Kabanata 2. Kamalasan

288 20 22
                                    

"Joshua!"

"Nasaan na ang research report mo for this month?!" Nangagalaiting hiyaw ng isang kalbong lalakeng edad early to mid 50's, balbas sarado at kapansin pansin ang ilang hibla ng puting buhok dito. Ngunit ganoon pa man ay mukha pa din syang disenteng tignan salamat sa all black nyang suit.

Ginagambala nya ang buong hallway sa paghahanap sa binata. Halos mapatid na ang litid nya dito. Sinubukan na nyang kalampagin ang research quarters nito ngunit wala pa ding sumasagot. Marahil wala na naman sya dito.

Samantala...

Sa Madrid Boulevard

"Manong bayad oh. Tatakbuhin ko na lang." Nagmamadaling abot ng dalawang daang piso ng isang binatang nakasuot ng thick framed prescription glasses. Maputla, halos kulay labanos ang balat, may kapayatan at katamtaman ang laki. Sa katunayan, may itsura naman si kuya. Lamang lang ng mga tatlong paligo si Nicholas Hoult; kailangan nya lang matutong tuminding ng maayos, umayos ng porma't pananamit, hasain ang kanyang social at interpersonal skills at tubuan ng self confidence sa katawan.

Nangahas na syang tumakbo ng tatlong kanto patungo ng University of Saint Thomas dahil gitgitan na naman ang trapik sa Madrid Boulevard, as usual, every single day.

Ito ang tipikal na routine ni Joshua. Ang matanghali ng gising dahil sa pagkapuyat nya sa pananaliksik, ang maghikahos sa pagbyahe mula Rizal hanggang Maynila, at ang pagsubok na talunin ang world record ni Usain Bolt.

Malas lang nya dahil maagang dumating ang kanyang boss ngayon. At mukhang makakatikim sya ng pitumpu't pitong pamumutakte mula rito.

"Shet! Shet! Kung kailan may good news ako kay boss tsaka pa nagkaganito! Malas talaga!" Litanya nya sa kanyang sarili habang humaharurot sa pagtakbo. Halos mapatid na ang kanyang mga binti sa pag-arangkada pero sige pa din sya sa pagkaskas.

"Sisiguraduhin kong ma-coconvince ko sya kahit out of the ordinary ang natutunan ko! Mapapanganga sya sa mga..." At bago pa man magpatuloy ang kanyang train of thought ay nag-iba ang ihip ng hangin.

Natigilan sya sa pagtakbo at napansing wala sa kanyang likod ang paborito nyang backpack.

"Anak ng Putakteeee!" Kulang na lang ay maglupasay sya sa side walk. Nandoon kasi ang pinagpuyatan nya. Ang masama pa dito'y hindi nya maalala kung saan nya naiwan ito.

"Sa taxi? Sa Jeep papuntang Cubao?! Walangh'ya naman oh?! Aaaaahhhh!" Kahit anong piga ay hindi nya maisip kung saan. Malilintikan talaga sya ngayon. Mahigit isang oras na nga syang late ay wala pa syang maipapakitang research report.

Kaya't hindi nya na lamang ito inintindi at ipinagpatuloy ang pagtakbo. Magdadahilan na lang sya sa kanyang boss. Mukhang mabait naman ito. Mas mabait sa dati nyang boss na halos kasing edad nya lang.

"Ano bang kasalanan ko sa inyo?! Lagi na lang akong minamalas! Everything's in Chaos!" Pagtatanto nya sa sarili. Usual routine na nya ito. Ang sisihin ang mga nasa itaas tuwing may kapalpakan syang magagawa.

Pero sa katunayan ay may karapatan naman siguro sya, dahil higher than normal ang kamalasan at kaguluhang nararanasan nya.

Sa edad na lima ay pumanaw ang kanyang ina sa pagpupumilit nyang magpabili ng ice cream habang umuulan. Cause of death? Natamaan ng kidlat.

Sa edad labing dalawa naman ay naputulan ng paa ang kanyang ama nang tumakas ito para magpatuli papukpok kasama ang kanyang yagit friends. Cause of amputation? Nataga ng itak ng lasing na manunuli.

Last year ay namatay ang kanyang pet turtle na si Bantay matapos nyang ilakad ito sa may kanto. Cause of death? Nasagasaan ng bike.

At last week lang ay naholdap ang inipon nyang perang pambili ng cellphone.

Maya maya pa'y nakarating na sya sa Main Entrance ng Campus...

"Sir. Estudents po ba kayo? ID nyo po." Pinigil sya ng guard makapasok. Sa ilang taon nyang pagtatrabaho sa campus ay napagkakamalan pa din syang estudyante ng mokong.

"Kuya naman! Ilang taon na akong nagtatrabaho sa STARF hindi mo pa din ako kilala?" Dukot nya sa kanyang wallet at pakita ng kanyang ID Key Card.

"SOP lang sir. You may pass pogi." Makulit na pagbati nito at pinayagan ng pumasok ang binata.

At pagpasok na pagpasok ay tuloy lamang sya sa pagtakbo, nakikipagpatintero sa mga college students, humahawi hawi sa dinadaanan ng mga ito; akala mo ba'y character sa Assassin's Creed.

Matapos ng ilang metrong pagmamadali ay dumating na sya sa bukana ng kanyang work place, ang Sancti Thomae Advanced Research Facility o STARF; ang state of the art at leading research center sa Asya.

Bumungad sa kanya ang astiging Modernized Two Storey Building. May isang malaking golden plated na- SANCTI THOMAE ADVANCED RESEARCH FACILITY.

Sa bungad ng entrance ay ilang Silver-wreathed bonsai at ilan pang tila genetically modified na halaman.

At nang pamansin sya ng resident security staff na naka-amerikana, puting long sleeves, dilaw na necktie at shoulder plate na tila makintab na parang armor ay-

"Nako Josh! Patay ka na naman kay Mr. Guinto! Kanina ka pa hinahanap!"

"Natrapik ako eh. Asan sya ngayon?" Nahihiyang sagot nito pabalik.

"Sa opisina nya. Bilisan mo na. Kulang na lang magwala si Mr. Clean." Pabirong gatong ng guard. Ito ang codename nila sa matanda dulot sa itsura nito, kahit halatang halata.

Pagpasok nya pa lamang ng revolving door ay bumungad na din agad ang receptionist-

"Josh! Bilisan mo! Oh em gee!" Nag-aalalang pagbati ng babaeng nasa kanyang mid 20's. Maayos naman ang hulma ng mukha, hindi kagandahan ngunit hindi naman pangit. Sakto lang. Nakapower dress din at mukhang presentable.

"Narinig ko nga. Salamat Melody." Sagot naman nito sa dalaga bago dumiretso sa kaliwang pasilyo.

 At ilang hakbang pa lamang ay-

"Joshua! My office! Now!" Pasigaw na utos ni Mr. Guinto na saktong sakto ang pagkakabukas ng pinto. Tanaw na tanaw ang binata sa malayo.

Kaya't kahit nanliliit na'y nilakasan nya ang kanyang loob at pinatay lahat ng daga sa kanyang dibdib.

Maskara ni KaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon