"Nay papasok na po ako sa skol." Sigaw ko habang sinusuot ang medyas kong may butas butas na sa unahan, bakit ba'to nabubutas ang medyas nato? nangangain naman tong paa ko!.
Tiningnan ko pa ang sapatos kong
malapit nang masira--ay sira na pala. Halos naka nganga na kasi eh. Dali kong Hinanap ang shoes glue.asan koba nilagay yun? nung isang araw ay nandito lang yun eh. sinilip ko na kung saan ay ndi ko mahanap!
"haynako asan kaba kasi ha?" inis na tanong ko na alam ko naman na kelan man ndi yan makakasagot.
nang hinahanap ko ay biglang nagsalita
si nanay.
"ano ba ang iyong hinahanap 'nak?" tanong niya
agad akong umiling at sinipa ang sapatos ko sa ilalim ng upuan. nakangiti lang ako sakaniya at nang mayamaya ay bumalik na siya sa kusina ay agad konang inabot ang sapatos ko at nahanap kodin ang hinahanap ko!
naka ipit lang pala ang pang glue 'nasa gilid lang pala ng lalagyanan ng susi.'Nilagyan ko na ang parte ng sapatos ko na nakanganga. at para akong may ginagawang masama dahil ng marinig ko ulit ang yapak
ni nanay ay dagli dagli kong binato ang pandikit sa labas ng bintana at sa mukha ni roberta tumama!'BINGO'
"aray ko naman khera!" sigaw niya
'Yan ang napapala ng chismosang tuko!'
Anon bang ginagawa niya diyan?
pinandilatan kolang siya at agad nang lumingon kay nanay.si nanay papalapit na saakin. agad lang akong ngumiti sakaniya at nang tumayo ako mula sa pagkakaupo ay para akong nabuhusan ng mainit na tubig!!
naramdaman ko bigla ang init sa sapatos ko!
"ambilis naman ng karma rubi!" bulong ko habang tinitiis ang sakit.
malaki pa ang nalagay kong glue kaya ramdam ko ang init nito!
'ako ata ang naka binggo!'
Ayaw ko lang kasi na makita niyang sira na ang sapatos ko baka makadag dag pa ako sa problema at mangutang pa kay ninang.
Kahit hindi na kaya ng sapatos ko, ang importante ay kaya kopa. Ngumiti ako muli kay nanay at mahigpit siyang niyakap.
"I love you nanay. Papasok na po ako sa skol"
Hinaplos niya ang buhok ko at inabot sa akin ang lunch box ko na naka balot pa sa kulay puti na supot.
Nakangiti akong kinuha yun at hinalikan siya sa kanang pisngi at sunod na hinalikan naman ang kaniyang kaliwang pisngi.
"sus, hihingi yan ng baon panigurado po yun ante" biglang may sumulpot na tuko!
inis akong lumingon sakaniya at natawa lang ng bahagya si nanay.
nang lumingon ako ulit kay nanay ay nakangiti lang siya saaken." oh sige halika na, ihahatid kona kayo sa sakayan" masayang sabi niya pero agad akong tumutol pero sadiyang may sayad ata tong babaeng to!
YOU ARE READING
The Moment You Left Me (The Moment Series #1)
General FictionSa buhay natin sa mundo we never expect sa kung ano man ang pwedeng mangyare. We intended to fight everything, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya natin. The more we act na parang wala lang, the more it will kill us in pain. Sabi nila, "the...