Simula

6 0 0
                                    

I was just standing outside, looking at nowhere, nag-iisip sa napakaraming mga bagay bagay.

Masyadong madaming tao sa loob at pagod na ako, gusto ko na lang magpahinga but I couldn't.. baka hanapin pa nila ako atsaka hindi pa tapos ang program. Katatapos lang rin naman ng trabaho ko at kailangan ko munang magpalamig because everything is drainig me. May kakaiba sa akin at hindi ko mawari kung ano iyon pero napakabigat. I used to liked all of this, but now.. I don't know.

Bumuga ako ng malalim na hininga bago nagsimulang tumingin sa kapaligiran until I saw a familiar face who's looking at me intently. He was holding his cigarette kasabay ng pagbuga nito ng usok mula sa kaniyang bunganga.

Akala ko nasa loob lang siya.

"Pagod ka na?" He asked me atsaka humipak ulit sakaniyang sigarilyo sabay tinapon na ito. Sinundan ko ng tingin ang itinapon niya, wala pa sa kalahati ah.

I didn't know he was here. Sa sobrang lutang at pagod ko ngayon ay hindi ko na napansin na nandito pala siya.

Nagtaas ako ng tingin ngunit hindi ko siya binalingan. Wala rin akong balak sumagot sakaniya.

"You still don't want to talk to me?"

Naramdaman ko ang paglapit nito sa akin.

Umatras ako.

Lumapit ulit siya.

Isang hakbang ulit palayo.

Napamura na lang ako sa aking isipan, wala na akong aatrasan pa dahil may pader sa aking likuran na siyang sumagabal sa paglayo ko sakaniya.

"Bakit ba lumalayo ka?" Iritado nitong saad.

"You're dangerous.." I finally said without looking at him.

"Sinabi ko na ang lahat.."

"That doesn't prove your innocence"

"Ano pa bang kailangan kong gawin?" He asked. Mukhang nahihirapan pero malumanay pa rin ang pagkakasabi nito sa akin.

"Ano pa bang dapat kong patunayan sa iyo? Alam mong hindi kita masasaktan. Gusto nila pero ako, hindi.." tila ba humihina ang boses na nito sa bawat bigkas niya ng salita sa akin.

I am not sure. I cannot process everything. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa kayang maniwala sakaniya kahit sinabi na niya sa akin ang lahat.

I just can't decide knowing how my family will hate him for what his family has done to us. Everyone's affected, may nasaktan and I just can't decide for myself. I can't just think of myself right now and it is so fucked up because we are in the same world pero magkaiba kami ng mundong ginagalawan.

"But that's your family.."

"Kaya ko silang talikuran"

Tila nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napatingin ako sakaniya at kitang kita ang kaseryosohan nito sa mukha. Hindi siya nagbibiro, seryosong seryoso ang mukha nito.

"For this? Para lang dito?"

Tumango ito. "Para dito Thiasteen, kaya kong gawin ang lahat.."

"But why?!" Hindi ko mapigilang hindi magtaas ng boses.

Because me? I cannot do that to them. Hindi ko kayang isapalaran ang pamilya ko para sa pansariling kaligayahan ko because they are the one who's been with me the whole time. Sila ang mayroon ako.. I cannot see them suffer because of me.

"Magkaiba tayo.. Alam ko kung gaano kaimportante ang pamilya mo para sa iyo at hinding hindi ko hihilingin na mawalay ka sakanila"

"And you can?" I asked him.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Game of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon