Epilogue

324 14 7
                                    

10 years later...

Laxxus POV

SA LUMIPAS na sampong taon, naging matunog ang pangalan ko sa larangan ng pag-aabogado. Oo, isa na akong ganap na abogado ngayon. Kakapanalo ko lang sa isang kaso noong nakaraang linggo.

Maraming nangyari, marami akong napagdaanan bago muling abutin ang mga pangarap ko. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral at dahil na rin sa tulong ni Attorney Mishel noon sa akin ay nabuhay akong may hinahawakang prinsipyo't dangal.

Ngayon, may event akong dadaluhan sa isang sikat na hotel. Maraming mga mayayamang bisita ang pupunta kaya naghahanda na rin ako. Pilit kong inaayos ang aking kurbata ngunit hindi ko iyon maayos.

Lumingon ako sa pinto kung saan nakita ko ang pagpasok nang aking minamahal na asawa na siyang ikinangiti ko.

"Hon," tawag ko sa asawa ko.

Ngumiti siya sa akin at natatawang lumapit sa kinaroroonan ko. Oo, may asawa na ako at dalawang taon na rin kaming kasal. She's a strong woman, sweet and kind. She has also this smile that everyone loves most specially me. She's Faith Araxxel Rodriguez Sarmiento, my loving wife.

"Hindi mo pa rin naaayos ang kurbata mo, hon," She said, laughing while fixing my tie.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at ipinatong iyon sa aking balikat. Iniyakap naman niya ito sa aking batok kaya napahawak ako sa kaniyang beywang at tinitigan siya. Nakatingala ito sa akin dahil hamak na mas matangkad ako sa kaniya.

"Kaya nga ikaw ang gusto ko laging gumagawa nito, hon." sambit ko.

Pinalobo nito ang kaniyang pisngi dahilan ng pagtawa ko. Hindi pa rin nagbabago ang pagpa-pa-cute ng asawa ko.

"Such a cutie, hon." usal ko.

Natapos na ang pag-aayos niya sa aking kurbata kaya hinalikan ko siya sa kaniyang noo. Ramdam ko ang mumunting pagtawa niya na siya rin pagyakap ko sa kaniya.

"Hmm, male-late ka niyan, hon kapag hindi ka pa nag-ayos," She mumbled.

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya, ramdam ko kasi ang kaligtasan sa mga bisig niya. Siya kasi ang tipo ng asawa na tanggap sa iyo lahat lahat kahit ano pa ang pinagdaanan mo sa buhay, kung saan ka nagsimula at mga karanasan na nangyari buong buhay mo.

I found the safest place of my life-my wife as she spends the rest of her life with me. She will always be my safest destination, my peace, and my freedom. That's how I love her that much and I am grateful for having her in this journey of life.

"I love you, wife." bulong ko sa kaniyang tainga.

Humigpit rin ang pagyakap niya sa akin. "I love you so much, hon."

Lumipas ang ilang minutong pagyayakapan ay naghiwalay na rin kami pero hindi pa rin namin binitawan ang isa't-isa.

Nakatitig lang ako sa kaniya. "Parang ayaw ko na lang dumalo sa event, hon." natatawang usal ko sa kaniya.

"Nah, that's an important event, hon. You should be there. Don't worry about me."

"I'm gonna miss you," pangungulit ko. " Ah, huwag na lang pala ako dadalo sa event na iyon, mukhang boring kapag wala akong kasama na asawa." natatawang pang-asar ko sa kaniya.

Sinapak nito ang aking dibdib dahilan para mapaatras ako na agad rin naman niyang akong dinaluhan at hinalik-halikan sa aking pisngi at labi. I smirked at her, naka-isa ako sa kaniya ngayon.

"Anong oras na, hon. You need to go," pilit niya. "Kung hindi lang ako buntis sa panganay natin sasamahan kita pero hindi naman ako puwedeng mag-byahe ng mahaba," She said, nakanguso pa.

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon