SIGAW NG PUSONG BATO
Sa pag-ibig, maraming beses nang nasaktan
Minsan naisip, pag-ibig ay kalimutan
Para sa gayon, hindi na muling masaktan
Hindi naglaon, puso’y bato na at di na sugatan
Lahat ng nagtangka, dedma ang inabot
Puso’y natuto na, malabo nang lumambot
Sa bawat nakilala, hinanap ang sagot
Forever at true love ibaon na lang kaya sa limot
Gusto kong magwala pero di ko magawa
Gusto kong pagsigawan, ako’y nagsawa na
Sa mundong lokohan, puso ang nakataya
Talo ang stick to one sa taong sa pag-ibig madaya
Minsan aking sinigaw, “YOKO NANG MAGMAHAL!”
Lahat pareho lang, puso ko’y sinupalpal
Papaasahin sa una, bibitaw ng mabagal
‘Pag sa ere ay naiwan, wala nang magiging angal
Pero sa isang iglap, ika’y napadaan
“JOKE LANG YUN SYEMPRE,” sinigaw ko ng marahan
Dibdib ay kumabog, masarap maramdaman
Ikaw na nga ang hinahanap, ang aking kasagutan.
#TAGA-ILOG09 03/22/2015
BINABASA MO ANG
Bulong ng Damdamin #Wattys2015
PoetryMga tulang binubulong ng damdamin. Mga tulang nais sambitin, sa mga taong nais 'tong intindihin, lalo na sa taong aking mamahalin.