CHAPTER 27- Away

348 33 10
                                    

VERONICA'S POV

Pagpasok namin ng school ay pinagtinginan agad kami ng mga estudyante. Pansin ko din na masama ang tingin nila sa akin. Bakit na naman kaya? Ano na naman bang ginawa ko?

Binilisan ko na lang ang paglalakad. "Hey! Wait for me!." Sigaw ni Blaze. Na mas lalong nakapagpaingay sa mga estudyante. Sumigaw pa siya ng sumigaw , pero hindi ko siya pinansin , nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Malapit na ako sa hagdan nang biglang may humila sa likod ko. Shit!

Sinandal niya ako sa pader habang nakahawak parin sa kwelyo ko."Ikaw na babae ka , ba't mo 'ko iniiwan ha? Kanina pa ako sumisigaw , parang kang bingi." Inis niyang bulong sakin.

"A-ano ba , b-bitawan mo nga ako."

"Sagutin mo muna ako." Malakas na sabi niya. Dahilan para mas pag-usapan at pagtinginan kami ng mga Estudyante.

"Omg! Narinig niyo ba yun? Sagutin muna daw siya ni Blaze!"

"Nililigawan ba ni blaze yung si panget na nerd? Oh my god , kadiri!"

"Ew!  Bat naman yung panget na nerd pa yung nagustuhan niya! Pwede namang ako! Di hamak na mas maganda pa ako sa babaeng yan!"

"Akala ko ba natrauma na yan si Blaze sa mga Nerd? Diba yung dating nangyari sa kanila ni..."

Hindi naituloy ng isang lalaki ang sasabihin pa niya ng sumigaw si Blaze.

"Tang*namo manahimik kang baboy ka!" Sigaw ni Blaze dun sa matabang lalaki.

Nag-atrasan yung mga estudyanteng nakapaligid sa amin. "Tama na." Bulong ko sakanya ,pero hindi niya ako pinakinggan.

"Kayong lahat! Magsipasok na kayo! Ang hindi pumasok , ipapatalsik ko sa university na 'to!" Sigaw niya at biglang nagtakbuhan lahat ng estudyante papasok sa kani-kanilang mga room.

"Ba't mo naman ginawa yun?"

"Wala ka ng pakialam dun , wala ka namang alam sa buhay ko kaya hayaan mo ako sa mga gagawin ko." Malamig niyang sabi.  Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko? Nasasaktan ba ako? Pero bakit?

"Bakit kasi ayaw mo magshare , para naman magkaroon ako ng alam tungkol sa...."

"Shut up! Bakit?! Sino ka ba sa buhay ko?" Sigaw niya.

Ang sakit niya talaga magsalita , tagos na tagos sa puso. Eh anong ibig-sabihin nung mga pinaparamdam at pinapakita niya sa akin ?  Trip trip lang ganon? So pampalipas oras lang niya ako? O baka naman pinaglalaruan niya ako?

Dapat nga hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi niya eh , pero bakit ganito yung nararamdaman ko?

Dapat ko na ba talaga siyang iwasan? May trabaho na din naman ako kaya ko ng mag-isa , pero pano siya? Wala na namang mag-aasikaso sakanya kapag may nangyari na naman sakanya.

"B-bitawan m-mo a-ako." Nanginginig na sabi ko. Dahan-dahan niya akong binitawan.  Hindi ko na siya tiningnan dahil alam kong mas lalo lang akong masasaktan.

"Napakababaw mo naman , parang yun lang nagagalit kana agad?! Kung ano-ano na agad sinabi mo sakin , napakasama mo talaga!" Naiiyak na sabi ko at tumakbo palayo sakanya.

Nakakainis! Bakit parang naaawa pa ako? Dapat hindi kinakaawaan yung mga ganung tao!

Pagdating ko sa classroom ay wala pa si Sir kaya laking pasasalamat ko.  Pinagbubulongan ako ng lahat at sobrang sama ng tingin nila sakin. Lumapit sa akin sina Vladymyr , Laurent , Leigh , Stanley at Zandra.

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon