Kabanata 13
Prove
Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko habang dahan-dahan siyang naglalakad palapit sa akin. Namumuo ang luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan siyang pungay na pungay ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako habang nakatingin sa kanya. Kung bakit kusang namuo ang luha habang pinagmamasdan ang kanyang mukha.
For so long, ngayon ko lang ulit siya nakita personally. And it feels unbelievable. I can't believe this. I can't even move my thighs to walk and to run because I feel like I'm glued here. Nanginginig ang tuhod ko, ang puso ay naghuhuramentado sa kakaibang nararamdaman. Nabuhay ang dugo ng muli siyang makita. Nang muli kong makita ang kanyang mukha.
Walang pinagbago, siya pa rin ang hinahanap-hanap ng kagustuhan ko. Siya pa rin ang mahal ko kahit nasaktan ako ng husto noon. Kahit sinabi sa akin ni Brazier na kinasal siya sa ibang babae, mahal ko pa rin siya. Ang sakit lang isipin na ang lalaking minahal ko, pagmamay-ari na ng iba. Kasal na siya noon at baka marami ng anak.
Huminto siya sa harap ko, parehong tingin at tuwid ang tayo. Nang muli kong tinignan ang kanyang mga mata, kusang tumulo ang luha ko. Ramdam na ramdam ang pangungulila sa kanya. Ang pagmamahal na kahit nalipasan ng panahon, hindi pa rin namamatay. Yumuko ako at umiling-iling habang tumutulo ang luha. Naramdaman ko ang kamay niyang inangat ang mukha ko, tinignan ang mga mata at napahinga ng malalim.
"Why are you crying?" he asked softly.
I looked at him, the pain, sorrow, weak and tired fall in me right now. Na kahit anong ngiti at pagtatakip ko sa puso, nangungulila pa rin ako sa kanya. Gusto ko pa rin siyang makita at mayakap muli, masabi na hanggang ngayon, siya pa rin ang gusto ko.
"I have to go." mahina kong sabi.
Umiwas ako sa kamay niya at tumalikod upang umalis ngunit agad kong naramdaman ang mahigpit niyang yakap sa akin patalikod. Yakap na hindi ako papakawalan at bibitawan. Mas lalo akong nasasaktan at naiiyak sa ginagawa niya. Ayokong isipin na habang buhay akong magiging ganito sa kanya.
"Baby…" malambing niyang bulong.
Tumulo ang mga luha ko. Oh God, naninikip ang dibdib ko ngayon. Para akong mauubusan ng hangin habang naririnig ang kanyang buntong-hininga.
"S--sir…let me go please," halos ibulong ang mga salita.
Naramdaman ko ang pag-iling niya at pagyakap sa akin ng mahigpit. Napakagat-labi ako at dumadagundong ang puso sa kaba at pangungulila.
"I can't do that, baby." sa marahan niyang boses.
Hindi na ako nakapagsalita dahil sa oras na sumagot ay baka humagulgol ako. Naglakad siya habang yakap ako, palayo sa gate ng bahay at papunta sa kanyang kotse. Hindi ako nakaramdam ng takot dahil alam kong siya ang kasama ko. Huminto kami sa tapat ng sasakyan niya, binuksan ang pinto gamit ang isang kamay habang ang isa yakap ang baywang ko.
Nang mabuksan ang pinto, hinawakan niya ang palapulsuhan ko at dahan-dahan akong pinasok sa loob. Wala na akong lakas upang umalis at lumabas dahil nanghihina talaga ako. Pakiramdam ko'y sa oras na tumakbo ako ay baka matumba lamang. Pinikit ko ang mga mata at natulala ng ilang segundo. Pumasok siya at kinabit ang seatbelt sa akin. Ilang sandali pa'y pinaandar ang kotse at umalis kami sa bahay.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala pa akong lakas upang magtanong dahil hanggang ngayon manghang-mangha pa rin ako sa kanya. Huminto kami sa isang park na sobrang tahimik. Tumingin siya sa akin, namumungay pa rin ang mga mata. Napahinga ako at nilakasan ang loob upang magsalita.
"Kailangan kong umuwi. Ihatid mo nalang ako." mahina kong sabi.
Umiling siya.
"Hindi ka na uuwi sa kanila, Mywa." nawala ang kalambutan sa kanyang boses.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)
Storie d'amoreNamuhay ng tahimik at mahirap sa Libtong si Mywa Anicia Altamonte, ang babaeng taga bukid. Siya ay iba sa mga karaniwang babae na nasa paligid. Mas gusto niyang ginugugol ang oras sa pag-aaral at pag-aalaga sa kapaligiran. Siya ay mabait na apo, at...