CHAPTER 9:

4 0 0
                                    

Chapter 9:

*school*

JA's POV

Andito ako ngayon pasakay na sa jeep papuntang school ng maalala ko yung sa nangyari sa jeep kahapon. :) nikikilig naman ako kasi never ko pang naranasang may magsave sa akin pagkaipitan na ganun :">

Andito na ako naglalakad sa hallway papuntang canteen namin kakain sana ako wala kasing nagluto ng breakfast, maagang umalis si Mama may aasikasuhin daw. At sa wakas matapos ang milya milyang lakaran nakarating na ako ng canteen, konti palang naman ang estudyante kaya mabilis lang makaorder. Umupo ako doon sa malapit sa may medyo gitna HAHAHA! Sarap na sarap akong kumakain ng sinangag na sinabawan ng milo(a/n: try niyo guys masarap yun).

"Good Morning, may nakaupo ba dito?" tanong sa akin na may lalaking boses, hindi ko na hinarap istorbo lang yun sa pagkain. Nagsign nalang ako na walang nakaupo gamit yung ulo ko.

"Masarap ba miss?" Tanong nanaman niya sa akin. Ang gulo naman nito! close ba kami?! Tumango nalang ako gamit nanaman ulo ko.

"Mura lang ba yan?" Nagtanong nanaman ito nakakaasar na ah hindi ko maabot abot climax ng pagkain ko. Tumango nalang uli ako.

"Pipi ka ba?" SHET! ang kulit nito. Tinignan ko na kung sinong asungot ang sumisira sa taimtim kong pagaalmusal dito.

 gwapong nilalang ang bumungad sa aking harapan at konti nlang eh magkakalapit na noo namin. SHET! Kinikilig nanaman ako,

Bakit ang gwapo ng boyfreind ko, este fake boyfie pala. Hindi ko napansin na kanina pa magkadikit noo namin at unti unti siyang lumalapit na para bang hahalikan ako OMG!

2 inches

1 inch

1 1/2 inch

 Unti unti na akong pumipikit...

"GOOD MORNING LOVE BIRDS!!" sigaw ni Laiya.

Napatigil kami ng mga ilang segundo at sabay na tumingin kina Laiya na kanina pa sila mukhang ewan na makagiti wagas! Eto namang katabi kitang kita sa mukha ang pagkabanas at huminga ng malalim ako naman nakatungo lang feeling ko namumula na ako. Bigla naman akong  tinignan nitong si Keeno at ako naman napatingin pero umiwas rin ako agad kasi ang AWKWARD to the maximum level. Umupo nalang sina Laiya at Moret kaharap naming dalawa na nakangisi parin ng napakalaki.

"Panira talaga kayo." sabi ko sa isip ko. Landiiii, eh pero sayang kinikilig na ako.

"Moret, bago na ba pala favorite color ko ngayon. Red na :)" sabi ni Laiya, eto namang si Moret prang may something na tumtakbo sa isip niya.

"Oh? bakit red? siguro lagi ka sigurong NAMUMULA o di kaya NAGBLUBLUSH!" pinagdikdikan nila yung salitang NAMUMULA at NAGBLUBLUSH habang palipat lipat ng tingin sa aming dlawa  ni Keeno.

Sutil(mahilig mang asar) talaga tong dalawang to! Sinamaan ko nalang sila ng tingin tsaka buti naman at nagets nila ag ibig kong sabihin at tumahimik nalang at tahimik na naghahagikhikan. Feeling ko tuloy namumula nanaman ako. Nabaling tingin ko kay Keeno at nakita ko na namumula tenga nya, ang cute, teka kinikilig din ba to?  O baka naasar na to sa dalwa kong kaibigan, makasira ksi ng moment!.

"Ah, Ke-Keeno *ehem* wa-wla ka bang pasok?"  tanong ko nalang sakanya

"Wala. practice kasi namin eh" sabi niya na nakapokerface, sabi na nga ba eh hindi ko kinikilig, May kinikilig bang nakapokerface?! HAHA!

"Yiieee, ang sweet mo naman Keeno" sabat ni Laiya na kinikilig parin hanggang ngayon

"Ano ba te? kailangan niya munang makita ang inspirasyon niya bago ang practice para ganahan" sabat rin ni Moret at sinipa pa ako sa paa.

Sinamaan ko nanaman sila ng tingin at tumayo na. Magpapalam na ako at isasalvage ko pa tong mga kaibigan ko!

"Ah Keeno, una na kami ah may klase pa kasi kami sa pe." sabi ko nalang sakanya

"Sige ingat ka, kayo ah" sabi naman niya.

"Sige ingat ka din." sabay naglakad na siya palayo

Nung medyo mga malayo na siya sa amin bigla uli siyang humarap at naglakad pabalik sa amin. At nung malapit na siya sa amin tinanong ko siya

"Anong problema mo?may nakalimutan ka ba?" tanong ko saknya tinignan lang niya ako at

swoosh.. sa sobrang bilis ng pangyayari natulala ako saglit..

Hinalikan niya ako sa Cheeks! shet namumula nanaman ata ako! aaah!!!

after niya akong halikan nagpaalam uli siya.

"Alis na ako ah! Huwag kangg magpapagod" sabi niya sabay killer smile niya! oh shocks.... any moment now pwde ng pagihawann ang mukha ko sa sobrang init at namuula pa talaga!! Grabe I'm going crazy iba na talaga to. Bigla naman akong sinunddot ni Moret sa tagiliran kaya naman bumalik ako sa senses ko at napansing nakatayo parin pala si Keeno sa harap ko.

"Ah-ahm an-ano, *ehem* sig-ige bye, Huwag ka ding magpapagod, at ing-ingat ka ba-baka matapilok ka" sabi ko dahilan ng pagtawa nilang tatlo Moret, Laiya at Keeno. Ano ba sinabi ko? May mali ba doon SHEMAY! baka matapilok ka? matapilok anong klaseng?! ai ang tanga ko talaga, bakit naman siya matatapilok dibs?! ASAR! umalis na siya at nung malayo na siya sa amin inasar asar ako nitong 2 kong kaibigan

"Te, anong droga mo maliban kay papa KEENO?"

"Nakaheels ba siyang maglalaro te?" AHHH! I'm so uber sa tanga as in!!!

Sakto pagtalikod namin to go the other way papunta sa PE class namin nakita ko si...

si Jureza, nakatayo at tinitignan lang ako. At ako naman tinitigan rin lang siya, Nagkatitigan lan kaming dlawa. Pero parang may mali

May kung anong parang tumusok sa akin at parang nasaktan ako ng sobrang sakit. ewan ko kung bakit? Siguro at that moment nakalimutan ko na may mission pala kami ni Keeno at na pakiramdam ko na totoo ang mga nangyari kanina at wlaang halong idea na may kailangan kaming pagselosin! Kaso eto ako ngayon parang bumalik ako sa realidad at naalala na may Misyon pala naming pagselosin si Jureza, ang babaeng nasa harap ko ngayon. Ako na yung umiwas ng tingin at nagdidiretso na sa paglalakad nahalata rin nila na parang nagkatingina kami ni Jureza kay parang tumahimik sila Moret sgalit at ah Naglakad na rin ng mabilis after.

PE namin andito kami ngayon sa bleachers, nagpapahinga ang totoo niyan parang bigla nalang ako nawala sa mood. Ang sakit isipin talaga, At isa pa naasar ako sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. AHSHEMAY! iba na ba talga to?  Ah kinilig lang tlaga ako that's all!

--

(a/n: What you see is what you get)

You'll definitely Be Mine <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon