay nila kahit hindi naman ako ang pinakamatanda pero ang problema lang sa akin ay mahigpit ako, kapag sinabi kong wag yan dapat masunod, kaya nga lagi kaming nag aaway ni Crissa kasi gusto ko lang naman mapunta siya sa mabuting tao eh ang loka hilig sa bad boy look eh literal na bad boy pala talaga.

"let's go na guys, baka gabihin pa tayo" ani Riss

"Paunahin ang mahal na reyna" ani Jelo at pinagbuksan pa ako ng pinto sa front seat

"Salamat aking kupal" sagot ko dito kaya inirapan ako

Sa aming magkakaibigan si Jelo talaga ang pinakaloko loko pero masaya naman kasama tapos si Juwaw ang bad boy look pero matalino yan, naalala ko siya pa nga gumawa ng assignment ko dati sa math kasi nakatulog ako eh saktong binisita nila ako sa manila kaya sila nag asikaso ng gamit ko sa school. Tapos si Riss naman ang pinaka tahimik at good boy pero pag inimikan ka nan ha! mapapasabi ka nalang na sana hindi nalang siya nag salita at si Ynnod? Alien yan.

LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon