Isang magandang umaga, para pumasok sa paaralan, "hoy!! Asahi tanghali na pumasok kana".sigaw ng ina ni Asahi kimizuki, "eto na aalis napo",
"mag ingat ka anak" ang pag papalala ng ina habang kumakawayMapayapang naglalakad si asahi sa gilid ng kalsada nang may tumatakbong babae na papalapit sakanya. Mabilis itong tumatakbo na nakalingon sa likuran kayat nabunggo nya si Asahi at parehas silang gumulong sa kalsada.
"Hayy!!! Ano bang pinag gagawa mong babae ka!?" pagalit na tanong ni Asahi.
"Sorry, tulungan moko Mr! may mga lalaking humahabol sakin". paawang pakiusap ng babaeng ito kay Asahi. Naawa nmn si Asahi sa paiyak ng babae,
"hays bahala na! sino ba yung mga nahabol sayo?"tinuro ng babae ang direksyon na pinanggalingan nya, at may mga nakita silang lalaking tila may hinahanap na tumatakbo rin sa direksyon nila.
"Andami nila wala tayong laban dan" . ang sabi ni Asahi. Hinila nya ang babae at tumakbo sila sa isang maliit na eskinita para makapagtago. Habang ang mga lalaking humahabol sakanya ay dumiretso na at hindi sila napansing nakatago.
Nang makalayo na ang mga lalaki, ay lumabas na sila sa kanilang tinataguan at tumakbo patungo sa paaralan. ligtas silang nakatas sa mga lalaking humabol sa babae at pumasok na sila sa kanilang paaralan dahil mahuhuli na sila sa klase.
"Uhmm salamat nga pala Mr" , wika ng babae
"pwede bang malaman ang pangalan mo?" ang pagtatanong nito."Asahi", maikling sagot ni Asahi. lumakad na sya papuntang clasroom nila at iniwan na ang babae.
"Maraming salamat Asasshhiiii!!!" muling pasigaw na pag sasalamat ng babae. At tumungo na ito sa faculty office ng mga teacher.
Nag ring na bell, simula na ng unang klase ng first semester. pumasok na ang guro sa classroom kung saan andon si Asahi.
"Mag sisismula na ang homeroom mag si upo na kayo" . Sigaw ng guro sa mga estudyante,
"Bago nga pala tayo mag simula, may ipapakilala ako sainyong bago nyong kakalase, pumasok kana" . Isang magandang babae ang pumasok sa clasroom maputi, matangkad at maganda ang hugis ng kanyang katawan, lahat ng lalaki ay nakatitig sakanya nang pumasok na sya sa silid aralan"Magpakilala kana iha" , ang utos ng guro,
"ako si Hina Izusuki 16 yrs old nice to meet you all" , ang pagpapakilala ni Hina sa buong klase. "Maupo kana, doon sa tabi ni Asahi bakanteng upuan nmn don". Ang utos ng guro.Umupo na si Hina at tumingin kay Asahi, binati nya ito, "goodmorning Mr. Asahi salamat nga pala sa tulong mo kanina". Tumungo lamang si Asahi at nakinig na sa guro na nag tuturo sa unahan.
Tintitigan ni Hina si Asahi buong klase hangang matapos lahat ng subject, nang umalis na ang guro ay napalibutan agad si Hina ng mga babae at lalaking gustong makipag kaibigan. Habang si Asahi ay nakatingin lamang sa bintana.
Lung break na kayat Inilabas ni Asahi ang kaniyang baon at nag simula na itong kumain, habang kumakain si Asahi ay hinila ni Hina ang kaniyang upuan papalapit kay Asahi.
"Sabay na tayong kumain" , nakangiting banggit nito kay Asahi, tumungo lamang ito at pinagpatuloy na ang pagkain"Uhmm Asahi may gusto sana kong sabihin sayo mamaya pag tapos ng klase, iintayin kita sa gate". Ang sabi ni Hina, binilasan niya ang kanyang pagkain at muli nang nakipag usap sa mga bagong kaibigan nyang babae.
Nagtaka si Asahi sa sinabi ni Hina, Hindi maalis sa isip nito , kung ano ang gustong sabihin ni Hina sa kanya, hangang sa mag hapon na at mag uwian. Hinintay muna ni Asahi na mawala ang lahat ng studyante sa classroom saka lamang sya lumabas.
Naglalakad na si Asahi papuntang gate ng makita nya si Hina na matyagang nag antay sa kaniya, nakita sya ni Hina na palabas na kayat kumaway ito sa kanya.
Nang makalapit na si Asahi kay Hina ay nag tanong agad ito, "what do you want to say, Ms Hina Izusuki? Ang walang emosyon na tanong ni Asahi"
"Ahh ehh hehe hihingi sana ako ng pabor, ihatid moko sa bahay pleasee!!"
"Ha? Bat ko nmn gagawin yon?" Ang sagot ni Asahi.
"Kase e ung mga humahabol sakin kaninang umaga, mga stalker ko. Natatakot nako, nung una nag lalagay lang sila sa bahay ng mga picture at sulat pero ngayon gusto nila kong sumama sakanila pero ayaw ko kaya natakbo ako kaninang umaga." "Pleasee Mr Asahii", ang pag mamakawa ni Hina kay Asahi.Wala itong nagawa kayat pumayag na itong ihatid sya, "lilinawin ko lang Hina, ngayon lng kita ihahatid maliwanag ba!??"
"Ahh hehehe", tanging ngisi lamang ang sagot ni Hina, naglakad na sila at inihatid ni Asahi si Hina sa kanilang bahay, kabilang baranggay lang nmn ang bahay ni Hina kayat hindi ito ganong kalayo sa bahay ni Asahi.
Nang makarating na sila sa bahay ni Hina ay pinapasok nya muna ito para makapag pahinga.
Kasama nito sa bahay ang kanyang Ina at ama, ipinakilala ni Hina si Asahi sa kaniyang mga magulang"Maa... Pa.. si Asahi nga pala kaklase ko" . Ang pag papakilala ni Hina
"Ikaw ba ang boyfriend ng anak ko na kinukwento nya? Hays mabuti nmn alam mo andaming nag hahabol dan kada umaga laging may picture at sulat sa harap ng bahay minsan may mga yumayaya ring mga lalaki sakanyang lumabas, kaya, ngayong may boyfriend na sya siguro nmn matitigil na iyon, salamat iho ha ikaw na bahala sa anak namin". Hindi na nakapagsalita si Asahi sa mahabang pagsasalita ng ina ni Hina,
Ngumiti na lamang si Asahi sa ina nito at kinausap si Hina,. " Anong ibig sabihin nito!?"
"Ah eh hehe sorry actually nagsinungaling ako na may bf nako sa kanila para hindi na sila mag alala, pleasee be my boyfriend ngayon lng". Ang muling pag hingi ng pabor ni hina
"Hays ano pabang magagawa ko". Ang pag sangayon ni Asahi.
Naghanda na ng hapunan ang ina ni Hina at pinasabay nila si Asahi sa pag kain.
Nagpaalam na agad si Asahi pagkatapos mag hapunan, bago ito makaalis ay nag salita ang ama ni Hina.
"Iho saan kaba nakatira? "
"Sa kabilang baranggay lang po tito". Ang sagot ni Asahi
"Malapit kalang pala gusto ko sanang sunduin mo si Hina bago pumasok, at ihatid mo sya pauwi pag tapos ng klase", ang pakiusap ng tatay ni hina. "Asahi pag may masamang nangyare sa anak ko, ikaaw mananagot!," Mahinahon ngunit nakakatakot na sabi nito bago nakalabas si Asahi sa bahay nila Hina.
Sa labas ng bahay nila ay kinausap ni Asahi si Hina bago umalis. " Pano nayan Hina!? Hindi mo nmn talaga ko boyfriend pero kailangan pa kitang ihatid sundo?" Galit at pabulong na sabi ni Asahi kay Hina.
"May hihingi sana ako uling pabor.......... please mag panggap kang boyfriend ko. Sa harap lang naman ng mga magulang ko pleasee!!" Ang pag mamakaawa ni Hina kay Asahi.
"Please please please pag nawala na ung mga nasulat sa bahay at nasunod sakin, pwede na tayong tumigil ako na bahala kala mama at papa". Muling pag mamakaawa nito kay Asahi
"Hays ano pabang magagawa ko!? Just dont cling to much on me". Pag payag ni Asahi sa pabor na hiningi ni Hina
"Maraming salamat Asahi!!" Masayang saad ni Hina, umalis na si Asahi at umuwi na sa kaniyang bahay.
Sa wakas ay nakauwi na ito sa kaniyang bahay, pag pasok nya ay nakita nya ang kanyang ama na nakaupo sa sofa. "Asahi Hindi ba gusto mong maging ceo sa kompanya natin?" Ang sambit ng ama
"Opo papa papayagan nyona poba ako!?" Ang masayang pag tatanong ni Asahi
"Oo ngunit kailangan mo muna makahanap ng mapapangasawa, mo mag e- eighteen kana next year pwede kana ipakasal". Ang kondisyon ng ama kay Asahi
"Pero papa!!.." Hindi na natuloy ni Asahi ang kaniyang pag rereklmo nang nag salita muli ang kanyang ama.
"Kailangan mong makahanap ng mapapangasawa para mapatunayan mong kaya mo nang mag patakbo ng isang kompanya tapos ang usapan" , umalis na ang kaniyang ama sa pag kakaupo sa sofa at pumasok sa kanyang kwarto.
YOU ARE READING
I Don't Know love, so She Teach me how
RomanceNovel/romance/slight action/ school First time lng nag sulat so can you give me honest feedback?