Sa ampunan, madalas maingay dahil maraming batang iniiwan. Minsan, hindi na nakagugulat kung may bagong bata, may bagong sanggol, at mayroong mga bumibisita para maghanap ng aampunin.
Bata pa si Tadhana noong mga panahong iyon, pero naalala niya ang pakiramdam nang aampunin at ibabalik dahil hindi siya nagustuhan.
Tatlong beses. At sa pangatlo, hindi na siya umiyak. Kaya naman sa tuwing mayroong kakausap sa kaniya noon na mag-asawa, hindi niya pinapansin, hindi niya kinakausap, hanggang sa dumating sina Virgie at Gani na siyang nagpakita sa kaniya na likeable naman pala ang malditang bata.
Tadhana hated babies when she was young.
Sa ampunan, palaging baby ang priority na maampon dahil mahirap daw kapag malaki na. Too much to handle na at iba na ang ugali, tulad niya.
Kaya naman sa tuwing mayroong baby na bagong dating, nakasilip siya sa bintana kung saan natutulog ang mga ito at masama ang loob dahil dadagdag na naman sa pagiging dahilan kung bakit hindi siya maaampon.
Nakalakihan ni Tadhana ang inis sa mga bata hanggang sa dumating si Sarki sa buhay niya. Ang batang tumatakbo at nakikipaghabulan sa ama nito ang dahilan kung bakit minahal ni Tadhana ang mga bata.
Kakumpitensya ang tingin niya sa mga ito dahil unahan sa pagpili kapag aampunin. Pero nagbabago talaga ang isip ng isa kapag nasa ibang sitwasyon na.
"Ang lalim naman iniisip, misis," hinihingal na sabi ni Keanu bago tumungga ng tubig mula sa boteng naka-prepare. "Something wrong? Do we have a problem?"
"Wala." Natatawang umiling si Tadhana at inayos ang bonnet ni Keanna. "Hindi pa ba kayo napapagod? Kanina pa kayo naghaharutan ni Sarki!"
Keanu chuckled and leaned to kiss his princess' forehead. "Hayaan mo na. Para mapagod, para makatulog kaagad. Iiskor ako, e."
Mahinang natawa si Tadhana at kinagat ang labi. "Sige nga, miss ko." She even stucked out her tongue. "Mga tactic mo, mister!"
Natawa rin si Keanu dahil ito ang masaya sa relasyon nila. Kaya nilang makipagsabayan sa kabaliwan ng isa't isa nang walang napipikon. One thing Keanu loved about his wife, the open-mindedness and wittiness that had no chance of fading.
Yumuko si Tadhana para tingnan si Keanna na sumususo sa kaniya. Three months since she gave birth, Keanna was a good baby.
Nahirapan man siya sa pagbubuntis, naging magaan ang lahat nang manganak siya. Bukod sa katulong na niya si Keanu sa lahat ng bagay, hindi rin nila problema si Sarki. Tama si Keanu na bata pa lang, i-train na ang anak nila para hindi sila mahirapan.
As per Keanna Virginia, mabait na baby ito at hindi iyakin. Mas madalas na iiyak lang kapag may poopoo o kaya naman ay nagugutom. Hindi rin naman kasi hinahayaan ni Keanu na dumating sa ganoong punto.
Breastfeeding pa rin siya tulad kay Sarki.
When it comes to businesses, Tadhana and Keanu were a team. Nag-put up na sila ng office at sa kanila na rin nagtatrabaho si Fidel lalo na at ayaw nito sa mga epal na workmate. At least nga naman, sila-sila lang din ang magkakasama.
Madalas din nilang isinasama ang mga anak nila sa office lalo na at nag-aaral na rin si Sarki. Keanu and Tadhana had set up a small room for their kids whenever they needed to rest.
"Tapos na bang magdede ang prinsesa ko?" nakangiting sabi ng mommy niya at lumapit. Sakto namang bumitiw na sa pagkakasuso si Keanna. "Pahiram naman ako ng baby ko."
Lumabas din ng bahay ang daddy niya. Nasa garden sila ng bahay ng parents ni Tadhana dahil halos araw-araw naglalaro ang mag-ama niya roon. Sa apartment pa rin sila nakatira dahil naisip nila na hindi pa naman panahon at maliliit pa naman ang mga anak nila.