Thirteen - Moon's Promdate

72 7 2
                                    

February 2010

Time really went by so fast.

Natapos na yung first monthsary namin ni Moon pero hanggang ngayon ay bukambibig ko pa din kaya asar na asar na naman ang bestfriend ko sa'kin.

"Oo na nga sheb, ang sweet nya nga. Kaloka ha. Ilang beses mo na nakwento yan eh."

Hindi ko nalang pinansin yung pagrereklamo nya. Sabi nga ni Lovi, it was just a simple gesture. Pero para sa'kin, that simple gesture made me love her more.

I didn't know Moon has an angelic voice, too. She just prepared some food for us sa treehouse nya nung araw na yun at kinantahan ako ng kinantahan. Kung para sa iba ay simple gesture lang yun, but it was everything to me.

Hindi ko tuloy maiwasang magwonder kung ano pa yung mga hidden talents ni Moon. She needs to flaunt it, though. Pero ayaw nya, masaya na daw sya na napapakita nya yun sa'kin dahil sabi nga nya...

Nothing else matters, but you.

Kahit sobrang busy, we made sure na may time pa din kami sa isa't isa. Kahit yung simpleng oras na magkasama kami para mag-aral lang or gumawa ng assignments at projects together, masaya na kami. It still amazes me how Moon can be so serious when we're talking about the future.

Napag-usapan na din namin kung saan kaming universitiy na mag-aaral sa college. We already took some entrance exams at hinihintay nalang yung result nun.

I'm still figuring stuff out, but uncertainty just became less scary and more exciting as long as I'm taking every step with Moon.

"Basta sheb, walang iwanan sa college ha? Same university pa din tayo dapat."

Tumango naman ako kay Lovi. Syempre, ito pa ba iiwanan ko? "Of course sheb, takot ko lang mapariwara ka."

"Uy grabe ka sa'kin. Seryuso naman ako kahit papano ah."

"Oo nalang." Nakangisi ko namang sagot.

Andito kami ngayon sa stage ng gymnasium nakatambay, dinismiss na din kami ng maaga para makapagpractice ng roleplay para sa isang subject. Nagpapahinga nalang kami habang binabasa yung script.

"Calli, alam mo na kung anong gagawin ha? In five minutes, start na ulit tayo sa practice." That was Abigail, ang naatasang maging director namin.

Tumango naman ako at binasa ulit yung script.

"Umm hi Calliope."

Napaangat ako ng tingin sa boses na yun.

"Oh Holen, anong ginagawa mo dito? May five minutes pa bago magstart ang practice ah."

Napakamot naman ito sa pisngi nya sa sinabi ni Lovi.

"Lovi naman, ngayon ko nga lang makakausap ulit si Calli eh."

"Asus! Ano ngang kailangan mo?"

Natatawa nalang talaga ako dito kay Lovi. Close sila ni Joven kaya kung anu-ano nalang tinatawag nito sa tao, pero kapag lumalapit sa'kin si Joven, lagi nitong hinaharangan.

"M-may sasabihin lang sana kasi ako kay Calli, kung mamarapatin mo sanang bigyan ako ng pagkakataon, Lovi." Parang naaasar na nitong sagot.

Tumingin sa'kin si Lovi at hinihintay kung hahayaan ko ba.

Pero bago pa kami sumagot ay sumigaw na si Abigail na may kasamang palakpak pa. "Okay, back to your positions girls and boys. Calli and Joven, dito na kayo sa gitna ng stage. Faster!"

Wala pa namang five minutes eh. Tsaka oo, napagtripan na naman kami ng buong classmates ko. They keep on insisting na kami ang gaganap na bida ni Joven. Ewan ko ba sa mga 'to, ayaw kami tigilan.

Moonset (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon