Habang nakatitig sa lawang nasa aking harapan ngayon, ang buhok kong nakalugay ay tinatangay ng hangin. Bumalot sa akin ang kapayapaan habang yakap ang mga tuhod ko. Naipikit ko ang mata ng makaramdam ng kaginhawaan. Napakasarap ng simoy ng hangin at iyon ang pinakagugostohan ko.
Ang parte ng lawang 'to ang aking pinakapaborito, dahil hindi lang sa payapa kundi makakaramdam ka ng katahimikan at siguradong makakalimutan mo ang lahat ng problemang iniisip. Malayo ito sa gulo, kalmado at kampante.
Pero katulad ng buhay ng iba, may napagdaanan rin akong problema, pero sa tuwing andito ako sa lawang 'to ay lahat nakakalimutan ko. Mga pasakit at katotohanan na kinakadurog ng puso ko.
"What are you doing here?"
Ang boses na iyon ang pumokaw sa akin, ang mabibigat na yabag ng paa nito ay papalapit sa aking gawi. Nanatili akong nakatanaw sa ganda ng paligid na hindi man lang gumagalaw.
"Napakapayapa rito, ano? Kaya ito ang paborito kong lugar ng Hacienda." Pag ku-kwento ko.
Sa gilid ng aking mga mata, umopo ito sa aking tabi at pinagsiklop ang mga palad sa ibabaw ng tuhod. Pareho lamang kaming tahimik at pinaparamdaman ang isa't-isa.
"So, you mean you always visit this spot?"
Tumango ako at itinagilid ang ulo para masilayan ito. Walang kupas, napaka-gwapo at hindi ko iyon matatanggi. May kutis moreno itong si Señorito at para sa akin ay perpekto ang kulay na 'yon. May berde rin itong pares ng mata, makapal ang kilay, matangos at nagmamayabang ang ilong, hugis puso at pula ang mga labi.
Napaiwas ako ng tingin bago pa ako nito mahuling nakatitig. Pinaglaruan ko ang mga daliri bago pinagsugpong.
"I'm sorry." Maya-maya'y usal nito.
Napangiti ako at nagtatakang tinapunan ito ng tingin.
"Para saan naman ang paghingi mo ng tawad, señorito?"
Gusto ko mang matawa ay pinigilan ko ang sarili ng magkasalubong ang makakapal nitong kilay.
"I told you not to call me that."
Umiling ako, hindi sang-ayon sa gusto nitong iparating. Bawal na labagin iyon, anak siya ng may-ari ng hacienda at amo ko siya kaya dapat at tama lang na señorito ang itawag ko sa kanya. Hindi naman kami ganoon kalapit sa isa't-isa para tawagin ko siya sa pormal na pangalan.
Damien.
"Are you... Mad?" May pag-aalangan pa ito.
Nagkasalubong ang kilay ko bago ito hinarap. Kita ko pa ang marahas nitong paglunok.
"Ano ba iyang pinagsasabi mo? Señorito, wala po akong karapatan na magalit sa inyo." Mahinhin ang pagkakasabi ko sa bawat kataga.
"Don't lie, Thanna."
Nalukot ang mukha ko sa sinabi nito. Kahit kailanman ay hindi ko magagawang magsinungaling. Nagsasabi ako ng totoo. Wala akong katiting na nararamdamang galit rito, sa kasalukoyan nga ay nagpapasalamat ako sa kabutihan at ginawa nito.
"Dapat bumalik na kayo sa mansion, señyorito Damien. Baka hinahanap na kayo ni Doña."
Parang may bumara sa lalamunan ko ng may maalala. Hindi nagugostohan ni Doña Danshana na nakikipagkita ako kay Damien miski ang pakikipag-usap rito. Ewan ko pero parang may kinikimkim na galit ang doña sa akin. Gusto niyang layuan ko ang señorito dahil wala daw akong mabuting dulot rito. Minsan nga ay nakakarinig ako ng masasamang salita sa pamilya nito, pero anong magagawa ko? Ang tumahimik lang, wala akong laban dahil isa lang din akong trabahador sa hacienda.
Napakurap-kurap ako ng maramdamang may dumaloy na likido mula sa aking pisngi, mapait akong napangiti kasabay 'non ang paglapat ng mga palad ni señorito sa mukha ko, pinunasan ng mga hinlalaki nito ang bawat butil na pumatak. Naipikit ko ng mariin ang mata at nagpatangay ng hilahin ako nito at dalhin sa bisig.
"Don't cry, baby. Hushed now," para akong sanggol na inakay-akay nito. Napakasarap sa pakiramdam na yakap ako nito, naghahatid ng kaligtasan at init ng pakiramdam. Pinatakan ako ng magagaan na halik sa tuktok ng ulo.
"Everything's gonna be alright, trust me baby."
Hindi ko magawang umiling miski tumango, gulong-gulo ako. Hindi ko na alam. Gusto ko kalimutan pansamantala ang mga taong masama at hindi maganda ang dulot sa akin. Sa ngayon ay hahayaan ko muna ang sarili na makulong sa bisig ni Damien.
Hindi ko namalayan ang sumonod na pangyayari, naramdaman ko na lang ang pagpikit ng aking mga mata at ang pagbulong ni Damien sa aking tainga.
"I love you so much. Please hold on tight."
Napangiti ako ng maliit.
Alam kong hindi magtatagal ang nararamdaman mo sa'kin Damien.
At lalong hindi ako aasa na tayo ang para sa huli, may nakalaan dito at dapat umiwas na ako.
———
So excited for this! Omooo! —🍒🦋
YOU ARE READING
Hermoso Series 1: The Innocent Disaster
General FictionThe first time he lay his eyes on her, he already owned her. Innocence. Disaster. Pain. Revelation. Love. Personality. Attractive to someone he first ever met, a woman with strong aura, kind and sweet personality. One day he just find his self fall...