VERONICA'S POV
Napagdesisyonan namin ni Blaze na umuwi nalang at sa bahay nalang magpahinga , mas lalo kasing lalaki ang bayarin namin kapag nagtagal pa kami dito. Bayarin niya lang pala , hindi naman pala ako magbabayad dahil wala akong pambayad. Siya nadin daw ang magbabayad ng bills ko dito sa hospital , buti naman kung ganon! Nakakahiya kay Vladymyr 'no!
"Punta muna tayo dun oh!" Saad ni Blaze habang nasa loob kami ng kotse.
"Saan? Gabi na kaya."
"Dun sa mall ! Tara na , libre naman kita ng ice cream eh." Inis niyang sabi. Paiba-iba talaga 'to ng mood! Nakakainis!
"Eh ano pa bang magagawa ko? Kahit ano namang sabihin ko ikaw parin ang masusunod." Mataray kong sabi at bumaba agad ng kotse.
"Oh ba't nagagalit ka ?! Ikaw na nga ililibre , ikaw pa galit.!" Galit din nyang sabi. Talagang hindi papatalo ang kupal na 'to.
"Ikaw kasi! Magyayakag kana lang , naiinis ka pa!"
"Ayaw mo kasi sumama!"
"Anong ayaw ko sumama , wala pa akong sinasabi non!"
"Ah basta! Tara na lang dami mong dada!" Inis nyang sabi at hinila ang jacket na suot ko.
"Pagalitan mo kaya 'yang sarili mo! Tutal ikaw naman naunang mag-ingay!" Inis kong sabi. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa lalaking 'to!
Hindi niya ako pinansin , nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang kinakaladkad ako.
"Wag mo akong kaladkarin." Walang ganang sabi ko.
Tumigil siya sa paglalakad , dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya. Tss. Bango.
"Eh anong gusto mo?"
"Maging mapayapa na ang buhay ko."
"Ahh ganon? So hindi mapayapa ang buhay mo pag nasa tabi mo ako?" Nakakunot noong tanong niya.
"Wala akong sinabi." Natatawang sabi ko.
"Wala kang karapatan magreklamo , lalo na kapag panget itsura mo." Nakangising sabi niya.
"Napakasama talaga ng ugali mo!"
"Pero may kabaitan parin ako kahit papaano." Proud pa nyang sabi. Wow! Proud pa!
"Bagay ka sa impyerno!"
"Bagay talaga ako dun kasi hot ako." Natatawang sabi niya sabay taas ng damit niya sa harap ko.
"Che bahala ka dyan!" Mataray na sabi ko sknya pero nakangiti na talaga ako habang nakatalikod sakanya. Dzuh! Six packs ng pandesal nakita ko mga bhe.
"Okay sige , bahala ka. Ikaw nalang bumili ng ice cream." Saad niya. May dinukot siya sa bulsa niya.
"Oh eto pambili ng ice cream! Bilisan mo ha! Pag 9:30 dapat nandito kana ha!" Nakangising sabi niya at tinalikuran ako.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Nakakainis!
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa marating ko na yung Ice Cream Store. Agad naman akong nakabili dahil wala ng bumibiling ibang tao.
Palabas na ako ng mall ng biglang mamatay yung mga ilaw. Sobrang dilim!
Takot ako sa dilim pero this time , lalaksan ko ang loob ko.
May biglang tumakip sa bunganga ko at dinala ako sa isang sulok. Kinabahan ako kaya nagdasal nalang ako.
Lalabanan ko na sana ang lalaking ito ng bigla kong narinig ang boses ni mom.
Biglang lumiwanag , nandito pala kami sa C.r. Ngumiti si Mom sa akin.
BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Roman pour Adolescents𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...