Chapter 10:
JA's POV
Pauwi na kami ngayon, Medyo nagexpext ako na baka andito si Keeno kaso wala hindi daw siya makakapunta ngayon kasi may practice daw sila malapit na daw kasi competition nila. Wow ah alam na alam ko talga noh girlfriend n girlfriend lang ang peg ko siyempre ako pa! Joke fake nga lang diba.
"Uy guys una na ako ah, may gagwin pa ako para sa event namn doon sa organization" paalam sa amin ni Moret
"Guys una na pala kayo may naiwan ako sa locker ha" pinauna ko na sila kasi ang totoo niyan makaksaby ko pauwi sila Nomi at Aldred kaya bumalik ako sa locker iiwan ko nalang itong ibang gamit ko.
1 message received
KEENO: Panget, sunduin kita, hintayin kita sa labas :* gwapo ko!
LUB DUB LUB DUB..kinikilig ako na ewan parang bigla akong namula sa text nya kahit may pagkademanding at mahangin parang ang sarap basabasahin uli. :"""> feeling ko tuloy kami na.
Siyempre dumaan muna ako sa cr makapagayos man lang kanina pa kasi ako hindi nakakapag salamin at pati pagsuklay hindi ko rin nagawa kanina. Pagkapasok ko bumungad agad sa akin si Jureza umiiyak.
Aalis na sana ako kaso bigla niya akong nilapitan habang papalapit sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nablablanko. Parang may nagsasabi na magstay ako kaso parang may nagsasabi na huwag akong umalis.
"Sorry nakita mo akong ganito." sabi iya sa akin
"Okay lang" ngnitian ko nalang din siya baka kasi isipin niya ang bitter ko skanya.
"Ang sakit alam mo ba yun" sabi niya sa akin sabay humagulgul uli siya ng iyak
Bigla niya akong iyakap kaya niyakap ko narin siya para kasing sobrang lungkot niya at nararamdaman ko yun.
"Ano bang nangyari" bigla kong tanong ko sakanya gusto ko kasing malaman
Gusto konng malaman pero at the same time winiwish ko na sana hindi si Keeno ang dahilan, Ayaw kong marinig mula sakanya na babalik pa siya kay Keeno. Ang sama ko pero ewan ko parang nasasaktan ako, Ngayon kasi hindi ko alam ang nararamdaman ko para kayy Keeno.
"Sabi niya Mahal niya ako pero sinasaktan niya ako" Sabi niya.
Bigla bumigat yung nararamdaman ko na parang bag may tumutusok at parag may naguudyok sa akin na umalis na dito at iwan si Jureza kaso parang ayaw umalis ng paa ko at parang may gusto pa akong malaman.
"Si-sin-sino" bigla kong tanong sakanya. hindi ko alam kung bakit gusto kong malaman. Please sana hndi si Keeno.
"No need to know" sabi niya sa akin tapos bigla siyang umalis at nung asa pintaun na siya nginitian niya lang ako.
Hindi ko alam kon anong nangyayari sa akin parang nanakit dibdib ko na hindi maexplain ang nararamdaman ko. Part of me anng nagsasabin si Keeno yun na mas lalong kinasasakit ng puso ko at ang malala part of me ang ayaw tanggapin na si Keeno yun kahit na alam kong siya yun.
BAkit ba ako nagkakaganito, Hindi dapat ako nagkakaganito, Hindi ako naiinlove kay Keeno may kontrata eh. HINDI PWEDE.
Lumabas na ako baka kasi naiinip na si Keeno at masigawan pa ako nu napaka demanding pa naman nun.
Andito na ako sa may malapit na sa gate ng bigla ko gustong umatras at tumakbo palayo. Nakita ko si Keeno pinipigilan si Jureza na umalis at hinawakan nito ang kamay niya habag pinupunasan niya ang Luha na tumutulo sa mata ni Jureza. Lumakas bigla tibok ng puso ko hindi ko alam kong anong dapat kong gawin.
"Ja" may bigla nalang tumapik sa likod ko. Pagtingin ko si Aldred nakatingin din kung saan ako nakatingin.
"Ikaw pala." sabi ko nalang sakanya ng bigla niya akong hinila palapit sakanya at pinunasan ang luha ko. Hindi ko alam na tumutulo luha ko at parang mas lalong dumami yung sakit na nararamdaman ko nang makita ung niyakap na mismo ni Jureza si Keeno.