Kabanata 1

23 0 0
                                    

Kabanata 1

Suot ang bestidang puti na lagpas sa aking tuhod, binagtas ko ang daan papunta sa lawa. Malapit ng lumobog ang araw sa silangang bahagi at gusto kong masaksihan ang ganda niyon. Nagpapasalamat ako at pumayag si Lola na lisanin ko muna kahit sandali ang bahay.

Marahan akong kumanta bago pinagsiklop ang mga kamay sa likuran. Napaganda ng tanawin pag ito'y iyong pinagmasdan. Nakakakalma ng damdamin ang mga huni ng ibon at ang paghampas ng hangin sa mga puno.

Ng makarating na ako sa destinasyon, katulad ng nakagawian ko ay pumitas ako ng bulaklak bago iyon pagmasdan at amoyin. Ito ang gusto kong pamumuhay, malaya at malayo sa taong mapanghusga. Huminga ako ng malalim at umopo sa damuhan, minuto ang lumipas ay unti-unti ng tumatago ang araw sa bundok. Nagkulay lila din ang lawa na mas lalong nagpaganda.

"Thanna! Pinapauwi ka na ni Lola tasyang." Boses iyon ni Marie na ikinalingon ko. Tumango ako dito bilang tugo saka muling tumingin sa lawa.

Napangiti ako bago toluyang tumayo, pinagpagan ko ang nadumihang bestida bago nilapitan si Marie na naghihintay sa akin. Nakabusangot ito bago nagpatiuna, sinabayan ko sa paglalakad ang kaibigan.

"Siya nga pala, pinapasabi ni Lola na magbihis ka raw ng pormal na damit dahil dadating sina Doña."

Kunot ang noo na napatingin ako dito, "akala ko sa susonod na taon pa ang balik nila doña dito sa probinsya?"

"Aba, ba't ako ang tinatanong mo riyan? E di ko nga rin alam e." Pinaikotan pa ako nito ng mata bago binilisan ang paglalakad. Napabuntong-hininga na lang ako.

Ganon' na ganon talaga ang ugali ni Marie, di mapaliwanag. Minsan mabait, minsan naman mainitin ang ulo pagdating sa akin. Di ko nga rin alam kung ba't ako tinatarayan. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at nagpatuloy na.

"Uy, Thanna!"

Awtomatikong napangiti ako ng makasalubong si Marco. Kaibigan ko na ito mula kami'y paslit pa lang. Mabait din ito at palaging makakapagtiwalaan. Para ko na itong kapatid na lalaki kung ituring.

"Marco!" Buong siglang bati ko rito. Ginulo ng binata ang buhok ko kaya mapasimangot ako. Mas matanda ng dalawang taon sa'kin si Marco, masasabi ko ding may itsura ang binata, kutis moreno.

"Doon ka na naman nanggaling sa lawa 'no?"

Tumango ako ng walang pag-aalinlangan. Napahalakhak ito bago ako akbayan, normal lang sa akin 'yon. Kung sa iba ay may ibig sabihin sa akin naman ay wala.

"Puponta kang mansyon mamaya?"

Nanlaki bigla ang mga mata ko ng biglang may naalala. Oo nga pala! Kailangan kong makauwi bago pa magsapit-gabi dahil maraming gagawin sa mansyon.

Napatalatak ako. Humihingi ng permiso ang iginawad ko kay Marco.

"Pasensya na Marco, kailangan kong magmadali. Kita na lang tayo mamaya sa saluhan."

Agad na akong kumaripas ng takbo at di pinansin ang pagsigaw na pagtawag nito sa pangalan ko. Kahit habol man ang hininga ay nagpatuloy ako hanggang sa makarating sa barong-barong na bahay namin ni Lola. Pinahiran ko ang pawis na namuo sa nuo at pumasok na sa kabahayan.

Tahimik na sa loob at alam kung nasa malaking mansyon na si Lola. Madilim rin sa loob at tanging kinakawang na bombilya ang nagsisilbi para magbigay ng konting liwanag.

Agad akong pumasok sa silid ko na may pagkasikipan. Kumoha ako ng susoutin sa sirang cabinet bago binilisan ang kilos. Ng matapos na sa pag-aayos ay naglagay lang ako ng konting pulbo bago nilisan ang bahay. Sumasagabal rin itong tela ng damit na suot ko.

Hermoso Series 1: The Innocent DisasterWhere stories live. Discover now