43: Sad Soul's

61 8 22
                                    

Prince's POV

Patuloy lang ako sa pagluha habang mag isa akong naka upo dito sa may hagdan papunta sa rooftop ng hospital, hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko kasalanan ko tong lahat

Napapunas ako sa magkabila kong mata ng makita ko ang babaeng sumunod saakin, si Jicel

"Ayos kalang? Wag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat---"

"Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ko sinundan? May sinabi ba kong sundan mo ko!?" Nakita ko ang gulat sa mga mata nya ng makita nya ang reaksyon ko

Sawang sawa na kong makakita ng namamatay na tao, sawang sawa na kong mamatayan. 

"Prince, g-galit ka ba sakin---"

"Wala kanang pakealam, umalis ka!" Sigaw ko pa at kinuha ang phone ko, sinagot ko ang tawag at agad ko namang narinig ang boses ng mga babae na umiiyak

"Prince, nasaan kayo ni Jicel?" Boses iyon ni Jessica

"Hindi ko sya kasama," Walang emosyon kong sabi kahit nandito pa din si Jicel sa harap ko

"Kailangan nyo ng mag madali dito, kailangan kayo ng mga kaibigan nyo." 

Naramdaman ko ang kabog sa dibdib ko kaya agad kong hinawakan ang kamay ni Jicel at nagulat naman sya doon

"Anong---"

"Kailangan na natin bumaba." Seryoso kong sabi at binitawan ang kamay nya, nauna akong bumaba sa hagdan at sumunod naman sya saakin

"Dahan dahan, baka matapilok ka." Mahinahon kong paalala sakanya.

Ilang saglit pa, nakadating na din kami sa ER. Nag elevator kami pagkadating sa 8th floor.

Nakita ko sila Rose na umiiyak, lalong lalo na si Scarlet. Lahat sila umiiyak, si jessica lang ang hindi

"Anong nangyari!? Bakit kayo umiiyak!?" Sigaw ni jicel sakanila at napapikit naman ako

Kinakabahan ako, ayokong...ayokong may mamatay. Hindi ko kakayanin, ayoko. Ayoko na.

"Sandy...." Iyak na sigaw ni Scarlet habang nakaupo sa upuan malapit sa may pinto

"Bakit nyo iniiyakan si sandy? Mga tanga ba kayo!?" Sigaw pa ni Jicel sa mga ito na hindi sumasagot saknaya, umiiyak lang silang lahat

"Ma'am. Kayo po ba yung kamag-anak ni Sandy Deleon? Pwede nyo na po sya puntahan sa morgue." Agad akong napatingin sa nurse na dumating, nangingilid ang luha ko at parang nanginginig ang mga kamay ko

Naramdaman kong napaupo si Jicel sa lapag at tuluyan ng naiyak

"Bakit? Diba sabi ko sainyo mag babayad ako!?" Tumayo si Scarlet at humarap sa nurse

"Bakit nyo pinabayaan ang kapatid ko!? Dahil ba anak kami ng dating mayor!? Utos ba yan ni Santiago bago sya maaresto!?" Hinawakan nila Yuan at Raphael ang kamay ni Scarlet para pigilan ito, namumula ang mga mata nya at basang basa ang damit nya

"Ma'am pasensya na po, ginawa na namin ang lahat---"

"Hindi nyo ginawa ang lahat!! Kung ginawa nyo ang lahat lahat nyo edi sana buhay pa ang kapatid ko!" Lumapit si jennie kay scarlet pagkatapos nyang punasan ang luha nya sa kaliwa nyang mata

"I'm sorry po, icremate nyo nalang po yung b-bangkay." Ani ni Lira na kumausap sa nurse

"Kamusta sila Hara? si Harold? Naayos ba sila? Maayos naman sila diba---"

"Kumalma ka, Jicel. Nilipat na sila sa kwarto." Sagot ni Jerald kay Jicel at wala naman akong sa sariling napa upo sa tapat na upuan

"Tangina naman eh. Kasalanan ko to lahat, kung hindi ko nalang kinausap si sandy na magkapatid kami. Hindi sya malalagay sa alanganin!!" Mariin pang sigaw ni Scarlet

Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon